CELL 27: Dark Apocalypse

123 2 0
                                    

VREL'S POV.

Agad na kaming sumugod. Sinalubong ako ng limang soldado. Agad ko naman silang pinatikim ng saksak at dagok dahilan para matumba sila. Tsaka ko muling sinugod ang ilan pa sa mga soldado at hiniwa ang mga ito sa dibdib. Tanaw ko sila Myozi at Harry na talaga ngang mahusay sa pakikipag-laban. Agad kong pinatumba ang sino mang humarang sa daan ko. Napakarami ng mga ito upang maubos ng ganoon kabilis. Sobrang dami at bilis ng pagatake ng mga soldado sa akin. Nagpapasalamat akong agad ko iyong nasasalag dahilan para sila ang mapatay ko.

Tinalunan ko ang isa sa mga soldado upang masipa ko ang isa tsaka ko ito sinaksak sa likod. Nang may muling magtangkang sumaksak sa akin at sa leeg ko ito pinuntirya. Nakaramdam ako ng awa nang makita kong nakatumba na ang karamihan sa mga taong preso sa kweba. Muli nalang akong lumingon sa mga soldado upag muli silang harapin at patayin. Mas tumindi ang galit ko sa lahat ng madadaanan ko. Halos makapatay ako ng limang soldado sa iisang hampas lang ng espada.

"Vrel!" sigaw ni Myozu habang nakatingin sa likod ko.

Agad ko iyong nilingon at agad ko ring nasaksak ang soldado na nagtangkang saksakin ako. Muli akong bumanda sa isa sa mga soldado tsaka tinadyakan sa mukha ang isa at nang makalapag mula sa ere ay sinaksak ko naman ang isa sa likod. Nakaramdam ako ng hingal ngunit pilit ko iyong winaglit. Hindi ako pwedeng mapagod. Kailangan kong kayanin lahat.

MYOZI'S POV.

Hindi na halos maubos ang mga soldado na kanina pa namin nilulupig. Halos magkulay itim na ang espada ko sa dami ng natatamaan nito. Si Harry ay tanaw kong seryoso at mahusay na nilalabanan ang karamihan sa mga soldado. Agad ko namang iwinasiwas ang espada upang itarak sa katawan ng isa sa mga soldado na nagtangkang sumaksak sa isa sa mga preso ng kuweba na kapanalig namin. Nagpasalamat ang lalaki sa akin at ngiti ang iginawad ko.

Muli akong lumaban sa ilan pang mga soldado. Agad kong sinaksak ang sino mang humarang sa dinadaanan ko. Sipa, tadyak at suntok ang natatanggap ng mga humaharang sa akin. Sinaksak ko sa tiyan ang isa sa kanila na muntik akong hatiin sa dalawa. Tinadyakan ko naman ang isa sa tiyan tsaka ito tinulak. Nang may sumugod ulit sa akin ay agad ko itong tinalunan at sinaksak sa likod. Siniko ko naman sa mukha ang isa taka siniko ito sa likod bago saksakin paitaas mula sa tiyan. Sinugod ko ang iba pa tsaka walang awang ginawaran sila ng saksak sa likod, tagiliran, dibib at tiyan.

"Harry!" sigaw ko kay Harry ng mahiwa s'ya sa hita ng isa.

Ngunit hindi agad ako nakalapit sa kan'ya nang muntik akong mahagip ng espada ng isa sa mga pesteng black people. Agad ko itong sinaksak at nang hindi makuntento ay hiniwa ko pa sa leeg. Ganoon rin ang ginawa ko sa iba pang nakakasalubong ko.

HARRY'S POV.

Natapos ang laban kontra sa mga soldado ay nakaramdam ako ng sobrang pagod. Lumapit sa akin si Myozi upang tingnan ang sugat ko. Hindi ko iyon ininda at tumayo ng tuwid bagaman mahapdi iyon sa pakiramdam.

Nakaharap namin ang apat na pekeng itinalaga, ang matanda at dalawang lalaki. Nang akalain naming sila nalang ang makakaharap namin ay ngumisi ang matandang kamukha ni Lolo, tsaka dahan-dahang lumabas ang mga nagtatakbuhang soldado. Doble sa bilang ng nakalaban namin kanina. Ayaw kong maramdaman ito ngunit pinanghinaan ako ng loob.

"Maya't-maya ba silang nanganganak kaya hindi sila maubos-ubos?" may bahid ng pagod na tanong ni Myozi, ngunit pinilit magbiro.

Huminga ako ng malalim tsaka muling sumugod. Dala ang galit at kagustohang mailigtas ang mundo ay sumugod kami bagaman alanganin. Nasa iilan nalang kung titingnan ang mga kasapi namin, ngunit ang nasa panig ng dilim ay daan-daan pa ang bilang. Hindi ako nagpadala sa takot at agad na sumugod. Maya't-maya ang paghampas ko ng espada, maging ang pagbaon nito sa katawan ng sino mang kakalaban sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsugod at pag-ubos ng lahat ng nakaharang sa daan. Labis na ang galit na nararamdaman ko.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now