KABANATA XII

5.6K 222 143
                                    

KUNG may pinagsisihan man ako, iyon ay ang hinayaan kong mabasa ako ng ulan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KUNG may pinagsisihan man ako, iyon ay ang hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Sipon tuloy at lagnat ang nakuha ko. Kanina pa ako bahing ng bahing! Kainis naman eh, tumatalsik yung laway at sipon ko, kadiri ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabelle?" tanong ni Marcos habang nilalagyan ako ng bimpo sa noo. Pang ilang beses na tanong niya na ito sakin ngayong araw.

Siya yung nagaalaga sakin kase hindi ko na kayang tumayo. "Bakit ka ba natulog na basang basa? Nilagnat ka tuloy. Sana noong ikay maka uwi ay nagpalit ka na agad ng damit."

'Parang nanay ko lang?'

No, wait, let me rephrase it.

'Parang asawa KO lang?'

Tae, ang assuming ko din, kaya palaging sa huli nadi-disappoint ako eh.

"Pasensya na nga po, eh kase hinintay kaya kita. Bigla ka na lang nawala."

Nagflashback sakin yung nangyari kagabi at kaninang umaga.

"Wag mo nang ulitin 'yon ha! Wag mo na akong takutin ulit." Sabi ko sakanya pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi na dahil sa iyak ko but dahil ang sama ng pakiramdam ko, ang sakit ng ulo ko at hindi ko matignan si Marcos ng diretso.

Parang hihimatayin ako. Ang bigat din ng ulo ko.

Hindi ko kinaya kaya muntik nang tumama ang ulo ko sa sahig kung hindi lang ito nasalo niy Marcos at sinandal niya sa dibdib niya.

"Ysabelle, mainit ka! Mataas ang iyong lagnat!"

Hindi ako sumagot. Tumango lang ako pero parang lumilindol, gumagalaw yung paligid ko at nagiging dalawa ang vision ko.

Naramdaman ko na lang na umangat ako sa malamig na sahig. Binuhat niya ako papunta sa kwarto ko. Nilagay niya ako sa kama at umupo siya sa tabi ko para hipuin ang noo ko. "Talagang mataas ang iyong lagnat, basa rin ang iyong damit. Makakaya mo bang magpalit?"

Sasagot sana ako ng hindi pero iling lang ang nakaya ko. Bigla siyang tumayo at umalis sa tabi ko ng habulin ko yung kamay niya para hinawakan. Bigla akong natakot. Baka hindi na siya bumalik ulit. "S-Saan ka... pupun..ta?"

"Kukuha ako ng damit mo, Binibini. Hindi maaring matulog kang basa ang iyong damit. Baka mas lalong lumala ang iyong lagnat."

"Babalik ka?"

"Hindi ako aalis." Sagot niya. doon lang napanatag ang loob ko. tumango ako saka siya binitawan.

Alam kong sa sarili ko na isang araw, kailangan niya na nga talagang bumalik sa panahon niya at wala akong karapatan na pigilan siya. Pero natatakot ako. Basta natatakot ako.

Noong bumalik siya, hawak niya na ang damit ko at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para i-angat ako at isandal sa headboard ng kama. Muli niyang inabot yung ulo ko para isandal sa dibdib niya at inabot yung zipper sa likod ng suot ko.

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now