CELL 2: Kinda Weird

245 7 0
                                    

SIONREEX'S POV.

Nobody gonna love me better
I must stick with you forever
Nobody gonna take me higher
I must stick with you,

You know how to appreciate me
I must stick with you, my baby
Nobody ever made me feel this way
I must stick with you...

"WOHOOOOO! ANG GALEEENG!"

"BABYYYYYY VREEEEL!"

"SHONRIIIII AAAHHHHH!"

Hanggang sa matapos  ako sa pag-kanta ay hindi ko maialis ang tingin ko sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin. Kakaiba, dahil s'ya lang ang hindi nakangiti at tumitili habang kumakanta ako.

"Wala ka talagang kupas boy!" papuri ng kaibigan kong si Tres,  ngumisi nalang ako tsaka isinandal ang gitara sa gilid ko.

"Kanina ko pa napapansin 'yang babaeng 'yan," biglang sambit ni Luiwen, isa rin sa mga kaibigan ko.

"Babae?" maang-maangan kong tanong.

"Alam kong kanina ka pa nakatingin sa babaeng 'yon," inginuso niya ang babae, "Huwag kang mag-alala, kahit ako eh naw-weirdohan sa kaniya," dagdag niya.

"S'ya lang yata ang hindi tinamaan sayo erp! Hahahaha akala ko ba namamagnet mo lahat ng chicks?" pangaasar ni Ishvar, napailing nalang ako.

Apat kaming magkakaibigan simula 1st year highschool hanggang 4th year college. Dati palang ay hindi na kami mapaghiwalay, parati kaming magkakasama sa iisang section. Aminado akong sikat kami sa academy na 'to, halos lahat ay kinaiinggitan at tinitilian kami. Kamalas-malasang kakaiba talaga ang babaeng to.

"Kasasabi mo lang, chicks lang ang minamagnet ko kaya hindi ko talaga mamamagnet 'yan," sagot ko tsaka naupo sa bench, "Mukha bang chick 'yan?" natatawa kong tanong.

"Sabagay hahahaha," tawanan nila, napangisi nalang rin ako ngunit hindi ko maipagkakailang nabubwiset ako sa inaasta ng babaeng 'to, para bang hindi man lang s'ya na-impress sa ginawa kong pagkanta.

"Hi Vrel! Excuse me, excuse me!" bigla ay umalingawngaw na naman ang nakakairitang boses na 'yon.

"Nand'yan na naman yung jowa mo Vrel," mapang-asar na bulong ni Tres.

Sinamaan ko lang s'ya ng tingin kaya nagpipigil ng tawa s'yang nagtikom ng bibig.

"What, Leira?" seryoso kong tanong,

"Hinahanap ka ng School Principal, go to his office daw, asap."

"Bakit daw?"

"I don't know."

Inis akong nagiwas ng tingin tsaka kinuha ang mga gamit ko. Hindi lilipas ang isang linggo nang hindi ako pinatatawag ng Principal sa office n'ya. Sa paulit-ulit kong pakikipag-usap sa kan'ya ay iisa lang ang pinaguusapan namin, ang tungkol sa demonic spade symbol.

"Wait, nag lunch ka na ba? kumain ka muna," pigil sa akin ni Leira,

Leira Phy Hidalry, s'ya ang tinaguriang campus Queen. Ang totoo ay s'ya lang rin mismo ang nagbansag non sa sarili n'ya. Anak s'ya ng isa sa mga master teachers dito kaya respetado. Simula't sa pul ay parati s'yang nakasunod sa akin, kung pupwede n'ya lang i-rugby ang sarili sa akin ay ginawa n'ya na siguro. Mabuti nalang at may girlfriend ako, hindi s'ya maka-kapit sakin ng husto.

Hindi naman maipagka-kaila na she's hot, gorgeous and ideal, physically. Sakto ang height, sakto ang kulay ng balat, wavy hair, at ang mala disyerto n'yang mga mata. Pero pagdating sa ugali at personality ay patapon, masyadong plastic ang pakikitungo n'ya sa lahat, nagbabait-baitan sa harap ng mga freshmen at iba pang students para mas lalo s'yang hangaan.

I AM MY DEMONNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ