CELL 3: He Met Her Again

191 5 0
                                    

SIONREEX VREL'S POV.

"Oh ano dawng sabi ng Tito mo?" salubong sa akin ni Tres sa Cafeteria, napabuntong-hininga lang ako.

Hindi na ako umimik, napuno na ng isiping 'yon ang utak ko. Kung bakit wala akong maintindihan ay hindi ko alam, o sadyang ayaw ko lang intindihin. Mayroon sa sinasabi n'ya ang pinaniniwalaan ko, ngunit may parte sa akin na ayaw iyong paniwalaan.

Tumayo ako para mag-order ng pagkain. Hindi pa sila umo-order dahil wala pa ako, kaya agad silang nagsi-sunoran. Ngunit bago pa man ako makarating sa counter ay may kung sino na ang bumato sa akin ng kinusot na papel, malakas ang pagkakabato no'n na tila may bato pa yatang naka-kubli sa loob ng papel. Inis akong napalingon sa pinagmulan no'n, sa dami ng estudyanteng nakaupo sa mga table doon ay sa isang babae napako ang mga tingin ko, nagsusulat ito sa notebook n'ya, seryoso at kunot-noo. Ibang-iba ang ugali ko lalo na't ganitong malalim ang iniiisip ko. S'ya ang babaeng hindi tumitili noong nagperform kami.

Agad akong lumapit sa babaeng 'yon, napaka weird, hindi man lang sinalubong ang presensya ko, samantalang ang halos lahat ng babae sa canteen ay nakatingin sa akin.

"Bakit mo ako binato ng papel?" kalmado kong tanong, ngunit mahihimigan ang inis sa pananalita ko.

Nag-angat lang s'ya ng tingin sa akin tsaka muling nagtuloy sa pagsusulat. Damn she's unbelievable!

"Bakit... mo... ako... binato... ng papel?" mas lalo akong nainis, ngunit muli lang s'yang tumingin sa akin.

Walang kahit na anong salita s'yang tumayo at iniligpit ang gamit tsaka ipinasok iyon sa bag n'ya. Naglakad s'ya paalis ng table pero hindi ako ang tipo ng tao na palalampasin ang ginawa n'ya, nilapitan ko s'ya at hinawakan sa braso.

"Vrel!" tawag sa akin ng mga kasama ko pero hindi ako nakinig.

"Sa lahat ng babae dito, ikaw lang ang may lakas ng loob na talikuran ako habang kinakausap pa kita, tomboy ka ba!?" singhal ko, ngunit ang kaninang malamyang tingin n'ya ay unti-unting sumama.

"Bro, kumain nalang tayo, tara na." ani Luiwen, pero wala ni isa sa tainga ko ang gustong makinig sa kanila.

Doon ko napansin na anaagaw na namin ang atensyon ng lahat ng naroon. Pero hindi ko iyon alintana lalo pa't ang babaeng 'to lang ang may kayang gumawa sa akin nito!

"Gusto mo ba ng gulo?" inis na tanong ko, nanatili lang matalim ang tingin n'ya sa akin tsaka binawi ang braso n'ya. "Okay fine, gulo ang gusto mo? pagbibigyan kita."

"Vrel, tama na 'yan." awat sa akin ni Tres.

"Hindi bro eh, masyadong matapang 'to eh, ano bang ipinagmamalaki mo!?" patagal ng patagal ay mas tumitindi ang inis ko dahil hindi s'ya sumasagot. "Magsalita ka!" umalingawngaw ang sigaw ko sa buong canteen.

Pero hindi parin s'ya natinag. At hindi ako papayag nang ako lang ang na-agrabyado dito. Kinuha ko ang soda sa table ng kung sino tsaka iyon binuhos sa kan'ya. Kita ko pa s'yang mapa-pikit dahil siguro sa lamig no'n, tsaka n'ya tinitigan ang suot na damit na ngayon ay basa na. Patuloy ako sa pagbuhos ng soda, may katamtamang butas iyon sa takip kaya unti-unting bumubuhos ang laman. Bumuntong-hininga lang s'ya tsaka n'ya tinabig ang hawak kong soda can. Sa lakas ng pagkakatabig n'ya ay nabitawan ko 'yon.

"Ang weird talaga n'ya."

"Wala bang dila 'yan? hindi nagsasalita."

"Ang creepy n'ya."

Kabi-kabilaang bulongan ng lahat, hinarap ko ulit ang weird na babae, nakatingin na s'ya sa akin ng masama, parang nagba-banta, ang tingin na ano mang oras ay may gagawin s'yang masama.

"Lesson learned?" nakangisi kong tanong, "Huwag kang masyadong kampante sa taong kinakalaban mo, hindi porket babae ka eh palalampasin kita." sambit ko habang mas dumidiin ang tingin sa kan'ya.

Ngunit mas tumindi lang ang galit ko nang ngumisi s'ya na para bang wala lang sa kan'ya ang ginawa ko. Muli n'yang inayos sa pagkakasabit ang bag n'ya sa balikat tsaka tumalikod at naglakad palabas ng canteen. What the heck!?

"May sayad ba sa utak 'yon?" wala sa sarili kong tanong, tsaka na ako pumihit patalikod para magpunta sa counter.

"Kulang nalang ay mag wrestling kayo." tatawa-tawang anas ni Tres, napangisi naman ako bagaman naiinis parin.

"Tinakot ko lang 'yon, pero hindi parin ako nananakit ng babae, ano ako bakla?" nakangisi kong sambit, napailing naman sila.

"Eh sa higpit ng pagkakahawak mo sa braso n'ya-- hindi pa ba nasaktan 'yon sa tingin mo?" tatawa-tawa ring tanong ni Ishvar.

"Nasa kan'ya na 'yon kung OA s'ya." muli nalang akong tumuloy sa paglalakad.

Nang matapos kaming umorder ay patuloy parin sa pagdaldal ang mga kasama ko. At iisang topic parin gaya ng kanina. Nakakasawang pakinggan pero hindi na ako aangal, minsan lang kami magkwentuhan tungkol sa ibang tao kaya lubos-lubosin na.

"At alam n'yo ba..." sumubo muna ng nuggets si Ishvar, "Sa ganyan... 'yang ganan-ganyan ninyo nung... nung weird na babae? d'yan nagsimula ang love story ng ninong at ninang ko hahaha!" tawanan nila, hindi naman ako kumibo, pinakita ko sa kanilang nandidiri ako, "Ganito kase yan.." kumagat ulit s'ya ng nuggets.

"Ubosin mo muna 'yang kinakain mo, baka tumalsik pa 'yan sa tray ko kadiri ka." singhal ko, mas natawa lang sila.

"Eto nga kase 'yon... yung ninang ko, sobrang seryoso din n'yan dati, sobrang angas, sobrang matapang... tapos nameet n'ya yung ninong ko! nung una wala silang pakealam sa isa't-isa, pero tumagal ng tumagal nagkaka-inisan na sila madalas, kahit pa sa harap ng mga kaibigan nila, nag-aaway sila, eh kaso marupok 'tong si ninong... na-fall kay ninang! hahahaha! ayun, nagka-inlaban silang dalawa, nagsapakan muna bago nagmahalan!" nagtawanan kami, talagang mukhang tanga magkwento si Ishvar, parang batang napaka-babaw ng kaligayahan.

"Kaya hindi malabong ganun rin kayo." ani Tres na tinutusok pa ang tagiliran ko.

"Baka nakakalimutan n'yo? may girlfriend akong tao, ihampas ko kaya sa inyo 'tong lamesa?"

"Girlfriend mo pa ba 'yon? iwan mo na 'yon, pina-paasa ka nalang no'n."

"Gago."

Nagtuloy nalang ako sa pagkain, hindi na ako masyadong nag-isip. Masyado ring maraming gagawin kaya hindi pupwedeng lumutang ang isip ko. Kahit pa buhay parin sa loob ko ang inis dahil sa weird na babaeng 'yon.

------

enjoy reading

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now