CELL 25: The Revelation II

97 7 0
                                    

VREL'S POV.

Para akong lumulutang sa nalaman ko. Hindi ko maiwasang mainis. Ilang beses n'yang nakita ang paghihirap naming mahanap ang nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo. Hindi man lang s'ya nagsalita nang magpanggap si Leira. Napakadaming nangyaring gulo, ngunit hindi man lang s'ya nagsalita, hinayaan n'ya pa kaming maloko ng isang impostor bago n'ya ipinaalam sa amin lahat.

Nakatingin ako kay Lolo na ngayon ay nakay Asscher ang tingin. Nakangiti ito at para bang may inaasahang magandang balita. Ipinagtataka ko rin ang pasa ni Lolo sa kaliwang labi.

"Narito ka ba dahil nakapag-desisyon ka na, Apo?" tanong ni Lolo kay Asscher.

Nagulat ako nang makita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Asscher habang nasa baba ang tingin. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang awa, para bang may nakatakda s'yang sabihin na alam kong ikabibigla ko, ngayon palang ay nakakaramdam na ako ng kirot, hindi ko maintindihan.

"H-Hindi madali para sa akin ang agad na magdesisyon, Lolo." bigla ay pumatak ang luha sa mga mata n'ya.

Anong klaseng sakit ba ang nandyan sa puso mo at hindi ko man lang alam? napaka-bigat ng luha na binibitawan ng mga mata mo, ipinararating ang paghihirap na dinaranas mo. Sino ka ba talaga at ano ba talaga ang kwento sa likod ng pagkatao mo? gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman mo ngunit hindi ko alam kung papaano.

"Bakit, Apo? pinagirapan ka ba nila?" tanong ni Lolo, ngayon ay nasisiguro kong magkakilala sila.

"I-Ikinulong nila ako sa isang sumpa, h-hindi agad ako m-maka gawa ng desisyon." paliwanag n'ya habang parang batang umiiyak.

Lahat kami ay nagtaka, lalo na ako. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Gusto kong maintindihan.

"T-Tinakot nila ako Lolo, m-mawawala lahat sa akin kapag pumanig ako sa inyo... H-Hindi ko makakasama ang totoong mga magulang ko, at makakalimutan ninyo ako, n-naaawa ako sa sarili ko, Lolo." aniya tsaka yumuko at ibinuhos ang lahat ng luhang maiiyak n'ya.

Namuo ang luha sa mga mata ko. Tama si Myozi, nakakaramdam ako ng pagsisisi. Hindi ko alam ang totoo ngunit naniwala agad ako sa sinabi ng nga kuya n'ya, hindi ko man lang nga nasigurado kung kadugo ba talaga n'ya ang mga 'yon.

"L-Lahat sila ay ipinagkakait sa akin lahat, sinira nila ang tiwala sa akin ni Vrel, isinumpa nila ang pagiging miserable ko, isinumpa nila na hindi ko nakukuha ang lahat ng bagay na pibapangarap ko, gusto kong mamuhay ng normal, masyado bang mahirap ibigay 'yon?" hindi ko maiwasang maluha sa sinabi n'ya, gusto ko s'yang yakapin ng mahigpit at lumuhod sa harap n'ya para humingi ng tawad.

"B-Bubby..." anas ko.

"Hindi ko na alam k-kung paano pa gigising kinabukasan at maiisip na m-mamanipulahin na naman nila ang lahat ng galaw ko. H-Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kasalanan ko para ako ang magka-ganito." aniya tsaka muling umiyak ng umiyak, "Hindi ko h-hiniling 'to, Lolo, h-hindi ko pinangarap na makuha ang simbolo na 'to... Kung g-ganito pala ang kapalit ng pagiging marangya at m-makapangyarihan... mas p-pipiliin ko nalang na tumira sa lansangan..." inalo s'ya ni Lolo tsaka niyakap.

"Taha na Apo, patawad at iniwan kita sa kanila." ani Lolo na umupo sa tabi n'ya tsaka niyakap s'ya.

"A-Ayaw ko na, pagod n-na ako... t-tapusin n'yo nalang ang buhay ko, wag lang ganito..." aniya habang patuloy parin sa pag-iyak.

Bigla ay nakonsensya ako. Hindi ko maiwasang maluha. Kita ko rin si Myozi na lumuluha at alam kong naaawa sa lagay ni Asscher. Huminga ako ng malalim tsaka muling tiningnan ang babaeng alo ni Lolo habang hindi matigil sa pag-iyak.

"Naaalala ko noong huli kitang pinatahan sa pag-iyak, sanggol ka pa noon." ani Lolo habang nakangiti, "Piliin mo ang puso mo Apo, piliin mo kung ano ang kukumpleto sa pagkatao mo." ani Lolo tsaka muling ngumiti.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now