KABANATA VII

6.2K 200 47
                                    

BUTI na lang, wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang mga prof namin kaya hindi ko kailangan pumunta ng school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BUTI na lang, wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang mga prof namin kaya hindi ko kailangan pumunta ng school. But since malapit na ang Birthday ni Anderson, naiisipan kong kailangan namin lumabas ni Marcos para bumili ng susuotin niya kaya lang ngayon, parang nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba yung balak ko.

Lumapit ako sa kwarto ni Marcos at binuksan yung pinto, sasabihin ko sakanya na aalis ulit kaming dalawa pero halos mawalan ng lakas yung tuhod ko dahil pagkabukas na pagkabukas ng pinto, naka towel lang siya at half naked.

Pag lingon niya sakin, nagulantang din siguro siya kaya hindi nakagalaw. "P-pandesal-I mean, pasensya na!" natatarantang sabi ko sabay sara ng pinto. Napasandal ako sa gilid habang hawak-hawak ang dibdib ko. Por Dios, madalas naman akong makakita ng upper body ng lalake kahit sa mga magazines pero bakit ngayon kung mabigla ako parang first time ko lang makakita.

Napa upo tuloy ako sa sahig. "Wooh, Ysabelle kalma lang... kalma" napapikit ako at nag inhale-exhale. Ng maayos na ako at dinilat ulit ang mga mata ko, tumingala ako at..."aaaaahh!-mpf" tinakpan ko yung bibig ko dahil si Marcos nasa pinto na, naka bihis at nakayukong nakatingin sa akin.

Por Dios, maawa po kayo sa puso ko. Aatakihin ata ako! "Ayos ka lang ba binibini?" tanong niya at saka binigay ang kamay para tulungan akong tumayo. Hindi ko ito inabot at tumayo ako ng mag-isa. "Ayos lang ako, hehe" sagot ko pero mainit yung mukha ko.

"Namumula ka, may sakit ka ba?" tanong niya at hinipo ang noo ko. parang may kuryenteng dumaloy at napa atras ako. OMG, anong nangyayari sa akin? "Wala ka namang lagnat" parang walang nangyaring sabi niya.

Walang hiyang 'to?! Akala ko ba conservative ang mga tao sa panahon niya? eh bakit parang wala lang sakanya na makita ko siya naka tuwalya lang? kainis! "Nagugutom ka ba? Narinig ko kaseng binanggit mo ang pandesal."

"Ha? Ah-eh, Oo gusto ko ng pandesal, nagugutom kase ako. Mga anim siguro" mahabaging langit, anim kase yung nakita ko-Ano ba Ysabelle! Maghunos dili ka nga! "S-sige, pupunta lang akong kusina at maghahanap ng pandesal mo-ay este pandesal ko pala."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Kumaripas ako ng takbo papuntang kusina at kumuha ng tubig at uminom. Lagot na talaga ako sa nanay ko, akala pa naman niya nagpapakabait ako dito.

Narinig ko yung mga yabag ng paa ni Marcos. Sumunod ata siya sakin sa kusina. Nagtinginan lang kami ng ilang minuto bago ako nagsalita, kailangan kong magsorry kase hindi man lang ako kumatok. Nasanay kase akong nakakagalaw ng malaya dito sa unit ko. "P-Pasensya ka na pala, dapat kumatok muna ako."

"Ayos lang iyon. Alam ko namang nagustuhan mo yung nakita mo" naka ngisi niyang sabi saka kumuha din ng baso para uminom ng tubig.

Aba't talaga lang ang lalakeng 'to ha! Mahangin! "Hoy, ang kapal ng mukha mo. Tumigil ka nga, nagulat lang ako kanina at isa pa, sasabihin ko kase sana na aalis tayong dalawa."

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now