CELL 13: The Third Symbol

112 6 0
                                    

SIONREEX VREL'S POV.

"Hello everyone?"

Napalingon kami sa entrance ng cafeteria nang may magsalita doon. Nakangiti sila sa lahat at inililibot ang tingin.

"Sila yung emcee kagabi diba?" tanong ni Ishvar, tumango ako.

"Nandito kami para tanongin kung sino sa inyo ang may birthday ngayo?" tanong ng babae, "Makiki-kain lang sana hehe." anito kaya nagtawanan lahat, "Joke lang."

Itinaas ko ang kamay. Agad namang napalingon sa akin ang dalawa. Animo'y nagliwanag ang mukha ng babae, at ang lalaki naman ay tila sinusuri ang itsura ko.

"Sionreex Vrel? tama?" tanong ng babae.

"I'm Myozi." pakilala n'ya, inabot ko naman ang kamay n'ya.

"I'm Harry." pakilala ng lalaki, namumukhaan ko s'ya.

"Nice to meet you."

Pilit kong inalala ngunit hindi ko maalala kung saan kami nagkita at nag-kausap.

"Pwede ka ba naming makausap?" tanong ng lalaki, tumango ako tsaka naupo.

"Sure, no problem."

"A-Ah wag dito." sambit ng babae, napapahiya naman akong tumayo.

Sumunod ako sa kanila nang magpunta sila sa maliit na parke sa school. Naupo kami sa sementong upoan soon, maaliwalas ang hangin kaya maganda ang lugar para makipagusap.

"Ano bang pag-uusapan?" tanong ko.

"Ganito kase, alam mo ang tungkol sa 4 demonic symbols, diba?" tanong ni Myozi.

Mukhang alam ko na ang pag-uusapan. At mukhang may hinala silang ako ang nagmamay-ari ng isa. Hindi na ako magtataka kung isa rin sila sa may hawak ng mga simbolo.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Birthday kase ngayon ng isa sa mga may-ari ng simbolo, gusto ko lang sanang itanong kung..."

"Ako ang may-ari ng isa sa mga simbolo." ako na ang nagdugtong sa sinabi n'ya.

Pareho silang nagulat. Hindi agad naka-imik at parang sinusuri pa ang kabuoan ko. Hindi ko alam kung maniniwala sila.

"Oh my god..." anas ni Myozi.

"Demonyong tinatawag ang Diyos, ayos." hindi ko alam kung inaasar s'ya ni Harry pero hinampas s'ya ni Myozi kaya mukhang nang-aasar nga 'to.

"Weh? seryoso ka? may ebidensya ka ba? yung balat mo? pwede patingin?" tanong ni Myozi, masyadong madaldal ang isang 'to.

Hindi ako nagsalita, tumalikod lang ako tsaka iniangat hanggang balikat ang damit ko. Tsaka mulinf humarap, naroon ang gulat at tuwa sa mga mukha nila.

"Finally." anang lalaki, sa pagkakatanda ko ay Harry ang pangalan n'ya, "I didn't expect na ikaw ang nag mamay-ari ng spade symbol, parang dati lang nakasagutan kita sa daan habang lasing ka." natatawa s'yang umiling.

Sabi ko na nga ba, pamilyar s'ya-- silang dalawa. Ang babae ang muntik kong masagasaan at ang lalaking 'yon ang nakasagutan ko, naalala ko pa nang makita kong mag green ang mata n'ya.

"A-Ah yeah, sorry for that." nasabi ko nalang.

"It's okay." ani Harry,

"By the way, you need to come with us later, kailangan mong magpunta sa templo, you need to meet Lolo." sambit ni Myozi, agad na nangunot ang noo ko.

Ang tinutukoy ba nilang templo ay iyong napapanaginipan ko? may mga pagkakataon na nananaginip ako tungkol sa isang templo na nasa loob ng kweba, nasa gitna ito ng gubat.

I AM MY DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon