Chapter 2

67K 1.4K 138
                                    

Chapter 2- Back to the Philippines

"Mommy, it's so mainit dito *pout*" Naka-pout na sabi ni Jessica sa ina.

"Mommy, what are we doing here ba? It's so mainit." Si Jenzel naman ngayon.

"Mommy, lets just go home nalang. Pleaseee...." Si Jed naman si Jex tahimik lang na nagmanasid sa palagid.

"Baby, wag kayong maar—"

"Mommy, daming chicks oh." Biglang nagsalita ang nananahimik na si Jex. Natigilan naman si Aera dahil sa narinig.

"Baby Jex, anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ni Aera sa anak.

"Are you deaf, Mommy? Sabi ko po andaming chicks dito" Sabi pa nito.

'Lintek! Nagmana ata sa ama tong batang toh.' Sabi niya sa isip.


"Ikaw talaga, Jex, ang bata bata mo pa para sa chicks chicks na yan." Sabi nalang niya.

"I'm a big boy now, Mommy. Tapos maghahanap na ako ng girlfriend dito." Sabi nito. Napailing nalang si Aera sa anak.


"Hoy Jex! Ano yan? Sumbong kita kay Shann na may i-gigirlfriend ka dito." Biglang singit ni Jed.

"Sinong Shann?" Tanong niya sa mga bata.

"Yung girlfriend po ni Jex, Mommy." Si Jessica ang sumagot.

"Girlfriend? Nako! May girlfriend ka na, Jex?" Gulat na tanong ni Aera sa anak.

"Opo, Mommy. Lima nga po sila eh. Si Shann, Claudine, Brixx, Hermaine, at si Fei." Nakangiting sagot ni Jex sa ina.

'Jusko! Ano bang nangyayari sa anak ko? Kebata bata pa at nagjojowa na.'

**
"Welcome home, Lady Aera." Bati ng mga katulong pagkapasok nila Aera sa mansyon ng mga Montecillo.

"Nasaan sila mom?" Tanong niya sa isa sa katulong na malapit sa kanya.

"May nilakad po sila ni Don Lafy, Lady Aera." Magalang na sagot nito at bahagya ring nagbow sa kanya. Hindi niya ito kilala kaya paniguradong bago lang itong namamasukan sa kanila.


"Ganun ba, sige salamat nalang." Sabi ni Aera sa katulong binalingan naman niya ang apat niyang anak na nagniningning ang mga mata na pinapalibot ang paningin sa buong mansyon.


"Mommy, may palasyo pala tayo? Waaahhhh!!!! Wag na po tayong umuwi sa London dito nalang tayo, Mommy!!!! Pleaseeeeee!!!" Si Jessica.

"Hindi pwede, Baby. After ng bunyag ng anak ng Tita Alliah niyo ay uuwi na agad tayo sa London." Sagot naman ni Aera sa anak.

"Mommy, ayoko don gusto ko dito." Sabi pa ni Jessica.

"Mommy, dito nalang tayo tumira. Mas gusto ko dito." Si Jed naman ngayon.

"Mommy, let's live here nalang, pleaseeee..... Dami kasing chicks dito. Doon konte lang." Si Jex naman ngayon. Na kinasakit ng sintido niya.  Saan ba nagmamana ang anak niyang 'to.

"Di talaga pwede, Baby. Saka bahay ito ni Lolo't lola niyo kaya wag ng matigas ang ulo okay? Buti pa si Jenzel tahimik lang sa isang banda." Sabi ni Aera sa anak.

Sumimangot naman ang tatlo at hindi na ulit nagsalita. Para namang nakosensya si Aera dahil dun.


"Hmmm... Oh sige na nga. Payag na ako na dito tayo. Bakasyon naman pero pagkatapos ng bakasyon ay uuwi na tayo sa London." Sabi ni Aera sa mga bata.


"Talaga Mommy? Yeheeeeyyyy!!!! I love you Mommy!!!!" Maingay na sabi ni Jessica.



"Yehey! I love you Mommy. Thank you." Sabi naman ni Jed.

"Bro! Pumayag si Mommy na dito na tayo. Tara gala tayo nang makapangchicks tayo." Si Jex naman ngayon.

"Hep! It's only for a vacation, Babies. Wala akong sinabing dito na tayo titira." putol niya sa mga ito na agad sumimangot ang mga mukha ng mga bata. Napailing nalang si Aera saka bumaling kay Jex. "Tumigil ka na rin muna diyan sa kakachicks mo na yan, Jex. You're still 5 years old." Sabi ni Aera sa anak. Mas lalo tuloy sumimangot ang cute at poging mukha nito. "Babies, punta na tayo sa magiging room niyo." Yaya ni Aera sa anak dahilan para bumalik ang sigla ng mga ito. Nag-tatakbohan pa nga sa may hagdanan. "Mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa hagdan!" paalala niya sa mga anak ngunit hindi nakikinig ang mga ito. Napabuntong hininga nalang siya bago sumunod sa mga anak.







Nang makarating sila sa kwarto ay  agad namangha ang apat na bata. At agad tumakbo papunta sa kama.
Para siyang may dalawang kama sa ibaba at may dalawang kama sa itaas. Na may hagdan sa gitna.

"Mommy, ang ganda ng kama ko!!" Sabi ni Jed na tumatalon pa. Si Jessica naman ay humahagikhik habang nagtatalon. Si Jex ay tahimik na nagtatalon si Jenzel naman ay tahimik na nakaupo lang sa kama niya at nagmamasid sa kanila.

Napansin naman ni Aera si Jenzel na hindi nakikisali sa tatlo kaya nikapitan niya ito.

"Oh Jenzel, bakit di ka nakikisali sa kanila?" Tanong ni Aera sa anak.

"Mommy, asan po Daddy namin?" Kesa sumagot sa tanong niya ay sinagot siya nito ng isang tanong na ikinatigil niya ngunit agad namang nakabawi saka ngumiting sumagot sa anak.

"Nasa malayo si Daddy. Saka wag mo nang hanapin si Daddy nandito naman si Mommy." Sagot ni Aera sa anak.

"But, Mommy, I want to see Daddy." malungkot na sabi ni Jenzel habang nakatingin sa mga mata niya.

"Bakit mo ba siya gustong makita Baby?" Tanong nalang ni Aera.

"I just want to punch him, Mommy. He leave us kasi." Sagot naman ni Jenzel.

Napatawa naman ng mahina si Aera dahil sa sinabi ng anak saka niya ginulo ang buhok nito.

"That's bad, Baby. Hayaan nalang din natin si Daddy, okay? He's just busy and malayo siya sa atin. At isa pa, nagseselos na si Mommy dahil palagi nalang si Daddy hinahanap niyo." Sabi nalang ni Aera.

"Natural, Mommy. Si Daddy ang wala dito siya ang hahanapin namin. Saka bakit ka namin hahanapin nandiyan ka lang naman, Mommy." Biglang sumabat si Jex.

'Natuto pang mambara. Tsk!'

"Baby Jex, bad ang mambara." paalala niya sa anak. Nagpeace sign naman ito sa kanya. "Halinga kayo at i-huhug kayo ni Mommy." Sabi nalang ni Aera sa mga bata. Agad namang lumapit ang tatlo sa kanila. Kaya agad na niyakap ni Aera ang mga ito.

'Masyado na ba akong Selfish? Inilayo ko sila sa ama nila ngayon hindi ko pinapakinggan ang hiling nila na makita ang ama nila. At paano na to? Paano kapag nagjrus ang landas namin? Lalo na nandito na ulit ako sa Pilipinas.'

**

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now