KABANATA III

7.4K 273 85
                                    

PAGKATAPOS NAMIN LIBUTIN ang mga malapit na lugar rito sa Apartment building ko, Tinuro ko sakaniya kung saan ako nag aaral pero hindi ko hinayaang makapasok siya sa loob dahil siguradong mapapansin siya ng mga tao doon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAGKATAPOS NAMIN LIBUTIN ang mga malapit na lugar rito sa Apartment building ko, Tinuro ko sakaniya kung saan ako nag aaral pero hindi ko hinayaang makapasok siya sa loob dahil siguradong mapapansin siya ng mga tao doon. Sino ba namang hindi? Eh naka balandra yung mukha niya sa student handbook at nakapangalan sakaniya yung School Audi namin.

"Napakalaki ng iyong eskwelahan, Ysabelle. Tunay na magkaiba ang mundong ito sa pinanggalingan ko." Komento niya habang nasa loob kaming dalawa ng kotse ko at naka tingin sa kabuuan ng building mula sa harap. Hindi ko din alam kung sasabihin ko ba sakaniya na pagdating ng panahon, sa pinanggalingan niya, ang pamliya niya ang magpapatayo ng Thelmer University. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na gusto niya ng bumalik sa panahon niya at kung sasabihin ko pa 'to, baka masira ko lang yung hinaharap. "Bakit? Ano ba ang eskwelahan noon sa panahon ninyo at ang pamumuhay ninyo?"

hindi ba bongga nga yung panahon nila? Pwede silang mangibang bansa para doon mag aral, required silang matutunan ang Spanish lalo na kapag nasa mayamang pamilya sila. And because mayaman siya, ibig sabihin, may spanish blood siya dahil hindi ina-acknowldeged ang purong pinoy.

"Ang mga babae kadalasang pinapaaral sa isang beateryo kung saan mga madre ang nagtuturo sakanila ngunit ang mga tinuturo lamang ay kung paano sila maging mabuting asawa katulad ng pag buburda, pag luluto at mga gawaing bahay. May mga simple rin ngunit hindi gaya namin." Sagot niya.

"WHAT?! That's all? A-ang ibig kong sabihin, iyon lang ang tinuturo sa mga babae? Parang hindi naman ata pantay pag ganon." Buti na lang pala ay nasa 21st Century ako napunta dahil hindi ko ma imagine yung sarili ko na nag buburda lang at nagluluto. Like, anong kinalaman ng pagbuburda sa pagiging mabuting asawa? Dapat ba kapag kausap mo ang asawa mo someday sasabihin mo na, 'Honey, gumawa ako ng cross stitch.'

"pero, nagaaral ka din sa panahon mo 'di ba?"

Tumango siya habang naka tingala parin sa TA. Oo nga pala, he came from a family who was really inclined with Medecine. A family of Doctor. "Marcos, hindi pa kita naitatanong kung ilang taon ka na."

"ako ay 22 anyos na. Ikaw Ysabelle?"

"Pareho lang tayo pero kung iisipin, nasa taong 2018 ka na edi, sobra isang daang taon na ang edad mo."

Ngumiti siya ng mapait. I'm not sure if feeling ko lang pero mukhang bothered siya sa sinabi ko.

"Patawad."

Kahit ako, nagulat na lumabas ang salitang iyon sa bibig ko. I'm not the kind of person who would say sorry dahil I've been so skeptical kung deserving ba yung ibang tao sa salitang 'to but now, kusa ko itong nasabi. "Hindi ka dapat humingi sa akin ng tawad, nakakalungkot lang pala isipin na malaki ang pag babago ng ating bansa pag dating ng panahon." I think he miss his home.

Magiilang linggo pa lang siya dito pero I know how it feels like when you miss your home.

"Tara" sabi ko at nagsimulang mag drive. Pumunta kami sa malapit na 7/11 at nag order ako ng Icecream, hinatak ko siya paupo habang takang taka siya kung ano ang inaabot ko sakaniya. "A-Ano ang bagay na ito?" tanong niya. ngumiti lang ako saka nilagay sa kamay niya pero ng maramdaman niyang malamig, binawi niya pabalik ang kamay niya kaya natawa ako.

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now