CHAPTER NINE

8.9K 328 40
                                    


Όταν ο Έλληνας Θεός πολεμά τον Ιππότη

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Όταν ο Έλληνας Θεός πολεμά τον Ιππότη

When the Greek God fights the Knight




"Bwisit na La Orian Academy 'yan! Bwisit na bwisit na ako sa school na iyan lalung-lalo na sa sinasamba nilang grupo na Apollo!" hinampas ni Lloyd Paredes ang kanyang nakakuyom na kamay sa mesa. Isa s'ya sa mga estudyante ng Capulet Private High School at ang leader ng grupong Percival. Isa rin ang school na iyon sa kalaban ng La Orian Academy ngunit kahit ano'ng gawin nila ay hinding-hindi nila napapataob ang La Orian Academy.

"Ano'ng plano mo, boss?" tanong ni Yves, isa rin sa mga estudyante ng Capulet Private High School at miyembro ng Percival, hango sa isa sa mga knights ni King Arthur mula sa kwentong Le Morte 'd Arthur.

"Ano pa ba?" balik-tanong ni Lloyd. "Edi makipag-one on one tayo sa Apollo! Papatumbahin natin ang apat na iyon at papatumbahin natin ang socialite nilang eskwelahan!"




Isang maluwag na buntong-hininga ang pinakawalan ni Suzanne nung makita n'yang wala pang tao sa loob ng classroom nila. May kanya-kanyang club activities ang lahat at 'yung iba naman ay abala sa ibang bagay. Maaga namang natapos 'yung meeting ng Math Club kung saan kabilang si Suzanne kaya bumalik s'ya sa kanilang classroom. Mabuti nalang at wala pa talagang tao sa loob kaya makakapag-focus si Suzanne na pag-aralan 'yung mga topic na hindi n'ya naabutan nung nag-transfer s'ya. So far naman sa araw na iyon ay hindi s'ya napagtripan ng lahat kaya makakapagpahinga s'ya sa mano-manong paglalaba ng uniform n'ya.

Tahimik na binuksan ni Suzanne ang laptop sa kanyang mesa at tahimik na nag-jot down sa kanyang kwaderno. Inumpisahan n'yang pag-aralan sa Physics dahil doon talaga s'ya medyo mahina. Aaminin n'ya na kahit sinasabi ng lahat kung gaano s'ya katalino ay hirap parin s'yang mag-adjust sa sistema ng La Orian Academy lalo pa't isa ang eskwelahang ito sa pinakaunang nag-apply ng K to 12 Curriculum noong kasagsagan pa ng K to 10 Curriculum. Nakabase ang K to 12 Curriculum nila sa Amerika kaya medyo hirap s'ya sa pag-adapt lalo pa't nakakabaliw ang advance subjects nila. Pero alam naman ni Suzanne sa sarili n'ya na kakayanin rin niya ito.

Blag!

"Ay kabayong tumalon!" halos mapatalon si Suzanne sa kanyang kinauupuan. Nanlaki ang mga mata n'ya nung makita n'yang may lalaking nakahandusay sa sahig malapit sa may pintuan ng classroom nila.

Agad n'ya itong nilapitan at napasinghap naman s'ya nung makita n'yang duguan ito. "O-Oy, ayos ka lang? Bakit ka duguan?!"

Isa ito sa mga kaklase n'ya at kitang-kita sa itsura nito na nagulpi ito sa hindi n'ya malamang dahilan.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now