Chapter 12: THE NEW ALPHA

601 44 2
                                    

Gumising si Alex sa mga pagtapik sa kanyang balikat. Napahawak siya sa kanyang nananakit na ulo at hindi maipinta ang mukha nito. Tumingin siya kung sino ang tumapik sa kanyang balikat at mukha ng pagkadismaya ang ipinakita niya rito.

"Alex..." Ang sabi ng lalaki.

"A...anong kailangan ninyo father?" Ang matigas na tanong ni Alex kay Father Mexo.

"Alex, makinig ka..."Ang halos pabulong na wika ni Father Mexo.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa father. Ayokong mawalan ng respeto sa inyo pero kailangan mo ng umalis dito." Ang tugon ni Alex habang hinihimas ang nananakit na batok.

"Hindi ito ang tamang oras para makipagtalo sa'yo Alex, kung gusto mong iligtas ang buhay ni Caren kailangan mo makinig sa akin."

Natahimik si Alex na tila naguguluhan sa sinabi sa kanya ni Father Mexo. Tumingin siya sa pari ng mata sa mata para masigurong totoo sa kanyang sasabihin ang pari.

"Makinig ka Alex, at sundin mo ang aking sasabihin. Wala akong alam sa ginawa nila sa'yo kaya hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag ko pa sa'yo ang lahat. Ililigtas mo ngayong gabi si Caren dahil bukas ay itatakda na ang pagpatay sa kanya."

"Ano?!" Ang napalakas na tugon ni Alex.

"Ssshhh!!! Kung gusto mo pang mabuhay ang kaibigan mo kailangan mo ng kumilos ngayon. Wala ng tanong-tanong. Susunugin siya ng buhay bukas ng umaga sa plaza. Ayaw makinig ni Kapitan Ben at pilit na sinusunod ang kagustuhan ng mga tao."

"Pero..."

"Wala ng pero-pero Alex. Kasama mong aalis ngayon ang asawa mo kasama ang mga bata. Dadalhin ninyo ang isang sasakyan at lumayo na kayo dito ng tuluyan."

Hindi maipaliwanag ni Alex ang tuwang kanyang nadama sa mga sinabi ni Father Mexo. Tuwa na may kasamang kaba sa kanilang gagawing pagtakas sa Santuaryo lalo na't kasama ang kanyang asawa at mga bata.

"Nasa lumang gusali sina Kiel at Raul para tulungan kang isakay sa sasakyan si Caren. Kailangang mag-ingat dahil nagroronda ang mga tanod ni Kapitan. Hindi nila hahayaang maitakas mo si Caren." Ang paliwanag ni Father Mexo kay Alex na nakakaramdam pa rin ng pagkahilo. "Tara, kailangan na nating pumunta sa lumang gusali. Nandoon na ang iyong asawa at ang tatlong bata." Ang dagdag pa ni Father Mexo.

Minasdang munang mabuti ni Father Mexo ang paligid para lumabas na mula sa loob ng Santuaryo. Nang masigurong walang tao ay sinenyasan niya si Alex at mabilis na lumabas sa kuwarto. Sumunod naman si Alex kahit umiikot pa ang kanyang paningin.

Maingat nilang binagtas ang may kadilimang pasilyo papunta sa hagdanan papalabas sa gusali ng Santuaryo. Tumingin muna sa kabuuan ng paligid bago umakyat si Father Mexo sa hagdanan at mabilis namang sumunod si Alex.

Isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanila paglabas nila ng gusali. Patakbo nilang nilisan ang lugar papunta sa maliit na sirang gusali na kung saan naroroon ang walang malay pa rin na si Caren.

Sa harapan ng gusali ay isang puting SUV ang nakaparada roon at sa loob nito ay nakasilip ang tuwang-tuwang sina Margaux at Adrian pati na rin si Jhayvee na hawak-hawak ni Isabel.

"Tito Alex!!!" Ang sigaw ng dalawang bata pagkakita sa kanya at patakbong sumalubong sa kanila.

Sabay na niyakap ng dalawang bata si Alex habang si Father Mexo ay panay ang tingin nito sa paligid.

"Alex, tara na wala na tayong oras! Nasa loob na ng gusali sina Kiel at Raul. Kailangan natin silang tulungan para buhatin na si Caren at maisakay na sa sasakyan." Ang paalala ni Father Mexo kay Alex.

Inalis ng nina Adrian at Margaux ang pagkakayakap kay Alex para kaagad na rin maisakay sa sasakyan si Caren.  Hindi rin maintindihan nina Adrian at Margaux kung bakit nila kailangan umalis ng ganoong oras. Halos mag-iikalawa na ng madaling araw at karamihan ng mga tao sa Santuaryo ay natutulog na. Tanging sina kapitan Ben at ang mga tanod niya ang gising at nagroronda sa paligid.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon