CHAPTER TEN

8.6K 339 28
                                    

Suzanne in Danger




"Naku naman! Late na ako sa klase! Patay ako nito!" hingal na hingal si Suzanne habang tumatakbo s'ya papasok ng kanilang building. Dumiretso agad s'ya sa sa locker room para kunin ang mga libro at notebook n'ya para sa araw na iyon. Dumaan pa s'ya sa pinakamalapit na coffee maker machine dahil hindi s'ya nakapag-agahan sa sobrang pagmamadali kaya ang pag-inom nalang ng kape ang choice n'ya. Mabilis n'yang tinungo ang elevator nung saktong bumukas na ito.

Saktong pagkapasok n'ya ay nabangga s'ya sa kung sino kaya natapon ang kapeng hawak n'ya.

"Ay!" gulat n'yang sambit nung maramdaman n'ya sa kamay n'ya ang mainit-init na likido ng kape habang ang mga libro at notebook naman n'ya ay nasa sahig na ng elevator dahil nabitawan n'ya ang mga ito. "So-Sorry ha—"

Nanlaki agad ang kanyang mga mata nung bumungad sa kanya ang mukha ni Mark na gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Hindi lang 'yon—kitang-kita rin n'ya na nabasa ng kape n'ya ang uniform nito.

"What the?" usal ni Mark nung maka-recover na s'ya mula sa gulat na nadama matapos s'yang aksidenteng natapunan ng kape ni Suzanne. Agad n'yang sinamaan ng tingin ang babae.

"S-Sorry. Sorry talaga," dispensa ni Suzanne sabay kuha ng kanyang panyo mula sa bulsa ng kanyang palda at agad pinunasan ang uniporme ni Mark.

"Stop that!" agad namang tumigil si Suzanne matapos tabigin ni Mark ang kanyang kanang kamay. "Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo para wala kang ma-perwisyong tao. Tsk, báichī."

Napakurap naman si Suzanne at damang-dama n'ya ang namumuong inis sa kaloob-looban n'ya. "Aba! Nag-sorry na nga ako, nagagalit pa! Tsk!"

"Argh, this is so annoying. Mā de, zhè zhēn ràng rén bú shūfú," sinapo ni Mark ang kanyang batok at huminga nang malalim bago muling tignan ang kanyang basang uniporme. Tinapunan muna n'ya ng masamang tingin ang nakayukong si Suzanne bago n'ya ito nilampasan at lumabas ng elevator. (*Fuck, this is so uncomfortable.)

Nag-angat ng tingin si Suzanne at napangiwing napalingon kay Mark. "Hay, nakakainis naman 'yung lalaking 'yon. Ang gaspang ng ugali. Sarap upakan, one time lang. Tsk."

Agad namang pinulot ni Suzanne ang mga notebook at libro n'ya bago patakbong sumunod kay Mark. Natigilan naman si Mark sa paglalakad dahilan para mabunggo si Suzanne sa likod n'ya.

"Aray!" bulong ni Suzanne sabay sapo ng kanyang ulo. Nag-angat s'ya ng tingin kay Mark habang hinihimas ang kanyang natamaang noo. "Ano ba 'tong likod n'ya? Pader? Ang sakit ng noo ko."

Agad pumihit paharap si Mark kay Suzanne na panay parin ang bulong nito sa sarili. "Aren't you going to change your uniform?"

"Wala," sagot ni Suzanne at inayos ang kanyang pagkakayakap sa kanyang mga notebook at libro. "Konti lang naman ang nabasa sa uniporme ko. Konti lang sa palda tsaka sa sleeves lang naman ng uniporme ko ang nabasa. Tsaka, wala rin talaga akong balak magpalit dahil one set lang na uniporme ang meron ako. Masyadong ginto ang unipormeng binibenta dito."

Mark snorted suddenly. "One set? For real?"

"Oo. B-Bakit? May problema ba do'n?" Suzanne tsked. "Dapat nga dalawa ang set ng uniporme ko kaso nasira 'yung isa dahil hindi na nakayanan ang pagkuskos na ginawa ko dahil sa mga mantsa kaya ayun, bumigay. At maraming salamat dahil kayo ang dahilan no'n."

"Seriously?" Mark snorted again.

"Mukha ba akong nagbibiro, ha? Gosiengfiao?"

Mark chuckled behind his hand. "Commoner is always a commoner."

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now