Chapter 17

51.3K 1K 61
                                    

Airish's POV

Isang buwan na ang lumipas mula ng makipaghiwalay si Jasper sa akin. Sa loob ng isang buwan ay sinusubaybayan ko sila sa malayo. Sinusubaybayan ko silang dalawa ng babaeng mahal niya—ang kapatid ko.


Mula pagkabata ay naiinggit na ako kay Aera dahil sa mga atensyon na nakukuha niya mula sa mga taong nakapalibot sa aming dalawa maging ang magulang namin ay nasa kanya ang atensyon. Hindi naman ako sobrang sama tulad ng iniisip niyo may puso din naman ako kaya nga minahal ko si Jasper na nauwi pa nga sa pagsisinungaling kong buntis ako. Yeah, kasinungalingan lang ang pagbubuntis ko nagawa ko iyon dahil mahal ko siya at ayokong iwanan niya ako. Pati ang pagtangka kong pagpapakamatay para hindi niya ako iwan ay nagawa ko. Alam kong masama iyon pero masisisi niyo ba ako kung nagmahal lang naman ako at natatakot iwanan ng taong minamahal. My Dad. My Mom. Hindi nila ako mahal kaya nagagalit at naainggit ako kay Aera.


Mula noong bata pa ako palagi akong pinapagalitan nila Dad pero dahil mahal ko sila tinitiis ko pero noong dumating si Aera lahat ng atensyon nila na kay Aera na.  Lahat ng pagmamahal ng magulang namin nakuha niya pati ang mga nakapalibot sa amin. Pagtungtong kong Highschool natuwa ako dahil nasa akin ang mga atensyon ng mga schoolmate ko. Ako ang tinagurian nilang Reyna ng campus pero lahat lang din nagbago padating ni Aera lahat ng ataensyon nasa kanya na naging ang pagiging Reyna ko ipinasa na sa kanya kaya sa galit ko palagi ko siyang pinagtangaang patayin para sa akin na ang lahat ng atensyon.

Pagtungtong kong college para akong nabunotan ng tinik sa puso dahil alam kong nasa akin ulit ang atensyon at tama nga ako. Lahat ng atensyon at panliligaw ng mga lalaki ay nasa akin. Pero isa lang ang napili ko sa kanilang lahat si Andrew naging masaya naman kaming dalawa pero hindi din nagtagal. Nang tumungtong na sa Collage si Aera at naging schoolmate kami ulit nakuha nanaman niya ang atensyon. At sa lahat ng bagay kinukumpara ako sa kanya. Pero lahat ng iyon tiniis ko hanggang sa naramdaman kong nagbago si Andrew nakikita ko din siyang palaging sumusunod kay Aera hanggang sa nangyari ang kinatatakotan ko. Ang makipaghiwalay siya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag pagkatapos nabalitaan kong nanliligaw siya sa kapatid ko. Sobrang sakit dahil kapatid ko pa talaga.

Binasted ni Aera si Andrew at ang sinagot niya ay si Gio doon na ako nakahanap ng chance para makaganti kay Aera. Inakit ko si Gio at may nangyari sa aming dalawa. Nasa bahay kami at doon nga natagpuan ni Aera sa ganong posisyon. Sobrang saya ko dahil nakabawi na din ako sa kanya at nakaganti nakipaghiwalay si Aera kay Gio lumipas ang ilang araw sa akin naman ulit nanligaw si Gio.

Ilang buwan kaming hindi nag-uusap ni Aera hanggang sa nalaman kong buntis siya. Natakot ako dahil impossibleng si Gio ang ama ng dinadala niya at sa panahong iyon ay nobyo ko na si Gio.

Nang mag-desisyon si Aera na pumuntang London ay sumaya ako ng konte pero nalulungkot dahil hindi ko na siya makikita pero sa panahon ng pag-alis niya ay nakipaghiwalay sa akin si Gio at pumunta din ito sa London nalaman ko nalang din na naging magkaibigan sila ulit. Nasasaktan ako at the same time nagagalit kay Aera dahil minahal ko na so Gio at nakuha din niya ulit.

Sa paglipas ng taon nakilala ko si Jasper. Siya ukit ang nagpatibok ng puso ko pero nauuwi parin kay Aera. Si Aera parin ang nanalo sa aming dalawa at ako ang talo. Tinitignan ko sila mula dito sa malayo. Sobrang saya nila at parang pamilya talaga.

Gusto kong magalit at sugorin si Aera doon pero hindi ko magawa. Makitang masaya si Jasper na kahit kailan di ko nakita mula ng maging kami.ay masaya na din ako. Siguro tama siya sa sinabi niya na hindi kami para sa isa't isa.


Siguro panahon na para kalimutan ang nakaraan. Lahat ng nakaraan naming dalawa ni Aera. Lahat ng sakit na dinaas ko sa panahong iyon ay kakalimutan ko. Ang sarili ko muna ang bibigyan ko ng kasiyahan at siguro mahahanap ko iyon kapag kinalimutan ko na ang galit na namumuo sa damdamin ko. At siguro kulang lang din ako sa pagmamahal sa sarili ko kaya ako nagkakaganito.


Sinuot ko na ang shade na dala ko at pumasok sa kotse ko saka pinaandar. Aalis na ako at pupuntang State baka doon ko makita ang kasiyahan ko.

**

Nasa himpapawid na ang sinasakyan kong eroplano patungong New York. Sa lahat ng bintana ay ang bintana ko lang ang bukas after all umaga pa naman. Nakatingin lang ako doon at malayo ang iniisip.


"Airish? Ikaw ba yan?" Biglang nagsalita ang katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Isang lalaking may malaking headphone sa may leeg pero ang pinagtataka ko ay bakit ako kilala nito. Tinititigan ko pa siya para makilala ko. "Hindi mo na ako kilala? Ako ito si Gio. Giovanni Salvador." Sabi niya kaya doon ko lang siya naalala at nakilala.

"Lalo ka atang gwumapo kaya hindi kita nakilala agad. Kamusta ka na pala?"

"Ito humihinga pa. Ikaw kamusta ka na? Parang problemado ka nanaman ah. Si Aera parin ba?" Tanong niya. Bahagya akong ngumiti.

"Hindi ayos. And yes si Aera ulit." Sagot ko sa kanya.

"Ano nanamang nangyari?" Tanong niya pero nakangiti parin parang tuwang tuwa.

"Mahabang kwento at baka makatulog ka pa jan." Sabi ko sa kanya.

"Handa akong makinig kahit gaano pa kahaba para sayo." Sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

**
P/n:

Ayan nalaman natin ang side ni Airish. Ano galit parin ba kayo sa kanya? Ako kasi naawa na sa kanya. Huhuhu pero di naman ginusto ni Aera yun. Huhuhu.

And thank you pala sa mga nagbabasa nito hindi ko kayo matag pero thank you parin and nag-uupdate talaga ako para sa inyo. Hihihi. Love you.

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now