Chapter 13: SAKAYA

673 37 9
                                    

Maulan sa kagubatan ng Isla ng Dalangan. Ang malawak nitong kagubatan at nagtatayugang mga kabundukan ay nakagagawa ng sariling klima sa buong isla. Kaya nga kahit kainitan sa ibang mga kapuluan ay nananatiling malalago ang mga halaman at puno sa isla ng Dalangan.

Nababalutan ng hiwaga ang Isla ng Dalangan. May mga guho ng mga lumang gusali na nagsasabing may kabihasnang naganap dito libong taon na ang nakaraan. Mga labi ng matandang sibilisasyong sinasabing pinagmulan ng mga diyos at diyosa.
May nagsasabi naman na ang isla ay bumaba mula sa kalangitan at nagpalutang-lutang sa karagatan. Ito raw ang sinakyan ng mga sinaunang ninuno ng mga diyos at diyosa na lumikha kay Gaia.

Sa islang ito kadalasan sinasanay ang mga  Malagbi, o ang mga hindi purong Engkanto at Diwata. Dito ay hinihinang nila ang kapangyarihan at kakayahang namana nila sa kanilang mga magulang.

Si Odessa ay isang Malagbi, isang kakaibang Malagbi sapagkat dumadaloy din sa kanya ang dugo ng isang makapangyarihang Sangre. Tatlong katauhan na kasalukuyang lumalabas ang mga kapangyarihan nito.

Naging mabagal ang paglitaw ng kanyang mga kapangyarihan dahil na rin sa nilalabanan ng pagiging Diwata niya ang kakayahan nagmumula sa pagiging Sangre. Itim na kapangyarihan laban sa kapangyarihang nanggagaling sa kabutihan.

Pero sa kalagayan ni Odessa ay nakuhang tanggapin ng kanyang katawan ang mga kapangyarihan galing sa dalawa at bumabalanse sa kanyang pagkatao ay ang dugo ng mortal na nananalaytay din sa kanyang mga ugat. Sa tulong ng nektar ng Myrho pinipigilan nito ang pagkauhaw sa dugo ng tao at kakayahang makalakad sa ilalim ng sikat ng Araw.

Napakadilim sa loob ng kagubatan ng isla. Napakaputik ng daan dahil sa patuloy na pag-ulan sa buong maghapon. Sa tulong ni Danum ay gumawa ito ng isang napakalaking bula na naging pananggalang ni Odessa sa tubig ulan. Gumawa naman ng apoy sa kanang palad ni Odessa upang makita nila ang kanilang daraanan.

"Diyos na Danum, wala ka bang magagawa para mapatila ang ulan sa kagubatan na 'to?" Ang may pagkairitang tanong ni Odessa kay Danum.

"Odessa, kahit gustuhin ko man hindi ko magagawa dahil tulad ng sinabi ko kanina napakamisteryoso ng isla na 'to. Nakokontrol ng mga kabundukan ng isla ang klima rito. Ang tanging magagawa ko lang ay ang maprotektahan lang kita sa tubig ulan o sa ano mang puwersang nanggagaling sa tubig." Ang tugon ni Danum.

"Okay, sabi po ninyo diyos na Danum." Ang pabuntong-hiningang wika ni Odessa na sa mga sandaling iyon naalala niys si Randy na kanyang kasintahan.

"May naalala ka Odessa?" Ang biglang tanong ni Danum na nakatingin sa kanyang mukha.

"Huh? Na...naalala? Wala naman, bakit?" Ang sagot ni Odessa na nabigla sa tanong ni Danum.

"Nararamdaman ko na at nababasa ko sa iyong mukha Odessa. Sa iyong paghinga ay nararamdaman ko rin ang bigat ng bawat pagbitiw mo ng hangin."

Napatingin si Odessa kay Danum. Malungkot ang kanyang mga titig at pinipilit na ngumiti sa diyos ng tubig. Pero hindi niya kayang dayahin ang kanyang nararamdaman sa harap ng isang diyos. Marahang tumango si Odessa kay Danum.

"Pagdating natin sa puno ng Quebaluan sa tuktok ng isang burol, sasalubungin tayo ni Sakaya."

"Sakaya?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.

"Si Sakaya ang Engkantong nangangalaga sa Isla. Hihingi muna tayo ng permiso sa kanya bago natin gagawin ang pagsasanay. Siya ang gagabay sa atin sa puno ng Quebaluan." Ang paliwanag ni Danum.

Tumango si Odessa at pilit na inaaninag ang maputik na daan sa kanilang dinaraanan. Ngayon ay paakyat na sila sa isang burol,  marahil ay ito na ang burol na tinutukoy ni Danum sa kanya.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon