KABANATA VI

6.4K 218 38
                                    

NASA loob kami ng Elevator ni Ella at hindi ako mapakali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NASA loob kami ng Elevator ni Ella at hindi ako mapakali. Nakasuot ako ngayon ng uniform dahil maiba naman daw (Ayaw niya lang kaseng aminin na naubusan na siya ng maisusuot). But since simula na ng 2nd Semester at graduating student kami, dapat lang siguro na magpakabait kaming dalawa.

"Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali diyan, parang may bulate ka sa pwet." Sabi ni Ella habang nakatuon yung attention sa phone niya.

Eh kase, si Marcos. Magiging okay naman siya doon 'di ba? May mga CDs ako doon at nagpatugtog ako ng OPM songs para hindi siya mabagot. Sinigurado ko din na may Milo sa fridge para kapag hanapin niya, makikita niya agad. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Medyo matagal ko na din kasama si Marcos and thank God, mabilis siyang turuan. Kung sabagay, matalino naman siya.

"Sa tingin mo, magiging okay lang siya doon?" kaming dalawa lang dito sa Loob ng Elevator at pabalik-balik ang lakad ko.

"Girl, alam mo ba?"

Tumigil ako at tumingin sakanya. "Hindi, Bakit?"

"Never kitang nakitang naging praning ng ganyan dahil sa isang lalake. Kahit kay Anderson pa. Sabihin mo nga, may something ka na bang nararamdaman kay Marcos?"

"WHAT? Nababaliw ka na ba?" dipensa ko. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Don't forget, ilang araw na lang Birthday na ni Anderson... hindi ba gaganti ka pa sakanya?"

Napaisip na din ako tungkol don. Acceptable ba as revenge yung makita niya akong may ibang kasama? At isa pa, kapag nakikita ko si Marcos, parang hindi niya deserve gamitin sa paghihiganti ko sa walangjong 'yon.

Hindi ako sumagot dahil bumukasa na yung elevator. Lumabas kami ni Ella at sa kotse niya na ako sumakay.

Pagdating namin sa school, mukhang nagulat si Kuyang guard dahil nakasuot kami ng uniform na dalawa. Pinakita din namin yung ID kase baka hindi kami papasukin. Minsan aakalain mong siya pa yung may-ari ng school sa pagiging strikto niya. Mas madami pa siyang rules kesa sa mga nakalista sa student handbook namin.

Naglalakad kaming dalawa sa hallway at pinagtitinginan ng mga estudyante. May mga nagbubulungan at alam kong puro chismis lang tungkol sa amin yan. Marami na akong narinig kagaya ng malandi daw ako, mangaagaw, sipsip, at iba pa.

Hindi ko na lang pinapatulan dahil first, magkaiba ang nilalandi sa lumalandi. Hindi ako yung lumalapit sa mga lalake, sila 'yon. Second, hindi ako mangaagaw dahil kung talagang mahal sila ng boyfriend nila ay hindi 'yon titingin sa iba. Kahit higaan pa ang isang lalake ng pinakamaganda at pinaka sexy na babae sa harap niya, hindi yon kakagat kung mahal niya ang girlfriend niya. Third, hindi ako sipsip. I party every weekend but I do it after doing my assignments and research. Hindi ako ganon ka tanga para isacrifice ang pagaaral ko. Hindi ko kasalanan na priority ko ang grades ko kaya mataas parin 'to at hindi dahil sa pagiging sipsip.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon