Chapter 8

58.1K 1.2K 39
                                    

"Salamat talaga, Aera at nakarating ka sa binyag ng anak ko." Sabi ni Alliah sa akin.

"Ano ka ba naman pambawi ko sa hindi pagsipot sa kasal at sa binyag ng panganay mo." Sagot ko sa kanya. Nandito kami sa binyag ng pangalawang anak ni Alliah. Kasama ko ang Quads at buti naman at behave lang sila sa tabi ko habang kumakain.


"Kasi naman dati parang may tinataguan ka dito sa Pilipinas at ayaw na ayaw mong umuwi buti at napauwi kita ngayon." Sabi niya.

"Wala akong pinagtataguan dito, Alliah, sadyang busy lang ako dati." Sabi ko sa kanya.


"Oo na palagi mo namang dinadahilan yang 'Busy ka'. So kamusta ang paghahanap sa ama ng Quads? Nahanap mo na?"


"Mommy said na nasa malayo si Daddy at isa pa we don't need him na kasi may Daddy Jasper na kami." Sabi ni Jed. Napalingon si Alliah sa kanya.

"Daddy Jasper?" Takang tanong nito kay Jed. "Kapangalan niya yong bestfriend ni Brian. Anyways! Di pala nakapunta yon kanina dahil may biglaang meeting. Pero dadating yon mamaya. Do you want to meet him?" tanong niya sakin pero umiling lang ako.  "Kidding.  So who's this Daddy Jasper na sinasabi ng anak mo?" tanong niya sakin habang kumukuha ng pagkain mula sa plato ko.  Antakaw talaga ng babaeng ito.

"Fiancée siya ni Tita Airish." Sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mga matang umangat sakin ang paningin niya.

"Nakahanap ka ng magiging Daddy ng mga bata tapos yong fiancée pa ng bruha mong kapatid?!" Gulat na sabi niya sa akin.

"Mahabang kwento." Tipid na sagot ko sa kanya.


"Edi simulan mo ang pagkwento para matapos na agad." Sabi niya.


"Tss, wag na nakakatamad." Sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya.


"Ang daya mo talaga Aera di ka nagsasabi sa akin ng mga secret mo." Sabi niya. I rolled my eyes. Childish nanaman ang bruhang babaeng to.


"Oo nga magkwento ka na Aera minsan ka lang namin makasama." Sabi ni Grace na kakalapit lang samin. Kasama niya si Gina. Napabuntong hininga ako. Pagtutulongan ako ng tatlong ito kapag hindi ako magkwekwento.



"Noong nag-groceries kami biglang nawala si Jenzel at buti naman ay nakita siya ni Jasper at doon na nagsimula na tinawag ni Jenzel si Jasper ng Daddy pero hindi ko alam na si Jasper pala ay fiancée ni ate." Sabi ko sa kanila.



"Yun na yun? Akala ko ba mahaba?" Tanong ni Alliah.



"Mahaba nga pero pinaikli ko nalang nakakatamad magkwento." Sabi ko.


"Tamad mo talaga kahit kailan." Si Grace.


"Nagsalita ang hindi. Bakit hindi pa kayo nakakabuo ng anak ng asawa mo ngayon?" Tanong ko kay Grace.

"Tinatamad akong magbuntis." Sagot niya na nakangiti. Oh! Kita mo na tamad din siya.


"Hay! Ewan ko sa inyo." Sabi ko nalang. Itinuon ko na ang pansin ko sa mga anak ko. Si Alliah naman ay tinawag ng asawa niya kaya umalis si Grace ay umuwi na dahil lasing na daw yung asawa niya pati si Gina ay umuwi na din dahil umiiyak na ang anak niya. Kaya ako at ang Quads nalang ang natira sa table.


"Can I seat here?" May biglang nagsalita sa may gilid ko na naging dahilan ng pagkagulat ko. Yung boses na iyon walang ibang nagmamay-ari ng boses na iyon kundi si— "Oo naman po, Daddy!" Masayang sabi ni Jenzel. Oo si Jasper ang dumating.


"Thank you, Baby. Hmm... Bakit kayo nandito?" Tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya katabi ni Jenzel.



"Si Alliah bestfriend ko." Sagot ko sa kanya.


My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now