CELL 14: The Lost Symbol

127 8 0
                                    

SIONREEX VREL'S POV.

Nanatili paring nakatingin sa akin si Weirdy.

"Ako yung broken hearted, Asscher. Hindi si Vrel hehe." ani Tres, napailing nalang ako.

"Ah ikaw ba, s'ya kase yung madalas kumontra sakin, akala ko s'ya." sagot ni Weirdy na agad ikina-kunot ng noo ko.

"Tch, Weirdy." bulong ko.

"Kanino n'yo ba nakuha 'yang bansag n'yo saking Weirdy?" biglang tanong n'ya pinilit kong hindi mailang, "Mukhang palaging nasa akin ang paningin ng kung sino mang nag-bansag sa akin n'yan, napansin n'yang weird ako eh." dagdag n'ya pa, ramdam kong nasa akin ang mga mata n'ya.

"Bwahahahaha! talagang sayo lang naka-focus ang mga mata nun!" malakas na tawanan nila, nag tiim-bagang naman ako sa inis.

"Talaga namang weird ka, sayo man ako nakatingin o hindi." muling singhal ko, "At pwede bang uminom ka nalang? ang dami mong sinasabi, kung gaano ka katahimik dati iyon naman ang ikina-ingay mo ngayon."

"Kinakausap n'yo ako eh."  nagkibit-balikat ulit s'ya.

"Inuutosan kita bilang boyfriend mo, manahimik ka." nakangisi kong sambit ko, tumaas ang dalawang kilay n'ya.

Ang mga kaibigan ko naman ay namimilog ang bibig habang napapa-atras, talagang hindi makapaniwala. Natawa nalang ako tsaka muling tumungga, pakiramdam ko ay ginaganahan na ako sa buhay ko ngayon kumpara dati.

"M-Mag jowa kayo!?" tanong ni Luiwen.

"Hayup! parang dati lang inis na inis ka pa kay Asscher ah? tapos hindi namin alam nililigawan mo pala s'ya ng palihim!? matindi ka bro!" natatawang ani Tres.

"Ulol, s'ya ang nag-claim na boyfriend n'ya ako, kanina lang." nakangisi ko paring sambit.

"Feel na feel mo naman?" tanong ni Weirdy dahilan para magsalubong na naman ang mga kilay ko, "Pero kung talagang feel mo, edi sige, jowa na kita simula ngayon." aniya, kampante at hindi naiilang.

"Gusto rin." nasabi ko nalang tsaka muling tumungga, "Deal." nagulat sila sa sunod na sinabi 'ko.

"Ano bang gusto mong endearment?" nagulat ako sa tanong n'ya.

Seryoso ba talaga s'ya? kase hindi ako magdadalawang-isip na sakyan ang trip n'ya, lalo pa't nage-enjoy ako sa nangyayari, hahaha.

"Love? babe? honey? baby? bunch?" sunod-sunod kong suhestyon.

"Bubby nalang." s'ya naman ang nakangisi, ngumiwi lang ako.

"Ang bantot ng bubby." anas ko.

"Pero iyon ang gusto ko, may angal ka?" tanong n'ya, nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Sige, pero ako ang palaging masusunod sa ating dalawa, naiintindihan mo?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Ano ka, sinuswerte?" nakangisi n'yang tanong.

Sinamaan ko lang s'ya ng tingin tsaka ko nilingon ang mga kaibigan ko. Palipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Weirdy, mukha silang tanga.

"S-Seryoso ba talaga kayo?" tanong ni Ishvar, parang estatwa at di makapaniwala.

Tiningnan ko lang si Weirdy, napapailing s'ya habang naka-ngisi, gusto kong matawa dahil sa lakas ng trip naming dalawa, hindi kami close pero ganito kalaking kalokohan na ang nagagawa namin.

"Mukha ba akong mapag-biro?" tanong ni Weirdy sa kanila.

"H-Hindi." sagot ni Luiwen tsaka bumalik sa maayos na pagkaka-upo.

"Pero shet pre di ako makapaniwala, diba ayaw mo sa kan'ya?" tanong sa akin ni Tres, "Tapos diba ayaw mo rin sa kan'ya?" tanong n'ya rin kay Weirdy, "Tapos ngayon magjowa na kayo?--- ang gulo." sambit n'ya.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now