KABANATA I

9.4K 311 84
                                    

MINSAN, MAS NAKAKAPAG ISIP PA AKO kung nasa banyo ako at naliligo, matino yung utak ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MINSAN, MAS NAKAKAPAG ISIP PA AKO kung nasa banyo ako at naliligo, matino yung utak ko. Naisip ko din kung bakit ko ba nagustuhan yung lalakeng 'yon, puro kayabangan naman lumalabas sa bibig.

"Ang g*go niya talaga."

'Pero, mahal mo naman?' sagot ng subconscious ko at napabuntong hininga tuloy ako. I toyed a lot of men's heart at kauri ko din pala yung makakatapat ko, a player like me and I feel stupid about everything.

Habang nakababad ako sa bathtub, may narinig akong isang kalabog sa labas ng banyo, ng una hindi ko pinansin dahil baka may construction na namang ginagawa sa kabilang building pero ilang minuto pa narinig kong bumukas ang pinto ng banyo at may naglalakad. Dali-dali akong napa tayo at nagtakip ng towel.

Dahan dahan kong binuksan ang kurtina na nakatakip sa bathtub ng... "Oh, my god, Sino ka?!" I almost jumped back on the bathtub ng pag bukas ko ng kurtina kung saan ako naliligo ay nakatayo ang isang lalakeng akala mo, nanggaling sa celebration ng Linggo ng Wika sa school nila dahil sa suot niyang damit na makaluma. "Pano ka nakapasok dito, Manyak ka!"

Ang unang nahawakan ko ay ang Feminine wash bottle ko at binato ko sakanya pero nakaiwas din naman ang loko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa and for Heaven's sake! I'm just wearing a bathrobe!--well, my Bare Bears pink bathrobe to be exact. Mukhang nagtataka din siya kung nasan siya ngayon at bakit siya nandito sa BANYO KO!

Naistatwa siya habang nakatingin sakin. Napayakap ako agad ulit sa sarili ko. "TATAWAG AKO NG PULIS!" pero wala man lang siyang reaksyon maliban sa pagtataka kung nasan siya ngayon.

Baliw ba to?

"Binibini, hindi ka ba nilalamig sa manipis at maikli mong suot?"

What the hell?

"Are you stupid or something? Of course maikli dahil naka bathrobe ako, Idiot!" Dumampot ako ulit ng kung ano mang mahawakan ng kamay ko saka binato sakanya. This time tumama sa mukha niya.

Laking gulat ko nga lang at namula ang buong mukha ko ng marealize ko kung ano ang naibato ko sakanya.

yung Bra ko!

Sh*t!

Inipit niya ito using his fingers at winagayway sa ere. Tinignan niya ito ng may pagtataka at sinuri pa. Oh, my god!

"Ano ito Binibini? Isa ba itong pantakip sa mata?" at tinakip niya nga ito sa mga mata niya. "Napaka liit naman nito..."

"WALANG HIYA KA!!" hiyaw ko at binato siya ng sabon, shampoo at lahat na, yung last kong nabato na tumama sa noo niya ay yung batong ginagamit ko panghilod. Useful din pala 'to.

Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Lumapit ako ng dahan dahan para tignan kung buhay pa ba o hindi, but he's not moving. 'Oh god, did I killed him?' napuruhan ko ata ng sobra.  Sinipa-sipa ko siya but no avail.

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now