Chapter 15

259K 7.1K 3K
                                    

Comment down your thoughts for this chapter or tweet it using the hashtag: #ArcticHeartNinaWP

-----

Chapter 15
Mad

"Oh, look! You found my twin, Isha!"

Nalipat naman ang tingin ko kay Liana na kakarating lang at agad naman siyang napangiti nang makita ako.

"Zarina!"

She immediately came closer to pull me and give me a tight hug.

Panandalian kong naalala ang pag-uusap ni Dylan at ng kanyang mga kaibigan patungkol kay Liana. One of his friends had a relationship with Liana. That was how I understood it.

"I missed you!" she said. "Ang tagal na ng huli nating pagkikita. Noong reunion pa ang huli."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Medyo busy kasi... Pasensya na."

"It's okay!" She giggled before she turned to her twin. "Jace, kanina ka pa namin hinahanap ni Isha. Kung 'di namin malalaman sa iba na nandito ka, hindi namin malalaman na pumunta ka pala."

Ibinalik ko ang aking tingin kay Isha na hindi pa rin nawawala ang tingin kay Jace. Pasimple ko namang nilingon si Jace at nakatingin lamang siya sa kanyang kakambal.

"I'm tired of you playing mute so please, speak up, twin," Liana irratedly said.

Narinig ko naman ang muling paghinga ng malalim ni Jace bago siya nagsalita.

"Excuse me. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Zarina."

Hindi pa ako nakaka-angal ay agad na akong hinawakan ni Jace sa aking kamay at hinila papalayo kina Liana at Isha.

I saw Isha bowed her head when Jace decided to leave with me, while Liana had her brows shot up and a meaningful look.

Dire-diretso ang kanyang lakad habang hila-hila ako at napansing papalabas na kami sa Prive.

"Jace, saan tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya at bahagyang kumawala ngunit hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak sa kamay ko upang 'di ako makakawala. "Jace..." tawag ko ngunit tila parang hindi niya ako naririnig.

We arrived at the parking space, in front of his car, and he pressed his key fob to unlock it.

"Jace, nandoon si Dylan sa loob. Mag-aalala 'yon. Hindi ako pwedeng umalis," sabi ko naman sa kanya.

"We will just talk. I will drive you back," he firmly said and held the shotgun's door open for me.

"Paano si Dylan―"

"Fuck! Just get in the car, please!" He sounded so frustrated.

His blazing eyes made me shiver. Before I pushed his buttons more, I slid myself inside the shotgun seat of his car and primly sat.

Hindi pa man nabubuksan ang makina ng sasakyan para mapaandar ito at maramdaman ang lamig ng aircon ngunit parang hindi ko na 'to kailangan dahil sa panlalamig na nararamdaman nang makapasok siya sa loob.

"If you don't really want him to worry too much about you, just text him that you're with me," he said and casually placed his phone on my lap. "You can use my phone to send him a message."

I was completely frozen on my seat. Even when the car started to move that caused an external force, I remained still and executed a very remarkable inertia. I just kept staring at his phone on my lap that he permitted me to use. It was like he already gave me the key to enter his life without forcing myself to get in.

Arctic Heart [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon