CELL 24: The Revelation I

87 5 0
                                    

MYOZI'S POV.

Kinabukasan ay hindi pumasok si Asscher. Inasahan na namin iyon ni Harry. Hindi namin alam kung gaano kasakit ang nararamdaman n'ya pero sana ay hindi s'ya magpadala sa nararamdaman n'yang 'yon. Ramdam rin namin ang pananahimik ni Vrel.

Kinakailangan naming magpunta kay Lolo ngayon upang malaman ang susunod naming dapat gawin lalo na't hindi pa namin alam kung nasaan si Diamond ngayon.

"Hi po, ate?"

Bigla ay may sumulpot na batang babe sa gilid ko, agad naman akong ngumiti.

"Ang ganda mo po."

"Alam ko hehe."

"Bili na po kayo ng earings tsaka necklace made of diamond, in different diamond cut po 'yan." aniya habang nakangiti.

Ibinigay n'ya sa akin ang papel kung saan nakalagay ang iba't-ibang disenyo ng dyamanteng nakalagay sa kwintas at hikaw. Ngunit ang isang diamond cut ang umagaw sa atensyon ko. Hindi ko pinahalata ang pangungunot ng noo ngunit tila ganoon nga siguro kalakas ang pakiramdam ni Harry, napansin n'ya ang ekspresyon ng mukha ko.

"Bakit?" tanong n'ya.

Itinuro ko ang isa sa mga diamond cut na may pamilyar na pangalan. May nakalagay na bansag sa uri ng pagkaka-ukit sa mga dyamante at ikinagulat ko ang isa doon.

"Asscher..." basa ni Harry sa nakasulat, agad n'ya akong nilingon, "Anong meron?"

Bigla ay parang nag-rewind ang mga pangyayari sa isip ko. Noong akalain namin na si Leira ang nagtataglay ng dyamanteng simbolo, yumuko ang mga soldado , ginagawa lang nila iyon kapag nasa paligid ang nagmamay-ari ng pinaka makapangyarihang simbolo at nasa paligid noon si Asscher. Noong nagkaroon kami ng enkwentro ng mga ikalawang hanay ng mga itinalaga sa isang mall, may nagpalipad ng mga espada mula sa ikalawang palapag, at nang makalabas kami sa mall ay nakita ko ang sasakyan ni Asscher na nagpaharurot paalis, alam kong napansin rin ni Vrel iyon.

"K-Kagaya ng pangalan ni Asscher, dito pala kinuha ang pangalan n'ya." palusot ko nang tumingin sa amin ang iba naming kasama.

Bwiset ka Harry bakit hindi mo ako magets? akala ko ba malakas ang sense mo!?

Agad kong kinuha ang phone ko at nagsearch. Tinype ko ang Reign upang malaman ang ibig sabihin no'n tsaka lumabas ang results.

"Power..." basa ko sa nakalagay.

Kinutoban ako kaya muli kong tiningnan ang papel kung saan nakalagay ang uri ng diamond cut na iyon.

"Power of diamond..." bulong ko, agad na tumayo ang mga balahibo ko.

Nilingon ko si Harry, nangunot ang noo n'ya at halatang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Uhm, ate? bibili ka po ba?" tanong ng batang babae sa gilid ko.

"Ah next time." ibinalik ko ang papel.

"Pupunta tayo kina Lolo, bilisan ninyo d'yan." anyaya ko.

HARRY'S POV.

Bumyahe na kami papunta sa lugar kung nasaan ang kagubatan kung nasaan ang kuweba. Nakarating kami sa gubat tsaka sila nagsi-baba. Tinahak na namin ang daan patungong templo, habang ang kani-kaniyang isip ay lumulutang. Kanina pa balisa si Myozi at hindi ko malaman kung bakit.. Napaka-gulo ngang sadya ng mundo.

"Ano bang nangyayari sayo?" hindi maiwasang tanong ko.

"Oo nga, bigla kang naging balisa." sabat ni Luiwen.

"W-Wala." tugon n'ya tsaka nag-iwas ng tingin at naunang naglakad.

Napailing nalang ako tsaka inilibot ang tingin sa mga ibon na nagliliparan sa makulimlim na langit.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now