CHAPTER THIRTY-SEVEN

3.2K 168 12
                                    

Secret Garden




"One of the most fundamental interpretative obstacles concerning Quantum Field Theory is the question which formalism is to consider and to then identify which parts of the respective formalism carry the physical content, and which parts are surplus structure, from an ontological point of view." 

Sinipat agad ng guro nila sa Advanced Physics and relong-pambisig nito nung marinig na tumunog na ang school bell. "Okay, it's already time. Be sure to have your advance reading and review about the Quantum Field Theory. That's all for today. Dismiss." 

"Good bye, ma'am." 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Suzanne matapos n'yang i-shut down ang kanyang laptop at iligpit ang kanyang mga notebook at libro na nasa kanyang mesa. 

Gusto ko nang matulog.

Masyadong kulang para kay Suzanne ang Sabado at Linggo sa tatlong linggo n'yang puyat dahil sa research paper n'ya. 

"Hey, Suzanne!" napalingon agad si Suzanne kay Dane na ngayon ay nakangiti na sa kanya na para bang kinikilig at excited. 

Bahagya s'yang humikab bago sagutin ang kaibigan. "Ano 'yun?" 

"Are you excited this Saturday~?" 

"Huh? Ano'ng meron sa Sabado?" inaantok na tanong ni Suzanne. 

Kumunot naman ang noo ni Dane sa naging tugon ng kaibigan. "You don't know the affair this Saturday? It's our Acquaintance Party! October Ball! Before the sem break!" 

"O... tapos?" 

"Wait a minute," ani Dane. "You don't have any plans of going?" 

"Wala," sagot ni Suzanne. "Wala akong pambiling gown at duty ko rin sa convenient store ngayong Sabado. Tsaka, hindi naman talaga ako bagay sa fancy parties ninyo kaya wala akong balak pumunta." 

"Tell me you're kidding that you're not going?" 

Isang blangkong tingin ang iginawad ni Suzanne kay Dane. 

"Are you kidding me? For real? You're not going?" 

Bumuntong-hininga na lamang si Suzanne at tumayo dala ang libro n'yang nobela ni Louisa May Alcott na 'Little Woman'. "Seryoso at sigurado ako na hindi ako pupunta sa party," napatingin muna si Suzanne kay Dane bago umalis. "Magpapahangin lang ako." 

"Hey, wait, Suzanne!" tinawag ni Dane ang kaibigan ngunit hindi na s'ya nito nilingon. 




Masyadong maraming tao sa garden. Doon kasi madalas tumatambay si Suzanne para magbasa o kaya'y magmuni-muni. Gustuhin man n'yang tumambay sa roof top ay masyado namang mainit doon kaya napagdesisyunan n'yang maglakad-lakad muna para na rin makahanap ng pwesto para magbasa o kaya nama'y matulog. Vacant sila ng dalawang oras kaya walang problema. 

Lumingon-lingon s'ya sa paligid para maghanap ng magandang pwesto pero napansin n'ya agad ang isang tunnel na naroon. Hindi naman nakakatakot ang itsura ng tunnel dahil may namumukadkad na mga bulaklak sa paligid nito ngunit may parte sa isip n'ya na 'wag daanan ang nasabing tunnel. 

Ngunit mas nangingibabaw ang isa pang parte sa isip n'ya na pasukin iyon kaya bago pa man s'ya magdalawang-isip at timbangin ang kanyang desisyon ay naglakad s'ya papunta sa tunnel.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now