CHAPTER ONE

14.1K 427 73
                                    

The Fall of the Math Wizard, The Rise of the Poor Genius



"Kinakabahan ako."

Napatingin si Suzanne sa buong hall kung saan gaganapin ang contest na kan'yang sasalihan. First time in the history sa Manuel Roxas National High School ang masali sa International Math Quiz bee and who would have thought na makakarating sa ganoong patimpalak ang isang maliit na public school ng Maynila? Dahil iyon kay Suzanne Matanguihan na isang Grade 9 student ng nasabing eskwelahan.

"This contest is indeed very difficult to win." Napatingin naman si Suzanne sa kan'yang Math coach na si Mrs. Retes.

"Bakit po?" tanong n'ya.

Bahagya namang tinuro ni Mrs. Retes ang bandang kaliwa nila at kitang-kita n'ya ang isang estudyante doon na parang nasa imperial palace ito namamalagi dahil sa anik-anik sa uniporme nito. Kitang-kita n'ya ang mistulang pulang sash nito na may nakalagay na 'Special Class A'.

"Kalaban natin ang undefeated champion na school. Ang La Orian Academy."

"La Orian Academy? 'Di ba po prestigious school po iyan?" tanong ni Suzanne.

"Oo. But, don't get pressured about it, Suzanne. Alam nating kaya mo rin silang tapatan," nakangiting saad ni Mrs. Retes.

"Ehehehe, gagawin ko po ang makakaya ko para mabigyang karangalan ang school natin," tugon naman ni Suzanne.

Tinapik naman s'ya ni Mrs. Retes sa balikat. "That's the spirit, Suzanne."

"Paging all the contestants of the Math Quiz bee to please proceed in Room 24 right now. Your contest will start at precisely 9 a.m.. Again, paging all the contestants of the Math Quiz bee to please proceed in Room 24 right now. Your contest will start at exactly 9 a.m.." Pagkarinig ni Suzanne sa sinabi ng public announcer ay agad na s'yang nagpaalam sa kan'yang coach.

"Good luck!" 'Yon ang naging tugon ni Mrs. Retes. Bahagya namang yumuko si Suzanne bago tuluyang pumunta sa nasabing room.



"What is the area of a triangle of sides 4, 7 and 9 units? You have 50 seconds to raise the answer to this question. Go!" Just the quiz master raised the signal to answer, sinimulan na ni Suzanne at ng representative ng La Orian Academy na sagutin ang nasabing tanong. Matapos ng tatlong rounds ng nasabing Math quiz bee, sina Suzanne at ang representative ng La Orian Academy na si Archles Basillote lang ang natira para sa clincher round. Halos lahat ng rounds ay pantay ang kanilang puntos kaya sila mismo ang magkatunggali sa nasabing clincher o ang tie-breaker round.

"Raise your boards," sambit ng quiz master. Agad namang inangat ni Suzanne ang kan'yang board na may sagot.

"The answer is 6 square root of 5 square units is equivalent to the square root of 5 square units. You can get the said answer using Heron's Formula. Both Manuel Roxas National High School and La Orian Academy got the correct answer." Agad namang naglagay ng score sa scoreboard ang scorer.

"Last question for the clincher round," untag ng quiz master sabay bunot ng nakatuping papel sa box. Binuksan n'ya ito at agad na binasa. "What is the volume generated if an area bounded by a curve y squared equals 12 and line x equals 3 is also revolved by the same line? You have 60 seconds to answer the question. Go!"

Bahagyang kumunot ang noo ni Archles. "Calculus topic in Geodetic Engineering? Hmm, interesting."

Kumunot ang noo ni Suzanne matapos marinig ang nasabing tanong. "Sandali... Integral Calculus ba 'yong tanong? Paano 'yon iso-solve? Shell Method ba ang gamit? Pucha bakit ko nakalimutan iyon?!" Bahagya s'yang napa-kagat ng ibabang labi at pumikit nang mariin. Pilit hinahalukay sa isip n'ya kung paano iso-solve ang nasabing tanong. Agad s'yang napadilat ng mga mata no'ng may bigla s'yang maalala at agad na nag-solve sa gulu-gulo n'yang scrap paper, sa una ay hindi s'ya sigurado sa sagot kaya't inuna n'ya munang ilagay ang 'cubic units' sa board.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now