CHAPTER TWENTY-THREE

5.7K 246 21
                                    

Enter Derzy Adrian Catallija




"What?" 

"What? A new classmate?" dalawang araw lang nawala si Suzanne dahil sa patimpalak na sinalihan nila ni Mark abroad at eto ang bumungad sa kanya nung makapasok s'ya sa classroom kasama si Dane. 

"Ano'ng meron?" tanong ni Suzanne paglapag n'ya ng bag n'ya sa mesa. 

"Yeah, right. What's the fuss all about?" tanong rin ni Dane sa kanila. 

"Oh! Good morning, Suzanne and Dane!" bati ni Ji Eun sa kanya habang nasa pagitan ng mga labi nito ang straw ng strawberry milk n'yang hawak. "We're talking about our new classmate who's coming today." 

"New classmate?" nagkatinginan sina Suzanne at Dane sa isa't isa. 

"Ah, masji! I namja-ingayo yeoja-ingayo?" tanong ni Ji Eun kina Malyn at Keiichi. [*TRANS: Ah, right. Is it a boy or a girl?] 

"I don't know. Maybe, a boy. I heard its name is Derzy Catallija, P'Ji Eun," nagkibit-balikat si Malyn sa kanila. (*P' – Thai people usually put this in the first names as an honorific.) 

"Jeongmal? But you know that Special Class is consists of twenty students. If Derzy will enter the class, we'll be twenty-one. He's an extra student," wika ni Ji Eun. 

"Is it bad?" tanong ni Suzanne sa kanya. "Having an extra student?" 

"Oh, not really. It's just that, we're having an early elimination of students in Special Class in the Mid-terms instead of Finals. We only consist of 20 students. Derzy might be a huge threat for the 20 spots for Special Class since he's an extra student—depends on his performance, by the way," sagot ni Keiichi. 

"Ganyan ka-tight ang competition dito sa Special Class. Lahat tayo gustong manatili sa 20 students ng Special Class kaya ang pagkakaroon ng extra student ay malaking threat na sa ranking," wika ni Dane. 

"Oh, here he is," napatingin agad sila sa kanilang homeroom teacher nilang si Mr. Aliazar kaya agad silang bumalik sa kani-kanilang mga upuan. Nanatili ang mga mata ni Suzanne sa lalaking tahimik na nakasunod sa homeroom teacher nila. 

Nakatuon ang buong atensyon ng klase sa bagong dating. 

"Good morning, class. I want your attention here," ani Mr. Aliazar. Tumingin naman agad s'ya sa bagong estudyante. "Kindly introduce yourself to the class." 

"Good morning everyone, ohayou gozaimasu, jeoum achimimnida, sawadee krap, daxianghao, buenas dias, sabahol-kahyr, again and again, good morning. I am Derzy Adrian Catallija, I came from Maxwell High School in New York and I just transferred here. Nice to meet you all and please take care of me," nakangiting bati ni Derzy sa kanila. 

"Suzanne, may ibubuga rin pala ang isang 'to. Bukod sa matalino, cute pa," puri ni Dane. 

"Oo nga eh," tumango-tango naman si Suzanne bilang pag-sang-ayon. 

"He's too show-off," komento ni Clyde. 

"Yeah, right," narinig ni Suzanne na bulong ni Mark mula sa likuran. 

Bahagya naman s'yang lumingon dito. "Hindi n'yo pa nga kilala 'yung tao, ganyan na ang judgment n'yo." 

Parang hindi rin kayo ganyan. Pft. 

"His name is Derzy Adrian Madrid-Catallija. Born on September 26. Son of Sir Damian Catallija, the founder of a modeling magazine Glamour, broadcasting company KBC and book publication company Manifesto. Like the rest of us here, he can speak five Filipino dialects and seven foreign languages and was assigned by his dad in the translation section in their publishing. He loves to play the flute when he was five and he's a painter. He always wins in different painting competitions and exhibits across America and Europe when he was still studying in New York. He even painted one of the members of the Royal Family in London. That's what's interesting about him," wika ni Mark. 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now