CHAPTER TWENTY-ONE

6.9K 289 34
                                    

桜を一緒に見てみましょうか?

Shall we look at the Cherry Blossoms together? 




"An isolated particle of mass mm is moving in horizontal plane (x-yx-y), along the xx-axis, at a certain height above the ground. It suddenly explodes into two fragment of masses m/4m/4 and 3m/43m/4. An instant later, the smaller fragment is at y is equal to 15cm and y is equal to 15cm. The larger fragment at this instant is at..." agad lumibot ang tingin ng Physics Teacher sa buong Special Class. Wala pang kinse segundo ay nakita n'ya agad si Suzanne na nagtataas ng kamay kasabay ng pag-angat ng tingin nito mula sa tablet. "Yes, Miss Matanguihan? Can you solve the problem to the class?" 

"Yes, Madame," sagot ni Suzanne sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan. Nung makalapit na s'ya sa kanilang Physics Teacher ay binigay nito sa kanya ang marker at nagsimula na s'yang magsulat sa whiteboard. 

Hindi man n'ya nakikita, nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanya. 

Matapos n'yang isulat ang solution ay agad n'yang hinarap ang kanyang mga kaklase. "There is no external force on the system in the x-y x-y plane. Hence, linear momentum of the system is conserved along xx and yy directions, separately. Initially, the particle was moving along xx axis with a speed vxvx. Hence, coordinates of its centre of mass varies with time tt as," tinuro n'ya ang solution sa whiteboard. "xc is constant to vxt, yc is equal to 0. xc is equal to xt, yc is equal to 0. By conservation of linear momentum, ycyc remains constant (here zero) after the collision i.e.,
yc is equal to quantity of m/4 times 15 plus quantity of 3m/4 times ym/4 plus 3m/4 equals 0.
yc is equal to quantity of m/4 times 15 plus quantity of 3m/4 times ym/4 plus 3m/4 equal 0.
If you're going to solve the two equations given, you'll. get y is equal to −5cm and the other y is equal −5cm. That explains ycyc is constant." 

Napatingin muna ang kanilang Physics Teacher kay Suzanne at bahagyang ngumiti. "Correct. Y is equal to −5cm and the other y is equal −5cm." 

Tumango naman si Suzanne at agad naglakad paupo sa kanyang upuan. Tahimik s'yang natawa nung panay ang thumbs-up sa kanya ni Dane. Bago pa man s'ya tuluyang mapaupo ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isa sa mga faculty staff sa Admin Office. Bumati muna ito sa kanilang Physics Teacher bago dumako ang tingin sa kanila. "Miss Suzanne Matanguihan?" 

"S-Sir?" bahagyang itinaas ni Suzanne ang kanyang kanang kamay. 

"The Principal wants to see you. Please come with me," sabi ng staff bago muling dumako ang tingin nito sa Physics Teacher at tumango, tanda ng kanyang pag-alis bago lumabas ng nasabing classroom. 

Napatingin agad si Suzanne kay Dane at nagkibit-balikat naman ang kanyang kaibigan. Huminga na lamang s'ya nang malalim bago s'ya lumabas ng classroom at sumunod sa staff.



Nung makarating na sila sa labas ng opisina ng Principal ay iniwan na agad s'ya ng staff. Huminga muna s'ya ng malalim bago kumatok sa pintuan ng nasabing opisina. 

"Come in," pagkarinig na pagkarinig n'ya sa boses mula sa loob ay dahan-dahan n'yang binuksan ang pintuan. 

"Good morning, Mr. Ellenberg," bahagya s'yang yumuko bilang pagbati bago tuluyang pumasok sa nasabing opisina. 

"Ah, Miss Matanguihan. Finally you're here. Have a seat," inimuwestra ni Mr. Ellenburg ang visitor's chair na nasa kanyang kaliwa. 

Bahagyang yumukong muli si Suzanne bago naglakad papunta sa nasabing upuan at naupo. Tahimik s'yang napasinghap at nanlaki ang kanyang mga mata nung makita n'ya si Mark sa tapat n'ya. 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now