Chapter 23: BLOOD BY BLOOD

507 31 13
                                    

Kapwa nakikiramdam sa isa't-isa sina Demetria at ang bagong pinuno ng mga taong-lobo na si Caren. Halos walang humihinga sa kanila, mata sa mata ang kanilang ginagawa. Nakahanda ring umatake ang may dalawang-daang natitira pang mga taong-lobo kung kinakailangan pero nakokontrol sila ng kanilang bagong Alpha na si Caren.

Marami ang sugatan, marami ang nangangailangan ng agarang lunas lalo na't kamatayan na rin ang katumbas ng nasugatan ng mga Strigoi. Mula sa pagiging taong-lobo ay nagpalit na ng anyo bilang tao si Caren. Pagkakita sa kanya ng mga kasama ay sumunod na rin ang mga ito sa pagpapalit-anyo.

Mabilis na kumuha ng balabal ang hubo't-hubad ring si Ceasar at ibinalot iyon sa katawan ng kanilang Alpha na si Caren. Batid ni Ceasar ang panghihina ng kanilang pinuno dahil mula ng gumising ito ay hindi pa rin ito nakakakain para lumakas.

Marami sa kasamahan nilang sugatan ang inihanda na ang kanilang mga sarili sa kamatayan. Alam nila ang kanilang kahihinatnan dahil sa natamo nilang sugat mula sa mga bampirang Strigoi. Nararamdaman na nila ang pagdami ng mga bulateng kokontrol sa kanila para magiging hayok sa dugo ng tao maging sa kapwa nilang mga taong-lobo o Lycan.

Tahimik na nagmamasid sina Demetria sa magiging aksiyon ng mga tang-lobo sa mga kasamahan nilang sugatan. Batid ni Demetria na oras lamang ang kanilang hinihintay para tuluyan ng maging malakas na Strigoi ang mga Lycan. Kaya kung walang gagawing aksiyon ang mga ito ay sila na ang gagawa ng paraan para puksain sila.

Muli ay lumapit si Ceasar kay Caren.
"Pinuno, kailangan na pong isagawa ang pagkitil sa kanilang buhay bago pa tuluyang maging ganap na Strigoi ang mga sugatan." Ang malungkot na wika ng lalakeng taong-lobo kay Caren, pero kitang-kita rin sa mukha nito ang pagkabahala.

Iginala ni Caren ang kanyang mga mata sa mga sugatang kasapi ng kaniyang angkan na tila hirap na hirap na sa pagpigil sa pagkalat ng bulateng Strigoi sa kanilang mga katawan. Mga bata at matatanda, babae at mga lalake na kasama nila sa pakikibaka kani-kanina lamang na nagbuwis ng kanilang mga buhay mailigtas lamang ang kanilang sarili. Pero ngayon ay masasabi ba niyang nagtagumpay sila sa pakikibaka sa mga bampira?

"Wa...wala na bang ibang paraan, Ceasar?" Ang halos mamaos na tanong niya sa kasama. Awang-awa siya sa eksenang kanyang nakikita.

"Ikinalulungkot ko mahal na pinunong Alpha, mas nanaisin na mamatay na lamang sila sa ating mga kamay kaysa tuluyan silang maging ganid sa dugo na tulad sa mga bampirang Strigoi." Ang malungkot na tugon ng Ceasar.

"Baka kasi mayroon pa. Malay natin hindi tumalab sa kanila ang kamandag ng mga Strigoi." Ang umaasa pa ring tugon ni Caren na hindi na namamalayang tumutulo na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ikinalulungkot ko po..."

"Kung gayon, gawin na ninyo kung ano ang nararapat..."  Ang malungkot niyang tugon kay Ceasar at ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

Buong tapang na hinarap ng mga Lycan o mga taong-lobo ang kanilang kamatayan sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila ng buhay. Dinig na dinig ni Caren ang kanilang mga pagdaing at panaghoy habang tinutupok ang mga ito ng apoy. Hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin na maramdaman lahat ng sakit na nararanasan ng mga kasamahan niya. Iyon nga siguro ang dahilan bakit isa siyang Alpha ng kanyang bagong angkan ang maramdaman kahit ang sakit at hinagpis ng kanyang mga tauhan.

Hindi niya ito ginusto at hindi kailan man magugustuhan. Pero wala siyang magagawa dahil kahit hindi niya ito ginusto ay tila wala na siyang magagawa pa para iwasan ang responsibilidad niya sa kanyang mga bagong kasama. Ngayon ay isa na rin siya sa mga isinumpa. Mga anak ng buwan na  bumibiktima at kumikitil sa mga tao para mabuhay.

Pero hindi niya hahayaang maging masama. Hindi niya hahayaang pumatay ng tao. Pakiramdam niya sa kanyang sarili na isa pa rin siyang tao hindi bilang taong-lobo. Kaya kahit sa nararamdaman niyang gutom ay hindi siya kailan man papatay ng tao maibsan lamang ang pangangailangang papawi rito. Kahit kamatayan pa ang kapalit nito sa kanya hinding-hindi niya ito gagawin.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon