KABANATA IV

7.2K 230 44
                                    

"SAANG LUGAR ULIT?" nakatutok ang buong atensyon ko sa laptop habang naka dapa sa kama ko at nasa sahig naman si Marcos at nakatingin din sa ginagawa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SAANG LUGAR ULIT?" nakatutok ang buong atensyon ko sa laptop habang naka dapa sa kama ko at nasa sahig naman si Marcos at nakatingin din sa ginagawa ko. Kanina pinaliwanag ko sa kaniya kung ano yung laptop at nakakagulat raw yung mga naiimbento ng mga tao ngayon.

"Buklod, bayan ng Buklod."

Oo, Buklod pala yung pangalan. Na search ko na 'to noong nakaraan pero nakalimutan ko. At ayon dito sa nahanap ko, it's somewhere in Visayas. I shouldn't be surprise dahil ang sabi niya, galing siya sa panahong 1896, then probably nasa Visayas pa sila bago siya napunta sa panahong 'to at dapat din tinignan ko na lang sa handbook kase may nakalagay naman don pero tinatamad lang talaga ako. Grabe, ang productive ng buhay ko.

Maraming lumabas na picture at pinakita ko sakaniya pero naka tingin lang siya rito, tinanong ko din kung may mga lugar bang pamliyar sa kaniya, hindi naman sumasagot. Siguro kase, paano niya naman makikilala ang mga lugar eh hindi na ito kagaya noon, marami ng nagbago pagkatapos ng maraming taon. Napa buntong hininga tuloy ako at sinara yung laptop. "Mahirap siguro no?"

Tumingin siya sa akin.

"Ang alin, Ysabelle?"

"Na mawalay sa pamilya mo, sa mundo kung saan ka dapat, sa nakasanayan mo. Alam ko kase yung pakiramdam na bigla ka na lang ilalagay sa lugar na lahat bago sa'yo" Dati hindi ako sa Thelmer nag aaral. Ng nag highschool na ako, bigla na lang ako nilipat ni mama ng eskwelahan at parang na culture shock ata ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung kanino ako sasama pero wala namang gustong makipag usap sa akin.

Hindi siya umimik. Napa ngiti na lang ako pero bago pa ako tumayo para kumuha ng tubig, biglang nag vibrate yung phone ko at pareho kaming dalawa na nagulat. Sino ba namang may matinong utak na tatawag sa akin ng alas-dyes ng gabi?

Kinuha ko ang phone para tignan kung sino.

Anderson Calling...

Ano naman ang kailangan niya at tumawag siya ngayon? Nakaka bigla, akala mo naman nasa bingit siya ng kamatayan—"Sht!"

Agad kong sinagot ang tawag niya. "Anderson, why did you call, are you okay? Did something—" hindi ko na natuloy yung mga sinasabi ko dahil narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Napa pikit ako. Ang tanga ko talaga.

"By the shound of your voysh, you're very consherned."

"And by the sound of your voice, you are drunk. What do you want?" I couldn't hear any music on the background, then he's not in a bar.

"I miss you..." biglang pumitik yung puso ko dahil sa sinabi niya. nangingilid yung luha ko pero I'm trying to stop it from falling. Alam niya ba kung gaano ko hiniling na marinig sakanyang namimiss niya ako?

"I-I miss you too" halos ibulong ko yung sagot ko. "Where are you?"

"Sa park... kung saan tayo unang nag kita." Sagot niya and then he hang up. Tumayo ako agad at kinuha ang jacket ko. Sinusundan lang ako ng tingin ni Marcos.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon