CHAPTER THIRTY-ONE

3.5K 186 29
                                    

Stalking



"Okay ka lang ba? Umiiyak ka kasi eh."

"Y-Yes, I'm okay."

"Gusto mo, samahan kitang kumain?"

"Ka-kakain ka kasama ko?"

"Oo naman!"


...sana hindi nalang iyon ginawa ni Suzanne. Sana hindi na lamang n'ya kinausap ang estrangherong iyon na kumakaing mag-isa sa isang fastfood chain.



Hindi alam ni Suzanne kung nagde-delusion o naghahallucinate or sadyang paranoid lang s'ya dahil sa tuwing papauwi na s'ya mula sa La Orian Academy ay tila'y may nagmamasid at sumusunod sa kanya.

Maging sa pinagtatrabauhan din n'ya ay may kung sino'ng nagmamasid at sumusunod sa kanya.

Sa una ay wala lang iyon sa kanya dahil na rin baka ay paranoid na s'ya lalo pa't laganap sa buong ka-Maynilaan ang tungkol sa mga dalagitang may sumusunod sa kanila tuwing gabi. Baka coincidence lang na may nakatingin o nakasunod sa kanya at masyado lang s'yang nag-o-overthink.

Pero ngayon ay ginagapangan na s'ya ng kaba. Na kahit sa La Orian Academy ay para s'yang napaparanoid 'pag mayroong nakasunod sa kanya to the point that he almost punched Derzy out of nowhere. Mabuti na lamang at mabait ang binata at naiintindihan s'ya. Dwayne and Clyde almost called her a weirdo because of that and even joked around about it pero nung napansin ng dalawa na hindi s'ya nagbibiro ay pinakita na rin nila ang concern nila sa kanya.

It's already unbearable. Lalo pa't nakikita n'ya palagi ang laging nakatingin at nakasunod sa kanya. Mistulang binabantayan ang bawat galaw n'ya.

Brown hoodie, ripped jeans and black ball cap.

Natatandaan n'ya ang lalaking iyon.



At hindi na alam ni Suzanne ang gagawin lalo pa't hindi n'ya rin makakasama pauwi si Abby dahil mas maagang matapos ang shift ng best friend n'ya kesa sa kanya at mayroon din itong sundo—since taxi driver ang tatay ni Abby, nasusundo s'ya nito sa hapunan bago muling mag-duty. Gusto man n'yang makisabay ay hindi n'ya rin magawa dahil nahihiya rin s'ya't lalo pa't on duty ang papa ni Abby na laging sumusundo sa kanya. Sa kaso naman ng tatay n'ya ay hindi rin n'ya gustong magpasundo rito dahil ayaw rin n'yang makaabala sa duty nito.

Kaya heto s'ya ngayon, nagtatago sa isa sa mga shelf ng biscuits at hindi n'ya magawang makaalis ng convenient store ilang metro lang ang layo mula sa mini-mart na pinagtatrabauhan n'ya dahil nasa labas ang stalker n'ya. Nakadama na talaga s'ya ng takot at kaba sa mga sandaling iyon dahil mukhang hinihintay talaga ng stalker n'ya ang kanyang paglabas. Ni hindi na n'ya nabili ang sadya n'ya sa convenient store at hindi n'ya alam kung bakit s'ya pumasok sa convenient store.

"Gusto ko nang umuwi pero paano kung may gagawin s'yang masama sa akin? A-Ano'ng gagawin ko? Tatawag na ba ako ng pulis?" hindi na magawa pang hawakan ni Suzanne nang maayos ang kanyang cellphone dahil sa sobrang takot at kaba.

"Natatakot ako... natatakot ako sa posibleng gawin n'ya sa akin."

Napasinghap si Suzanne nung bumukas ang pintuan ng convenient store. Agad namang nanlaki ang mga mata n'ya nung makita n'ya si Mark na pumasok. Nakasuot ito ng puting polo, itim na slacks, itim na leather shoes at itim na coat na hanggang tuhod n'ya ang haba. Lumingon-lingon muna ito sa paligid bago dumako ang tingin nito sa kanya at lumapit sa kanya.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora