CELL 19: Imitators

105 6 0
                                    

SIONREEX VREL'S POV.

"Sayang, kung kasama lang sana sa package ng mga powers natin yung costume natin nung cosplay, edi sana mas astig tayong tingnan."

Nakasimangot na ani Myozi habang tumatakbo kami papunta sa Mall mula sa parking lot. Agad na kaming nagpunta doon at tsaka huminto sa entrada ng mall, kita namin ang nagkalat na dugo at mga taong nakagapos sa dulo ng escalator, nakakapanlumong tingnan.

"Sila ang totoong mga tagapag-ligtas!"

"Dumating na sila!"

"Diyos ko, salamat!"

Ang daan-daang tao na nasa dulo ng mall ay umiiyak na sa tuwa ng matanaw kami. Hindi ko maiwasang maawa sa sitwasyon nila, may mga pasa sa katawan at nakagapos ang mga kamay sa likod.

Agad akong humigop ng libo-libong bultahe ng enerhiya at kuryente ang katawan ko. Tsaka ko naramdaman ang pag-ilaw ng mga mata ko. Sila Myozi at Harry rin ay ganoon ang nangyari. Makikita ang mga ugat sa sentido nila na kakulay rin ng kanilang simbolo, alam kong ganoon rin ang nangyayari sa akin.

"Itigil ninyo 'yan!" sigaw ni Myozi, tumigil ang mga soldado  tsaka kami nilingon.

Ngunit ikinagulat namin ang paglabas ng apat na tao na alam kong hindi nalalayo sa akin ang edad. Dalawang babae at dalawang lalaki rin ang mga ito. Ang kulay ng mga mata nila ay iba-iba ngunit kabaliktaran ng sa amin, dahil kung ang asul at berde ay nasa lalaki, ang kanila ay nasa babae. Kagaya namin ay isa sa kanila ang kapareho ko ng kulay ang mata, iyon ang babae na ngayon ay katapat ko.

Ang isang babae naman ay kulay green ang mata na katapat naman ni Harry. Ang isang lalaki ay violet at katapat ni Myozi, ramdam kong napalunok si Myozi sa nakikita. Ngunit ang kaba ay mas lalong dumagundong nang makita namin ang nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo na nanlilisik ang asul na mga mata, at ang katotohanang hindi namin kasama ang sino mang nagmamay-ari ng asul na simbolo ay nakakapanghina.

"Ang ikalawang hanay ng mga itinalaga." anas ni Harry.

"Kakayanin ba natin sila?" tanong ni Myozi.

Hindi s'ya kinakabahan, ngunit may bahid ng pagda-dalawang isip ang tanong n'ya.

"Hindi nila tayo lalabanan." sagot ni Harry, nilingon namin s'ya, "Hindi ito ang tamang panahon para lumaban sila, kaya alam kong hindi nila tayo lalabanan." sambit ni Harry.

Ngunit hindi na kami muling nakapag-usap nang isa-isang sumugod ang mga soldado.

Agad akong umagaw ng espada sa isa sa kanila tsaka sinaksak ang isa na nasa gilid ko. Tsaka ko tinadyakan sa mukha ang isa pa at hiniwa ang dibdib nito. Tinuhod ko ang isa sa tiyan, at nang mapayuko ito ay tsaka ko s'ya sinaksak sa likod. Muling sumugod ang tatlo pa sa gaw ko kaya iniikot ko ang espada upang sabay-sabay silang mahiwa, tsaka tinadyakan ang dalawa at siniko ang isa. Lahat ng iyon ay naging hangin at naglaho.

Muli kaming nagdikit-dikit nila Myozi at Harry. Nasa dalawampu pa ang natitirang soldado.  Ang sinasabi nilang ikalawang hanay ng mga itinalaga na mula sa impyerno ay nanlilisik parin ang tingin sa amin.

"Mukhang kulang kayo?" tanong ng lalaking nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo.

Kakaiba ang tinig n'ya. Sa boses n'yang iyon ay mararamdaman mo na ang lakas n'ya, nakakapanindig balahibo. Ngayon palang ay hinihiling kong magkusa nalang sa pagpunta dito ang sino mang totoong nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo. Nilingon ko sila Harry at Myozi, kaya ko ay hinahangos sila at lumulunok rin habang ang mga mata ay nakatingin sa mga ikalawang hanay ng mga itinalaga.

"Sugorin sila!" sigaw ng babaeng katapat ni Myozi.

Nang akma nang magta-takbuhan ang mga ito ay bigla silang natigilan. Lahat sila ay tumayo ng tuwid. At tsaka bahagyang yumuko.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now