KABANATA XV (Ang Wakas)

7.4K 314 220
                                    

"ANONG oras ang flight mo mamaya?" tanong sakin ni Ella

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANONG oras ang flight mo mamaya?" tanong sakin ni Ella. Nandito kami sa favorite coffee shop naming dalawa. "Hoy, Ysabelle Arellano Elrosa, bakit ba ilang buwan ka nang tulala, naka shabu ka ba?"

Tinapik ni Ella ang mesa at doon lang ako napatingin sakanya. Kanina pa kase ako tulala sa labas. "H-Ha, ano yun?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Nagtatanong ako kung anong oras ang flight mo mamaya, tulaley ka kaya."

"Ah, 4 yung flight ko mamaya, 10 AM pa lang naman ngayon."

Nagsimula na namang mangilid ang luha niya. Ayan na naman, iiyak na naman siya. Ako yung pupunta ng LA eh, hindi ba dapat ako yung iiyak? "Mamimiss kita! Babaita ka, every vacation doon talaga ako pupunta at guguluhin ko ang araw mo. Padala ka sakin ng pera ha? Sustentuhan mo naman ako for the sake of our friendship!"

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit nagtagal tayo bilang magkaibigan eh maluwag yung turnilyo sa utak mo. Para kang takas sa mental!"

"Duh, brids with the same feather, flocks together kaya 'wag ka nang magtaka pa."

Pareho kaming tumawang dalawa. Wala kaming pakealam kung magmukha man kaming tanga dito sa ibang tao dahil hindi lang kami ang nasa loob ng coffee shop.

"So, diretso ka na sa Airport after this?"

Umiling ako. "May kailangan pa akong daanan bago ako umalis." Sagot ko. kailangan ko kase siyang makita bago ako umalis.

"Tsh! Pero pano ba yan? Hindi na kita mahahatid sa airport dahil alam mo naman, delikado na ako kay sir Aguncillo. 50/50 na yung grado ko, kailangan kong maka graduate!"

"balitaan mo ako kung ililibing ka na ha? Uuwi talaga ako para magkape sa burol mo"

"Ang sama mo talaga sakin, ha!"

"pero seryoso, wala ka bang klase?"

"Klase?" tumingin siya sa wristwatch niya at nanlaki ang singkit niyang mata. "Oh my God! Late na naman ako!" natataranta siyang tumayo at kinuha ang bag niya. "Kailangan ko na talagang umalis, besywaps! Basta ha, tumawag ka pag papunta ka na ng airport! Huhu" lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Mamimiss talaga kita, seryoso!"

"Baliw, kung makapagsalita ka parang hindi na ako babalik! At bibisita ka naman sakin doon, right? Kaya 'wag kang emo diyan"

"Oo na, basta ha! Padala ka ng pera!"

Tinawanan ko na lang siya.

Kumaway siya bago tuluyang lumabas ng Coffee shop at naiwan akong mag-isa.

Napabuntong hininga ako.

Siguro ganito talaga.

Uminom ako sa coffee ko at muling tumingin sa labas.

Hindi na ako makapag hintay dahil makikita ko ulit siya mamaya...

Habang tulala ay nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito para tignan at nakita kong si Anderson pala ang nag text.

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now