KABANATA XIV

5.7K 200 75
                                    

KINABUKASAN maaga kaming nag-ayos na dalawa dahil maaga din yung pinili kong oras ng Flight namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINABUKASAN maaga kaming nag-ayos na dalawa dahil maaga din yung pinili kong oras ng Flight namin. Dahil mageeroplano kami, it will only take 30 minutes or so bago makarating sa bayan ng Buklod. It will be a first time for Marcos na sumakay ng eroplano dahil sa panahon daw niya, barko yung sinasakyan nila kung pupunta sila sa ibang bansa o ibang lugar.

Dati it will take 2 days or or 3 ang byahe papuntang Buklod. Na amazed pa nga siya dahil mas madali na daw ang byahe sa panahon ngayon.

Habang nasa eroplano kami, wala namang naging problema. Sa katunayan, nakatulog pa kaming dalawa.

Parang ayoko nang lumapag yung eroplano. Habang palapit kami sa buklod, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Pag lapag at paglabas namin ng airport, pinagmasdan niya yung buong paligid, hindi ko alam kung masaya ba o disappointed yung pakiramdam niya sa nakikita.

Siguro kapag ako ang nasa posisyon niya, hindi ko din alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Ganito pala ang magiging itsura ng Bayang ito pagkalipas ng isang siglo." Halos pabulong niyang sabi.

Actually, maganda ang buong paligid pero first time ko dito sa bayan niya at hindi ko naman nakita kung ano ang itsura nito noon kaya hindi na ako nagsalita.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ang google map. Na alala ko kaseng nabanggit niya dati ang Mansion de Maria kaya hinanap ko at ang sabi ni Mr. Google, mula sa Airport it will be an almost 30 minutes ride at mas mabilis kung magtataxi kami.

"Sa Antigua Mansion de Maria ba tayo dideretso?" tanong ko.

"Hindi, nais ko munang pumunta sa aming bahay, sa hacienda Lacson"

"sige" nakapag research na din ako tungkol sa family background niya (Oh 'di ba? Stalker lang ang peg ko) at kung saan ang hacienda nila since it was also mentioned on our student handbook.

Ayon sa research ko, ang pamilya Lacson ay isa sa pinaka mayamang pamilya dito noon sa bayan ng Buklod, they own most of the asukareras here kagaya ng Pamilya ng mga Braga. Malaki ang hacienda at mga lupain ng mga Lacson kaya kilala sila dito. hindi na din ako magtataka kung bakit maraming streets dito na nakapangalan sa apelyidong Lacson.

Ang bayang ito din ay may sariling Republica noon during Spanish revolution war at nanalo ang mga Pilipino. The first ever president for this Island region was a Lacson.

Grabe pala talaga ang family history niya.

Kaya lang hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya na marami nang nagbago ngayon at ang hacienda nila, hindi na kagaya ng dati. Ang Mansion nila ay nakatayo parin but isang Ancestral house na lang ito na pagmamayari ng Gobyerno.

Naging heritage na ito dahil naging parte ang bahay ng rebulusyon noon.

Sa tingin ko ay hindi pa 'yon alam ni Marcos dahil 1898 pa matatapos ang pananakop ng mga kastila dito at galing siya ng 1894. May apat na taon pansilang hihintayin.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon