Chapter 20

50.6K 774 28
                                    

P/n:

Is this the finale? Happy ending na ba ng kwento nilang dalawa o hindi pa?

**
Aera's POV~

Ang tagal naman ng mag-ama ko. Nasa mall kasi kami ngayon at kasalukuyang bumibili ng mga groceries. At nagpaalam sila na pupunta lang muna sa mga bilihan ng mga laruan dahil yung mga bata magpapabili nanaman. Diyos ko! Halos maging Toy Shop na nga ang Toy Room nila sa dami ng laruan nila ngayon ay magpapabili nanaman ulit sila.

Oo nga pala apat na buwan na ang lumipas mula nong napag-usapan namin ni Jasper ang tungkol sa relasyon namin. At ngayon nga ay opisyal na na kami na ni Jasper. Nagproposed na rin siya sa araw mismo kung kailan ko siya sinagot. Minamadali na rin namin dahil nga ay may anak na rin kami.


May date na rin ang araw ng kasal naming dalawa. Pinapahanda na nga nila mama ang tungkol don.  Sila na ang umaasikaso non. At wala naman akong problema roon.  Ang mahalaga ay ikakasal na kami ni Jasper at 5 months from now.

"Aera?" May biglang tumawag sa akin at kumakalabit galing sa likod dahilan para mapatalon ako sa gulat.

Nang makabawi ay agad akong napalingon sa kumalabit sakin.  Napakunot ang noo ko dahil isang pamilyar na mukha ng lalaki ang bumungad sakin.

Tinitigan ko pa siya hanggang sa maalala ko na. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Andrew— ang EX-BOYFRIEND ni ate Airish na nanligaw din sa akin pero binasted ko dahil ayokong masaktan si ate noon. "I never thought na magkikita tayo dito. Kamusta ka na? Kayo ng mga anak mo?" Siya. Ngumiti naman ako. Magkaibigan na din naman kami pero hindi naman as in close o bestfriend talaga yung parang kaibigan lang pagnagkita. Ganyan ang relasyon naming dalawa at hanggang doon lang. But I didn't know na alam niya ang tungkol sa anak ko.

"Ito ayos lang." Sagot ko sa kanya. "Paano mo pala nalaman na nagkaanak na ako?" tanong ko sa kanya.  Nagkibit balikat lang siya.

"Alam iyon ng buong batch natin, Aera." tanging sagot niya "Ang mga bata? Di mo ata kasama ngayon. Natanggap ba nila ang mga laruan na binibigay ko?" Tanong niya ulit.


"Kasama nila ang Daddy nila." Sagot ko. Mukha naman siyang nagulat. "Saka anong laruan? Don't tell me, sayo galing yung mga laruan na natatanggap nila?" Dugtong na tanong ko.

"Oo sa akin galing kahat ng yon. Wait anong kasama nila ang Daddy nila ibig sabihin ba ay kasal ka na? Yung ama talaga ng mga bata?"

"Oo—"


"Aera!" Biglang may tumawag sa akin kaya napalingon ako doon. It was Jasper na nagkasalubing ang dalawang kilay na naglalakad palapit sa amin. Yung mga anak ko naman ay nakahawak sa kanya pero ang pinagtataka ko kulang ng isa. Asan si Jessica? Bakit hindi nila kasama si Jessica?

"Ikaw ba ang ama ng mga bata?" Tanong ni Andrew kay Jasper pagkalapit namin. Tumango naman si Jasper pero seryoso parin.

"I am." proud na sabi ni Jasper. "An you are?" Tanong ni Jasper kay Andrew.

"I'm one of Aera's suitors when we were in college but unfortunately, busted." Sagot ni Andrew.


"I see." Tipid na komento ni Jasper saka bumaling sa akin. "Let's go, Love." Siya. Pero umiling ako mas lalong sumeryoso ang mukha niya. "Bakit L—"

"Where's, Baby Jessica?" Pinutol ko ang sasabihin niya at nagtanong na sa kanya. Asan si Jessica. Yung anak namin hindi niya kasama.

"Nandito lang nakahawak pa nga kay Je—where is she?"


"I don't know po, Daddy." Sagot ni Jenzel.

"Sh*t! Sh*t!" Pagmumura ni Jasper pero hindi na mapakali.

"Nawawala si Baby Jessica? Sh*t! Ikaw ang ama dapat binantayan mo siya ng maigi!" Si Andrew. Napatigil ako. Problema mo tol? Mas over ka maka-react.



"Hindi ko sinasadya akala ko nakahawak lang siya kay Jenzel." Si Jasper. Mas lalo akong natataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon paano kung may kumuha sa kanya at ngayon ay kinukunan siya ng mga lamang loob hindi ko kaya iyon. Nasa gitna kami ng pag-alala at pagtataranta ng biglang tumunog ang phone ni Jasper. Kumunot noo pa siya bago ito sinagot.


"Sino to?" "Ano? Asan siya?" "No wag mong saktan ang anak ko." "Sino ka ba?" "Ano? Den?" "Matagal na tayong wala kaya ibalik mo na ang anak ko." "Anong address?" "Sige pupunta ako." Sabi ni Jasper pero hindi ko narinig ang sinasabi ng nasa kabilang tainga pero base sa mga sinasabi ni Jasper kinidnan ang anak ko. "Hawak ni Den ang anak natin." Sabi sa akin ni Jasper. Mas lalo akong natataranta dahil totoo ang hinala kong kinidnap siya.


"Ano! Asan sila at pupuntahan ko." Ako. Hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko. Over my died body.


"Sa likod daw ng mall na ito." Sagot ni Jasper hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad akong tumakbo. Baby hintayin mo si Mommy at ililigtas ka niya.


**
3rd Person's POV

Tumatakbo si Aera palabas ng mall samantala si Jasper ay kinukontact ang mga kasapi sa Mafia. Si Andrew naman ay sumunod kay Aera.


"Daddy, what's happening po?" Si Jenzel. Tumingin si Jasper sa anak at ngumiti.


"Everything's fine, baby.  Hahanapin lang namin ng mommy mo si Jessica." Sagot ni Jasper sa anak. Maya maya ay dumating ang mga ibang kasapi sa mafia niya at pinadala niya muna ang mga bata at sinabi na sa bahay nila ihatid ang mga bata agad namang tumalima ang mga ito. Si Jasper naman ay agad na sumunod sa asawa niya sa likod ng Mall.

Doon niya naabotan na bugbog na si Andrew samantala si Aera ay may nakahawak sa dalawang braso at ang anak niyang si Jessica ay umiiyak sa isang banda at nagpupumiglas sa nakagapos sa mga kamay nito. Nag-init ang ulo ni Jasper sa natagpuan kaya agad niyang sinugod ang mga lalaking malapit sa kanya. Lahat ay tumba na.


Pero wala pala itong mataposan dah may biglang dumating na ibang kalaban. "Hello, Jasper, mahal ko." Si Den. Si Den ay isa sa mga nabaliw na ex-girlfriend ni Jasper.


"Pakawalan mo sila, Den!" Seryosong utos ni Jasper pwro tumawa lang si Den kesa matakot.

"Paano kung ayoko? Itong babaeng ito ang may dahilan kung bakit hindi ka mapapasaakin kaya papatayin ko siya." Mula sa likod ay may kinuhang dalawang baril si Den at itinutok kay Aera saka kay Jessica. "Sino ang gusto mong uunahin ko ang babaeng mang-aagaw na ito o ang anak niyo?"


"Nababaliw ka na talaga, Den." Si Jasper.



"Matagal na akong baliw. Baliw na baliw sayo." May lambing sa boses ni Den. Napailing naman si Jasper. "Ano! Pili ka na ang anak niyo o ang babaeng ito ang uunahin ko." Bigla itong sumigaw.


"Den, wag mong ituloy ang binabalak mo." Pagkukumbinsi ni Jasper.


"Then ako ang piliin mong pakasalan." Si Den. Seryoso ang boses nito.

"Nahihibang ka na. Hindi ko magagawa yan dahil si Aera ang mahal ko." Sabi ni Jasper.


"Kung ganun ay magpaalam ka na sa kanilang dalawa." Sabi ni Den kasabay abg magkasunod  na putok ng baril.

*Bang* *Bang*



"Noooo!!!!"

**
P/n:

Ano ang masasabi niyo? Sorry hindi ako mahilig sa happy ending charot lang. May epilogue pa po. Hihi. Papaahabain ko sana ito kaso ang dami ng on-going na story na ako kaya tataposin ko na lang siya agad. Sorry sa mga nanbabasa nito and thank you sa pagsupporta sana yung ibang story ko supportahan din ninyo. Pasensya na din sa mga typos tamad kasi akong mag-edit kayapagpasensyahan niyo na talaga. And I Love you MBFIAMB readers!

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now