CHAPTER TWENTY-EIGHT

4.9K 219 46
                                    

Something From You



"Immortal amarant, a flower which once

In paradise, fast by the tree of life,
Began to bloom; but soon for man's offence
To heaven removed, where first it grew, there grows,
And flowers aloft, shading the fount of life,
And where the river of bliss through midst of heaven
Rolls o'er elysian flowers her amber stream:
With these that never fade the spirits elect
Bind their resplendent locks."


Napatingala si Suzanne sa tower clock ng La Orian Academy nung marinig n'yang tumunog ito. Agad n'yang sinara ang binabasa n'yang librong naglalaman ng tulang sinulat ni John Milton na Paradise Lost. Hiniram n'ya ito mula kay Dane na malugod namang binigay sa kanya ng kaibigan. 

Matapos n'yang iligpit ang kanyang mga gamit ay umalis na s'ya sa school garden at naglakad papunta sa building nila.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang nag-aaral ako sa La Orian Academy ng halos dalawang taon—ang paaralang minsan ko na ring naging kalaban nung nasa public school ako.

"First period pala namin sa ay Calculus tapos mamayang alas quatro ang practice namin sa volleyball," agad namang lumibot ang mga mata ni Suzanne sa mga schoolmate n'yang nagpa-practice sa kani-kanilang mga isports. "Malapit na pala ang sportsfest. Ang bilis ng panahon..."
Tahimik lang na binabaybay ni Suzanne ang daan papunta sa Junior High building. Nararamdaman n'ya ang mga mabibilis na yapak sa likod n'ya. Bago pa man s'ya makalingon para makita iyon ay may kung ano'ng pwersang tumulak sa kanya para mahulog sa fountain na hindi n'ya alam kung matatawag pa ba n'yang fountain iyon dahil mistulang swimming pool ang lawak niyon. (Sa mga napanood ang Ouran High School Host Club, 'yung fountain kung saan nahulog ang bag ni Haruhi, gano'n ang itsura ng fountain ng LOA, maliban do'n sa estatwa ng umiihing bata. Hahahaha) 

Suzanne went out of the water gasping for air. She slightly covered her ear when she heard a blaring whistle from somewhere. Masyadong masakit iyon sa tenga n'ya dahil mukhang napasukan iyon ng tubig kahit mababaw lang ang tubig ng fountain. 

Gamit ang kanyang mga kamay ay hinawi n'ya ang namumuong tubig at buhok mula sa kanyang mukha at napatingin agad sa kanyang uniporme. "Patay, basa ang uniporme ko." 

Pucha naman o, kung kailan nilabhan ko ang P.E. uniform ko at hindi pa tuyo iyon, tsaka naman nangyari ito! Bakit ba kasi suki ako sa ganitong mga pangyayari?!

Hindi na pinansin ni Suzanne ang mga tawanan sa paligid n'ya at pinupuga-puga na lamang n'ya ang kanyang palda at agad na iniahon sa tubig ang mga gamit n'ya para maisalba ito. Naramdaman n'ya ang mainit-init na likidong namumuo sa mga mata n'ya at agad pinunasan ito. 

Wala kang panahon para mag-self-pity, Suzanne. Hindi ka magtatagumpay kung ipapakita mo sa kanila ang kahinaan mo.

"Get your ass out that fountain," napatingin agad si Suzanne sa nagsalita. Nanatili ang blangkong tingin ni Mark Gosiengfiao na ngayon ay nakasuot ng varsity uniform at varsity jacket na may tatak na GOSIENGFIAO 02 sa likod. 

Hindi sumagot si Suzanne dahil alam n'ya na kung sasagot s'ya ay mababasag lang ang boses n'ya, mas lalo lang s'yang maiiyak. 

She heard Mark clicked his tongue. "Nǐ zhège yúchǔn gùzhí de nǔhái. (You stupid, stubborn girl.)" 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now