Chapter 6

59.3K 1.2K 33
                                    

P/N (Princess Note):

Hello po Blooders Royalties (Ms_BloodPrincess Blooders) I'm just want to say sorry about the previews chapter na may maraming typos, grammatically errors, at iba pa. Pasensya na po Sa mga ganyan hayaan niyo at mula Sa chapter na ito palagi ko ng i-rereview ang bawat chapter bago i-publish para maayos na po at walang mga typos o kung ano ano pa.

Para ito sa mga readers na hinihintay ang Update ko. Salamat sa inyong lahat.

**

"Can I talk to you in private, iha?" Tanong ng Mama ni Jasper sa akin. Napatingin ako kila ate at nakita kong masama ang tingin ni ate sa akin na parang sinasabing WAG-KANG-PUMAYAG-LOOK napayuko nalang ako.

"Pero paano po yung mga anak ko? Hindi pa po sila tapos kumain," magalang na sagot ko sa Mama ni Jasper.


"Don't worry, Mommy, we will be fine here, Big girl and big boy na kami and also nandito naman si Daddy Jasper." sabi ni Jed. Wait did I heard it right? Tininawag ni Jed si Jasper ng Daddy? Akala ko ba si Jenzel lang tumatawag ng ganun kay Jasper pati pala ang isang ito.


"Grrr! Mag-uusap tayo mamaya Aera." Napalingon ako kay ate ng bigla nitong ibinagsak ang mga kurbyertos niya at padabog na tumayo sa upuan niya hinila pa nga niya si Jasper patayo pero hindi natinag ang binata. "Ano ba Jasper lets go to my room, I don't want to stay here  with my Younger sister and her Babies." Sabi ni ate kay Jasper.


"Stop it, Airish, don't be a stubborn brat in front of our visitors. Take your seat now." Biglang nagsalita si Dad kaya naman padabog na umupo ulit si ate.


"And Aera, go with your Tita Jeanne." Sabi ni Mom. I just nod as an aswer. "You can talk in the Library, tahimik doon at makapag-usap kayo ng maayos." mom added.

"Thanks amega, so lets go, iha?"

Tumango lang ako bilang sagot at tumayo ganun din siya pero bago siya umalis ay may ibinulong pa siya sa Papa ni Jasper na kanina pa tahimik. Pagkatapos ng pagbulong niya ay nakita kong tumango lang ang Papa ni Jasper. I wonder kung ano kaya ang ibinulong ni Tita Jeanne sa Papa ni Jasper.

"Ano tara na, iha?" Nagulat nalang ako ng nasa gilid ko na pala si Tita Jeanne. Tumango lang ako.

Lumabas kaming Dining Hall. Magkasabay lang kaming naglalakad papunta sa may hagdan.

"Ngayon lang kita nakita, iha." Paninimula niya sa akin habang naglalakd kami.


"Pumunta kasi ako sa ibang bansa ng malaman kong buntis ako." I honestly said to her.


"Oh? Nasimulan mo na din ang topic tungkol sa pagbubuntis mo may tanong lang ako sayo I know this is so personal at natanong ko na din kanina pero nahahalata kong iba ang totoo sa sinagot ng anak mo kanina." Mahabang sabi niya. Nasa harapan na kami ng Library. Binuksan ko ito at pumasok kami sa loob. Umupo siya sa isang sofa at sa kaharap na sofa naman ako umupo. "Where is their Dad? I mean bakit hindi niyo kasama ang ama nila?"


"Seriously, nabuntis ako ng lalaking hindi ko kilala. Nasa bar kasi ako that day at nagpalunod sa lasing and then hindi ko na alam ang nangyari nagising nalang ako sa isang hotel room and after ng ilang buwan nalaman kong buntis na ako."

"So hindi mo kilala ang lalaking nakabuntis sayo? Kabataan nga naman hindi mo ba siya namukhaan? O may palatandaan ka ba niya? Mahirap magpalaki ng anak na walang ama lalo na kapag naghahanap na sila ng ama." Sabi niya sa akin. Yumuko lang ako kasi tama siya sa sinabi niyang mahirap magpalaki ng anak na walang ama at ngayon nga nagsisimula na silang maghanap ng ama. "Iha, piece of advice lang kung namukhaan mo ang lalaking nakabuntis sayo hanapin mo siya dahil kailangan ka niyang panagutan at isa pa kung nakilala mo na din siya ipaalam mo na malay mo hinahanap din pala niya ang babaeng na-one night stand. At kapag naman nagtanong ang mga anak mo sayo sabihin mo ang totoo dahil habang nagkaka-edad ang bata ay nagegets na niya ang mga nangyari sa paligid niya." She said. Hindi na talaga ako makaangat ng tingin sa kanya dahil sa hiya. Una, kilala ko na ang ama ng mga anak ko. Pangalawa, natamaan ako sa pagsisinungaling sa mga bata tungkol sa ama nila. Pangatlo, anak niya ang ama ng mga anak ko, at Pang-apat, mali siya sa hinahanap ako ng lalaking nakabuntis sa akin dahil ikakasal na nga diba.

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now