Chapter 15

52.5K 990 18
                                    

Aera's POV


"Okay ka lang ba talaga, Aera? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong sa akin ni Jasper. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ayos lang ako kulang lang talaga ako sa tulog." Sagot ko sa kanya at bahagyang ngumiti.


"Daddy, bigyan niyo po ng gamot si Mommy." Biglang sumabas sa usapan namin si Jed.

"Anong gamot, Baby Jed?" Nakangiting tanong ni Jasper sa kanya.

"Kissperin po, Daddy." Sagot nito namilog naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Saan mo natutunan ang ganyang bagay, Baby Jed?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kapatid po ni Daddy." Inosenteng sagot nito. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nako talaga ang lalaking iyon at pawang mga kalokohan ang tinuturo sa anak ko.

"Baby, wag mong tutularan ang Tito niyo at puro kalukohan lang ang sinasabi nito." Sabi ko sa kanila.

"Mommy, totoo naman kasi na yun po ang gamot mo di'ba? Kissperin tulad ng palaging ginagawa mo samin kapag may sakit kami o yong ginagawa po namin sayo kapag nagkakasakit ka, mommy." Pagdedepensa naman ni Baby Jed.

"Kayo nalang ang mag-bigay ng gamot kay Mommy wag na nating damayin si Daddy." Sabi ko sa kanila.

"Ayaw namin, Mommy. Gusto namin si Daddy ang magbigay sayo ng gamot." Sabi naman ni Jex. Tinapik niya ang mga kapatid niya sa balikat na parang hudyat na tumakbo sila papasok dahil iyon ang ginawa nila.

"Pagpasensyahan mo na ang mga ba—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinigit kaya napasandal ako sa dibdib niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin na parang nang-aasar. Tapos biglang timumitig siya sa labi ko tapos sa mga mata ko.


"Tignan kaya natin kung epektibo." Sabi niya hindi na ako nakaangal dahil hinalikan na niya ako. Hindi sa labi kung hindi sa noo ko pero kahit na halik parin iyon. Naramdaman ko namang biglang uminit ang magkabilang pisnge ko.

"Tama sila at epektibo nga. Tignan mo at namumula ka na kesa kanina na sobrang putla mo." Sabi niya kaya mas lalo akong namula. Itinulak ko siya ng bahagya.

"Loko ka talaga. Sige na at papasok na ako. Ingat ka sa daan." Sabi ko sa kanya at paalamam narin. Hinatid niya kasi kami rito sa bahay pagkatapos nong nangyari kanina sa mansyon nila.

"I will. Para sa inyo ng mga anak ko mag-iingat ako." Sabi niya na nakangiti. Kaya naman namula ulit ako.

"Baliw ka talaga, Jasper. Para sa magiging anak niyo at ni ate mag-ingat ka sa daan. Yun dapat." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Tipid na sagot niya at ngumiti pero nahihinuha ko sa pagngiti niya at sa pagsagot niya ay para siyang napipilitan. Pero hindi ko binagyang pansin dahil alam kong wala na talaga akong pag-asa pa sa kanya.

"Sige pasok na ako. Bye." Paalam ko at tumalikod sa kanya.


'Wag mo na aking paasahin pa Jasper dahil alam kong wala na talaga akong pag-asa sayo.'

**
Jasper's POV

Habang tinitignan ko siyang may tumutulong luha sa mga mata niya ang sarap punasan at sabihing siya talaga ang totoong may karapatan sa akin. Mula ng nalaman kong may anak talaga kaming dalawa sobrang saya ko. Mula noong nagtagpo ang aming mga mata sa supermarket. At ang unang pagkita namin doon ko naramdaman ang salitang pag-ibig. Oo, I tried to find her after ng may nangyari sa aming dalawa pero wala. Wala akong nakuhang sagot kung asan siya hanggang sa makalimot na lang ako at sinabi ko sa sarili ko hindi talaga kami para sa isa't isa that's why ng magkita kami sa pangalawang pagkakataon hindi ko na masyadong naalala ang mukha niya pwera sa puso kong tumibok sa pangalawang beses. And now ikakasal ako sa ate niya. Sa ate niya na hindi ko naman talaga totoong minahal. I just use her sister para makalimutan siya. Yeah, maybe nagtagumpay ang isip ko pero hindi ang puso ko dahil ang totoo sawing sawi talaga ako.

At ngayon nga habang tinitignan ko siyang naglalakad palayo sa akin nasasaktan na ako. At sa mga binitiwang salita ni Airish para sa kanya ay nasasaktan ako at gusto kong sakalin si Airish sa leeg hanggang sa mawalan ng hininga pero I can't. Hindi ko magagawang patayin ang kapatid ng babaeng mahal ko sa harapan niya dahil alam kong masasaktan talaga siya kahit maraming masasamang ala-ala ang binigay ni Airish sa kanya.

Siguro dapat ko na ding taposin ang lahat ng pinagdaanan namin ni Airish para sa kasiyahan ng babaeng mahal ko at sa mga anak namin at maging ang kasiyahan ko. Tataposin ko na talaga ang lahat sa amin ni Airish.

Kinuha ko ang phone ko at dina-ial ang number ni Airish isang ring palang may sumagot na.

"Yes, Babe? Namiss mo na ako?" Agad na bungad niya sa akin. Napailing ako.

"We have to talk, Airish. Magkita tayo sa malapit na coffee shop jan sa bahay niyo." Sabi ko at hindi na siya hinintay sumagot dahil binabaan ko na.


'Kailangan ng putolin ang ugnayan natin. I'll be selfirsh this time pero hindi para sa sarili ko kung hindi para sa totoong pamilya ko.'

**
P/n:

Last 5 chapter at ano kaya ang mangyayari sa kanilang tatlo? May magpapatayan ba para sa pag-ibig at para ipaglaban ang kailang nararamdaman. Abangan nalang natin.

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon