KABANATA XI

4.8K 187 23
                                    

ALMIRA? Sino si Almira?

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

ALMIRA? Sino si Almira?

Hinawakan ko sa braso si Marcos para pabalikin siya ng upo. Baka mapansin ng ibang tao at bakit ba ganyan na lang siya makareact ng makita si Essiah? Imposibleng magkakilala sila, hindi ba?

"Marcos, ayos ka lang ba?"

"Hindi nga ako nagkakamali, siya ang nakita ko noong isang araw." Wala sa sariling bulong niya.

Wait, nakita niya noon? Sino ba-yung kamukha ng kasintahan niya ba? Na alala ko na sa mall last time.

Kung ganon, yung kapatid ni Anderson, kamukha ng kasintahan niya sa panahon niya? well, hindi ako sigurado kung kasintahan ba o ano pero base sa reaction ng mukha niya, mukhang importante sakanya ang babae.

Pero bakit ang sakit naman ata?

"G-Gusto mo bang makausap siya mamaya?" doon lang napalingon sakin si Marcos. "Kilala ko yung babae, kalaro ko siya noong bata pa kami. Pwede ko siyang kausapin mamaya na gusto mo siyang makausap."

"Talaga? Salamat Ysabelle!" ang saya-saya ng mukha niya dahil sa sinabi ko habang ako naman, may kung anong sakit na nararamdaman sa dibdib. Bakit ganito?

Nagsimula na yung party, ang unang nangyari ay syempre, kinantahan namin si Anderson ng Happy Birthday, may mga nagbigay ng message para sakanya. May mga babaeng nagconfess ng feelings nila (like, seryoso? Dito talaga?) may mga sumayaw para sakanya. Yung mga tropa at barkada niya, may mga pinakitang video na katarantaduhan nila mula mga bata sila hanggang ngayong nasa college na.

But pagdating ng sayawan, wala na talaga akong gana. Niyaya ako ni Ella na sumayaw kasama siya at maghahanap daw kami ng partner pero umayaw ako. May mga ilang babae naman na nagpapapansin kay Marcos pero kanina pa siya panay nakaw ng tingin kay Essiah.

Tumayo para kumuha ng wine sa table kung saan ito nakalagay pero hindi pa nga ako nakakalapit, may nakakasilaw na ilaw ang biglang nakatutok sa akin. Muntik akong mapamura kung hindi lang nagsalita ang lalakeng nasa stage at may hawak ng mic.

"And tonight, while everyone's busy dancing-" tumingin siya kay Ella na ngayon ay kumakain. Nakakahiya talaga, kung di ko lang siya mahal bilang kaibigan, matagal ko na binatukan at sinakal 'yan. "and eating... Ysabelle, the girlfriend of our birthday-boy will sing a song for him."

GIRLFRIEND?!

Magrereact sana ako para sabihin na 'Ex-Girlfriend' ako pero nagpalakpakan ang mga tao. Umupo na din yung mga sumasayaw at lahat sila nakatingin sakin maging si Anderson.

Binigyan ko ng anong-pinagsasabi-ng-lalakeng-yan-look si Anderson pero sinagot niya ako ng 'hindi-ko-alam-look'

Nakatingin din ngayon sakin si Marcos. Hindi ko alam kung nakakaintindi ba siya ng wikang ingles since 1894 ay panahon pa ng mga kastila at espanyol ang wikang kadalasan nilang ginagamit maliban sa tagalog, right?

LUHA (MBS #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin