CELL 22: Truth Behind

90 4 0
                                    

SIONREEX VREL'S POV.

Tinigil ko ang paghalik kay Winzy nang umalis si Weirdy sa locker area. Tsaka ako sumandal at pinigilan ang nagababadyang luha sa mga mata ko. Ginawa ko iyon upang tuloyan s'yang mawala sa landas ko, kung iyon rin lang ang plano n'ya ay uunahan ko na s'ya.

Nakaupo ako sa isa sa mga upoan ng astrodome. Wala sa sarili akong naluha. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaking katangahan ang magagawa ko sa buong buhay 'ko. Ilang beses n'yang pinaalala na manloloko si Winzy ngunti isa rin pala s'yang manloloko. Ang sakit sa dibdib ay labis akong pinatatangis.

"Vrel? bro?" tawag sa akin nila Tres, hindi ko sila nilingon, "What happened?" tanong nila.

Umiling ako tsaka muling naluha. Sa lakas na taglay ko ay kaya ko parin palang maiyak ng ganito. Sobrang sakit, hindi ko inasahang ganito ang magiging reaksyon ko sa panloloko ni Weirdy sa akin, walang-wala sa ginawa ni Winzy noon.

"Naloko na naman ako." kunwaring natatawang sambit ko, "Tanginang kabobohan 'to." sambit ko tsaka yumuko.

"Niloko ka ni Asscher? imposible, bro!" ani Ishvar habang nakakunot ang noo.

"Mga kuya n'ya na mismo ang nag-sabi sa akin! pinuntahan nila ako kanina sa wash room, sinabi nila sa akin lahat." pahina ng pahinang sabi ko, "Ano pang paniniwalaan 'ko?"

"Sinabi mo ba kay Asscher 'yan?"

"Hindi ko na kailangang sabihin."

"No! tell her, bro. Alam kong may explanation s'ya d'yan." ani Luiwen.

"Explanation o palusot? hindi na ako magpapaloko ulit." madiing sambit ko tsaka tumayo, "Tara na, ayos na ako." anyaya ko.

Tahimik silang sumunod sa akin. Nang makalabas ako ng astrodome ay isang malutong na suntok ang natanggap ko sa kung sino, natumba ako sa lakas no'n.

"Fuck you for hurting her!" sigaw ni Kyan habang dinuduro ako, inawat s'ya nila Luiwen.

"Hurting her?" kunwaring matatawang tanong ko, "Aren't you gonna fuck her for hurting me!?" kung bakit ko nasabi iyon ay dahil sa galit.

"Bro." awat sa akin ni Ishvar.

"Tinanong mo ba kung sinong nasaktan sa aming dalawa!?" tanong ko, "Ako!" muling namuo ang luha sa mga mata ko, "Bago pa man s'ya masaktan, ako ang mas nasaktan!" sigaw ko, tsaka huminga ng malalim.

"Are you telling me na niloko ka n'ya?" galit na tanong n'ya, "Gago ka pala eh!? kahit kailan hindi ako niloko ni Reign!"

"Edi ikaw na!" inilahad ko pa ang dalawa kong kamay sa kan'ya, "Ikaw na ang swerte dahil ikaw ang nanloko at hindi ikaw ang niloko!" muling sabi ko.

"Pagsisisihan mong pinangunahan ka ng galit mo." dinuro n'ya ako tsaka umalis.

Napahawak naman ako sa panga ko tsaka dinilaan ang dugo doon. Tinanaw ko s'ya paalis tsaka ako kumalma at muling naglakad paalis. Sumunod ulit sila Tres sa akin hanggang sa makarating ako sa gymnasium, ngunit kamalas-malasang nandoon s'ya, kasama si Myozi at Harry na pinapagaan ang loob n'ya.

"Ayaw mo ba talaga s'yang kausapin?" tanong ni Luiwen, hindi ako umimik tsaka muling lumabas.

Hindi ko alam kung paano s'ya kakausapin dahil sa nalaman 'ko.

=FLASHBACK=

"Ikaw yung boyfriend ng kapatid namin?" tanong ng isang lalaki bago pa man ako makapasok sa wash room.

"Sinong kapatid?" tanong ko.

"Reign Asscher Meraki." aniya, agad akong ngumiti tsaka tumango.

"Oo, ako nga, nice to meet you." nakangiti kong bati, ngumiti rin sila ngunit halata ang yabang sa mukha.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now