Chapter 12

51.8K 1.1K 28
                                    

Jasper's POV

Nakatutok lang ako sa mga papeles sa mesa ko ng biglang bumukas ang pinto hindi ko ito nilingon dahil alam kong si Mama lang ito at busy ako sa binabasa kong papeles para mapirmihan na pero natigil at napatingin ako kay Mama na nasa harapan ko ng bigla siyang may inilagay  na envelop sa harap ko.

"Basahin mo." Sabi niya sa akin.

"What is this, Mom?" Takang tanong ko sa kanya habang winagayway ang envelop.

"Basahin mo nalang." Sagot niya kahit gulong gulo ay binuksan ko nalang ito at binasa. Napakunot noo pa ako ng makitang isang result yun ng DNA Test. "DNA Result niyong dalawa ni Jed." Sabi ni Mama. Napatingin ako sa kanya. At tinignan ulit ang resulta. Positive. Positibong anak ko si Jed and because quads sila apat ang anak ko. Ito ba ang dahilan kung bakit nagtatanong ng kung ano ano si Aera tungkol sa ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkaanak ako?

"He's my son..." I stated. "I can't believe it paano nangyaring nagkaanak kaming dalawa?" Sabi ko sa hangin pero alam kong narinig iyon ni Mama.

"I don't know, Son. Maybe she's one of your girls before." She said. Umiling ako. She's not one of my girls kilala ko ang lahat ng babae k— 5 years ago natigilan ako ng maalala ang nangyari 5 years ago.

"Are you alone, Miss?" I asked her. Mula ng pumasok siya sa bar ay siya na ang nakakuha ng pansin ko. She's wearing a 5 inch above the knee red dress na bagay na bagay sa kanya dahil sa tangkad niya. She's also wearing a 5 inch red high heel shoes na mas lalong nagpatangkad sa kanya and also her curly long hair na bagay sa kanya. At ngayon nga na makita ko siya malapitan nakita kong sorbrang pula ng labi niya pero nabagay sa mukha niyang mala-anghel parang hindi nagbabar.

"May nakita ka bang kasama ko?" Tanong na sagot niya.

"I guess none. Can I join you?" I asked her again.

"Do I have a choice? Nakaupo ka na jan at hindi naman ako bastos para paalis ka jan." Pabalang na sagot niya.

"Sunget." Bulong ko sa sarili. "Sige alis nalang ako." Sabi ko sa kanya at tumayo na ng pigilan niya ako.

"Nag-jojoke lang ako sige na upo ka na diyan." Sabi niya sa akin napalingon ulit ako sa kanya na nakataas ang kilay. Nakangiti siya sa akin pero kita ko sa mga mata niya na parang nasasaktan siya. "I'm Aera and you are?" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Tinignan ko ang kamay niya at ulit sa mukha niya. "Ayaw mong makipag-shake hand?" Tanong niya. Umiling ako at tinanggap ang kamay niya.

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now