CELL 9: Acquaintance Party

110 7 0
                                    

HARRY'S POV.

Alas singko na ng gabi at papasok na kami sa kuweba. Hindi ko alam kung ano ang isusuot namin dahil kagaya ng sinabi ni lolo, magpunta daw kami dito sa kweba bago mag takip silim at malalaman namin ang sagot sa mga sinabi n'ya kahapon.

"Lolo? where are you na po?" tawag ni Myozi rito, naupo kami sa bato na upoan sa tapat ng batong lamesa.

"Narito na pala kayo."

"Ayy panot!"

Napasigaw si Myozi dahil sa gulat ng sumulpot si lolo sa likuran namin. Tsaka natakpan ni Zi ang bibig ng mapagtanto n'yang akma kay lolo ang isinigaw n'ya.

"Ha ha ha pasensya na kung nagulat ko kayo." tawa ni lolo, napakamot nalang kami.

"Nais n'yo na bang maisuot ang mga susuotin ninyo mamaya?" tanong n'ya, napatango kami.

"Ano hong susuotin namin?" tanong ko,

"Tumayo kayo." utos n'ya, napatingin ako kay Zi at ganon rin s'ya sa akin, tsaka kami tumayo at sumunod sa kan'ya.

"Ilapat ninyo ang mga kamay n'yo sa simbolong pagmamay-ari ninyo." utos n'ya ng makalapit s'ya sa apat na simbolo, mas lumakas ang pagilaw ng simbolo namin ni Zi ng makalapit kami.

"Hahawakan ho namin?" tanong ni Zi,

"Oo, gawin n'yo na." tugon ni lolo.

Dahan-dahn naming inilapat ang mga kamay sa kan'ya-kan'yang simbolo. Tsaka sinakop ng green na kuryente ang kamay ko, violet naman ang kay Zi, napatingin s'ya sa akin.

Maya-maya pa ay umakyat sa braso ang naturang kuryente tsaka binalot ang katawan namin. Naramdama ko nalang na sumikip ang mga damit ko na umabot hanggang sa mga kamay papunta sa leeg.

"Woww.." mahinang anas ni Myozi.

Tsaka ko sinipat ang sarili ko, kulay itim na may green ang costume ko. Napakasakip ng pangibaba, para iyong leggings at may boots na may simbulo ng club, maging ang nasa likod ng palad ko ay may club simbol. Ang itim na shades at may kulay green din sa bawat gilid. Ang costume ni Myozi ay pareha ng estilo ng akin, sa nakikita ko ay sobrang bagay niyon sa kan'ya, sobrang astig tingnan kaya alam kong astig rin akong tingnan ngayon.

"Ayan ang pagkakakilanlan ninyo." sambit ni lolo, hindi namin maiwasan ang humanga.

"Kapag po pala hinawakan namin ang simbolo namin ay magkakaganito kami?" tanong ni Myozi habang nasa kasuotan ang paningin.

"Lahat ng gusto n'yo ay pupwede n'yong makuha sa oras na ilapat ninyo ang kamay ninyo sa inyong mga simbolo." tugon ni lolo, dahan-dahan kaming napatango.

"Astig." tanging nasabi ko,

"Anong size ba 'to lolo? ang sikip." reklamo ni Zi, sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Ha ha ha, tiisin mo lalo pa't iyan ang isusuot mo buong gabi." natatawang ani lolo.

"Magiging suman ka buong gabi." pangaasar ko, tinarayan n'ya ako tsaka s'ya sumenyas na bumalik sa lamesa upang kunin ang mga gamit namin.

"Maraming salamat sa tulong lolo." sambit ni Myozi,

"Ngayong gabi ay makikilala n'yo na s'ya." ani lolo tsaka naglakad papasok sa madilim na parte ng kuweba.

"Sino?" tanong ni Zi,

"Hindi ko rin alam." tugon ko.

Wala na kaming nagawa kundi maglakad papalabas ng bodega. Nakakahiyang maglakad sa gitna ng gubat ng ganito ang suot, para kaming mga alien na naligaw.

Ilang minuto pa ay nakalabas na kami ng kuweba tsaka sumakay sa kan'ya-kan'yang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa school kung saan gaganapin ang acquiantance party.

I AM MY DEMONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora