CHAPTER TWO

12.8K 421 21
                                    

The Offer


"La Orian Academy.

Maririnig pa lang ng lahat ang pangalan ng school na 'to ay isa lang ang masasabi nila.

"The school for the prodigies and the geniuses."

La Orian Academy is said to be the most exclusive, prestigious, popular, and expensive school in the nation.

The school for the rich prodigies, intended for the rich prodigies and built for the rich prodigies. It also maintained its reputation as the most brilliant elite school, better than science-oriented and international schools. That's why typical students envy the students of the La Orian Academy.

Even ordinary people, even if they enroll their sons and daughters in this school when they are born, cannot acquire the high standards of this school kaya kahit kindergarten man lang ay hindi mo magagawang makapasok dito. At kung nasa resume mo man na grumaduate ka sa La Orian Academy, you can easily land a job even without a college degree.

La Orian Academy acquires four things: Wealth, Standards of living, Family background, and Intelligence.

In short, kung tatagalugin natin ito, ang La Orian Academy ang isa sa pinakatangyag, pinaka-exclusively expensive, pinakasosyal at pinamumugaran ng pinakamatatalino at literal na prodigies na mga estudyante sa buong bansa. Kilala pa sa buong mundo! Kinatatakutan nga sila mapa-academics or extra-curricular activities kasi hakot tropeyo at gold medals sila kasi laging nasa first place. In short, matataas ang IQs ng mga naroon. Sa huling balita nga, 'yong topnotcher nila eh umabot sa 200 ang IQ. Nakalimutan ko kung saang grade level 'yon s'ya. Pero tinatawag s'yang Superboy ng mga naroon. Ang tatalino talaga ng mga estudyante doon. Puro advance lahat ang mga subjects nila doon. Tapos, sinasala nila ang mga estudyante nila sa pamamagitan ng final exam. Sinasala nila kung sino ang mapupunta sa Special Class A at sa lower class. Kaya nga grabe sila ka-advance doon! Shet, na-nosebleed ako sa mga sinabi ko. 'Yon kasi ang nabasa ko sa article tungkol sa school na ito eh."

"Ganoon ba 'yon?" tanong ni Suzanne habang nag-a-ayos ng mga bagong stock ng Chicharon ni Mang Juan sa estante ng tindahan. Kausap n'ya ang kan'yang best friend na si Abby, kaklase at ka-trabaho rin n'ya sa isang Mini Mart and Refreshment store seven blocks away from their homes. "Sinasala? So parang may Caste system sila doon? Parang hierarchy? Tsaka, sikat na sikat ba talaga ang school na iyon?"

"Oo. Sikat talaga ang La Orian Academy. As in sikat na sikat internationally. Mahirap makapasok doon, lalo na sa Special A." sagot naman ni Abby habang nagkikwenta ng pera sa counter. Matalino rin si Abby at nasa Top 7 s'ya ng klase nila ni Suzanne.

"Special A? Iyon ba 'yong klase na sinasabi mo kanina?" tanong muli ni Suzanne. "Ba't parang tunog brand ng harina?"

At teka... parang pamilyar 'yong Special Class na sinasabi n'ya.

"Oo, Special Class sila pero mas kilala silang Special A. Special A tawag sa kanila in short kasi halos A+ or A++ 'yung mga nakukuha nilang rating. Ang klase na iyon ang tinaguriang 'Most Outstanding Class' ng Academy. Lahat ng First honors at Valedictorians sa iba't ibang school o kahit sa iba't ibang klase sa La Orian Academy—Elementary Department ay napupunta doon. Ang sabi, para manatili ka sa Special A, kailangan hindi bababa sa 95 ang average mo dahil kung bababa, ayun, kick out ka sa nasabing klase. Ang tatalino talaga ng mga nandoon at nakakainggit talaga sila. 'Yong mga kaklase nga natin, nangarap na makapasok sa school na iyon," sagot naman ni Abby.

Bahagyang bumuntonghininga si Suzanne at bahagyang sumandal sa stall ng Mang Juan chips. "Okay naman mag-aral do'n dahil sobrang advance na nila sa subjects. Pero, ang problema nga lang, puro bigatin ang mga naroon at hindi tayo babagay sa lugar na iyon."

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now