KABANATA X

5.7K 199 162
                                    

"ANONG HINDI KA PUPUNTA?!" Kulang na lang talaga, mawasak yung eardrum ko kay Ella at liparin ang kaluluwa ko dahil sa pagsigaw niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANONG HINDI KA PUPUNTA?!" Kulang na lang talaga, mawasak yung eardrum ko kay Ella at liparin ang kaluluwa ko dahil sa pagsigaw niya. Naguusap kami ngayon sa phone at tinatanong kung pupunta ba ako sa party ni Anderson mamayang gabi. It will start at 9 PM. Pero dahil sa usapan namin last time, bakit pa ako pupunta?

"Kalma, napagisip-isip ko kase..." tinignan ko muna si Marcos na ngayon ay naka upo sa couch, tutok na tutok sa TV kase nanunuod siya ng palabas. "hindi ko na itutuloy ang plano ko. Wala din namang silbi eh, at saka hindi worth it si Anderson."

"HINDI AKO PAPAYAG! Wag mo akong ma ganyan-ganyan, wala kang isip! Dalawa lang kase choice mo eh, pupunta ka o kakaladkarin kita mula diyan sa unit mo para pumunta ka"

Baliw din talaga 'to, Ang sama sakin! Akala ko ba ayaw niya noong una na maghihiganti ako kay Anderson, eh bakit ngayon siya na yung tumutulak sakin? Mas malaki pa galit niya sa tao ke'sa sakin. "Hayaan mo na yun, wala na akong gana... mas mabuti pang itulog ko na lang. Hindi ako mag eenjoy don!"

Ang sabi sakin ni Ella, simple lang daw ang party dahil kasabay ng Birthday ni Anderson ay yung despedida party para sa kapatid niya bago bumalik ng korea. Noong bata ako, I used to play with her sister kahit matanda ako sakanya ng 2 years. Nasa iisang school kase kami noong elementary but as far as I know, noong naghiwalay na ang parents nila, sumama si Essiah sa papa nila papuntang Korea.

Hindi ko na siya nakita mula noon. We're not really that close but we know each other. Hindi ko pa non kilala ang kuya niya at nagulat ako ng malaman kong magkapatid pala sila. Nalaman ko din kay Anderson na nagbakasyon pala ang sister niya dito for a few months.

"Ah basta, pumunta ka!"

"Titignan ko, kapag hindi ako inantok mamaya, pupunta ako"

"Baliw, baka aakalain ng lalakeng 'yon bitter ka sakanya! GGSS na naman yon!"

"Sige na Ellaaaa~ babye!" I ended the call. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng popcorn at juice bago bumalik sa sala at umupo sa carpet malapit kay Marcos. Inabot ko sakanya ang juice pero ni hindi niya ako napansin dahil yung buong atensyon niya nasa TV.

Tumingala ako sa TV kase nakanganga talaga siya.

What the!-"Hoy, ano 'tong pinapanood mo?!" bulyaw ko at doon lang niya napansin na kinakausap ko pala siya. Walang hiyang 'to, kaya naman pala tulala kase Victoria's secret fashion show yung pinapanood. Kinuha ko yung remote at pinalitan ng cartoons na Adventure Time.

"Bakit ganoon ang mga babae sa palabas na iyon, Ysabelle?" curious na tanong niya at namumula pa yung tenga. Aba't! gusto ko siyang batuhin ng unan o yung popcorn.

"Bakit? Nagagandahan ka sakanila?" medyo may bakas ng pagkairita yung boses ko. Napa hawak naman siya sa noo niya sabay iling.

"Mahabaging Langit, huwag kang magsusuot ng ganiyan Ysabelle. Ang nararapat sa isang babae ay mapanatili ang kanilang pagkamahinhin at respeto sa sarili."

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now