KABANATA IX

5.7K 192 23
                                    

"Dahil nakatingin siya sa mga mata mo habang kausap ka, mukhang interesado siya sa'yo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dahil nakatingin siya sa mga mata mo habang kausap ka, mukhang interesado siya sa'yo. Gusto ka niya."

Hanggang ngayon, hindi parn ako pinapatulog ng sinabi sa akin ni Marcos. Paano niya nasabing may gusto sa akin si Anderson eh sinabi nga non nga ang tanga ko para mahulog sakanya.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko at hindi na nakakatulong yung pagbibilang ko ng Tupa. I even sang the lupang hinirang and recite the panatang makabayan pero wala, dilat na dilat parin ang mga mata ko. Si Marcos kase eh!

Tumayo ako at binuksan ang ilaw ng lamp sa side table ko at ang una kong nakita ay ang digital clock ko na hanggang ngayon natigil parin sa 11:11. Mukhang kailangan ko na bumili ng bago, nasira ko ata dahil palagi kong pinapalo at binabato. 

Lumabas ako ng kwarto dala ang phone ko at napatingin sa pinto ng kwarto ni Marcos. 'Gising pa kaya siya?' siguro humihilik na at tulog mantika dahil sa pinagawa sakanya ni Ella kanina. Sa tuwing maaalala ko yung mukha niya kanina habang nakasandal sa kotse at naka sunglasses, parang gusto ko na lang hilingin na normal na tao siya kagaya ko.

Well, tao din naman siya pero hindi mula sa panahon ko.

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng gatas para magtimpla ng nagvibrate ang phone ko. kinuha ko ito sa bulsa ko para tignan kung anong meron at nakita kong reminder lang pala sa nalalapit na birthday ni Anderson.

Umupo ako sa stool at pumunta sa gallery ko. Ang mga picture na sumalubong sa akin ay ang kuha naming dalawa ni Anderson ilang buwan na ang nakalipas. Ang bilis pala talaga ng oras no?

May picture kami ng pumunta kaming dalawa sa bohol, hindi ko nga alam that time kung bakit bigla na lang siyang nagyaya na umalis. Ako namang si tanga, sumama agad. May picture din kami noong kapartner ko siya sa isang minor subject ko at ilang mga picture pa na naging masaya ako kasama siya.

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon, hindi ko parin 'to binubura.

It was just a 4 months relationship but it feels like years for me. Sabi nga ni Hazel Grace kay Agustus Waters sa Novel ni Jhon Green na The Fault in our Stars, "But, Gus, my love, I cannot tell you how thankful I am for our little infinity. I wouldn't trade it for the world. You gave me a forever within the numbered days, and I am grateful"

Siguro kami ni Anderson, parang The Fault in our Stars din ang kwento, maybe we're not meant to be together in the end. We met at the start, fell in the middle but we have to separate by the end of the story.

Tulala akong nakatingin sa litrato naming dalawa at natauhan lang nang narinig ko ang boses ni Marcos na tinatawag ang pangalan ko.

"Binibini, Bakit gising ka pa?"

Napatingin ako sa pinto ng kitchen at nakatayo doon si Marcos.

Ngumiti ako sakanya bago tinaas ang basong hawak ko na may lamang gatas. "Hindi ako makatulog kaya uminom ako ng gatas. Gusto mo?"

LUHA (MBS #2)Where stories live. Discover now