KABANATA V

6.4K 208 76
                                    

KASALUKUYAN akong nanunuod ng GOYO: Ang Batang Heneral

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

KASALUKUYAN akong nanunuod ng GOYO: Ang Batang Heneral. Naka upo ako sa couch habang si Marcos, nasa carpet. Pareho kaming tutok na tutok sa pinapanood pero siya yung mukha niya may halong pagtataka. Panay yung nakaw ng tingin ko sakanya. Ang lakas kase maka influence sakin ni Marcos tungkol sa History ng Pilipinas kaya eto, nag marathon kaming dalawa. Parang wala lang akong klase bukas ng umaga.

Kailangan ko din burahin yung stress ko tungkol kay Anderson and luckily, dahil kasama ko ang kumag na 'to, nada-divert ang isip ko. Ang dami kase niyang kwento tapos ang kulit pa. Siguro kung nagkakilala na kami noon pa sa panahon niya, baka magkaibigan kami. "Hoy, Bakit naman ganyan ang mukha mo?"

"Ysabelle, paano nila nailagay sa munting kahon na ito ang kasaysayan ng sinaunang panahon?"

Napasapo ako sa noo ko. Tinatawag niyang munting kahon ang Laptop ko. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o hahampasin ko siya ng basong hawak ko. "Syempre dahil sa mga taong may kaalaman tungkol sa kasaysayan... sinusulat nila ang buhay ng mga tao noon at para magkaroon ang mga taong gaya namin na nandito sa modernong panahon." Sabi ko sakanya. Shems, I'm so proud with me speaking Tagalog straight!

Tinuro ko yung pinapanood namin. "Ang tawag diyan, pelikula. Sa Ingles, Movie. Tungkol sa kasaysayan ng buhay ni Gregorio Del Pilar ang pelikula, naging bayani kase siya ng bansa natin dahil naging laban sa Pasong Tirad kung saan pinangunahan niya ang animnapung pilipinong sundalo laban sa tatlongdaang amerikano. Ang galing niya no?"

"Ganoon ba?" mukha parin siyang confused. "Mayroon din bang pelikula tungkol sa buhay ko?"

Pigilan niyo ako, sisipain ko to. Gusto kong sabihin na Bakit, naging bayani ka ba? Pero 'wag na lang. "Walang pelikula tungkol sa'yo pero... maraming kilala ka."

Nanlaki yung mga mata niya. "Talaga?"

"Oo, sasusunod ipapakita ko sa'yo" Maybe I could bring him sa Thelmer's Museum. Ang taray naman kase ng school namin maypa museum pa! naroon kase yung mga artifacts ng Lacson family, yung mga lumang gamit kung paano naitayo ang school. Basta, minsan na kase akong pinalinis doon bilang parusa ng na detention ako.

"Sige...salamat Ysabelle" ngumiti siya. Habang naka tingin ako sakanya, doon ko lang napansin na gwapo pala talaga siya no? mahaba yung pilikmata, brown yung mga mata, well formed yung jawline, maganda yung katawan at parang artistahin fresh from the year 1894.

Hindi ko namalayang matagal pala akong nakatitig sakanya. "Ysabelle, bakit nakatingin ka sa akin ng ganiyan? Ikaw ba ay maypaghanga na rin sa akin?"

Sumemplang ako pabalik sa reality dahil sinabi niya. Ang hangin din pala ng damuhong 'to! Ang taas ng confidence sa katawan! Mukhang totoo nga yung rumors na babaero at matinik sa mga babae ang lalakeng to sa kapanahunan niya.

Binato ko siya ng unan na sinasandalan ng likod ko pero kagaya ng inaasahan, magaling siya pagdating sa pagilag. "Huwag kang feelingero ha! Mahangin ka din eh!" pero tawa lang siya ng tawa.

LUHA (MBS #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora