CELL 4: The Temple

194 8 3
                                    

MYOZI'S POV.

"Kamusta ang unang araw ng eskwela?" tanong ni lolo,

Nakaupo kami ni Harry ngayon sa sementong lamesa ng templo. Nakasanayan na namin ang dumiretso dito paguwi simula noong malaman namin ang kapangyarihan na mayroon kami.

"Ayos naman po lolo." tugon ni Harry,

"Mabuti naman kung ganoon, natagpuan n'yo ba sila?" agad akong napatingin kay Harry ng itanong iyon ni lolo, hindi namin sila natagpuan ngayong araw.

"H-Hindi pa po lolo, siguro ay kinakailangan muna naming galitin ang lahat ng estudyante sa academy bago namin malaman kung sino ang mga kabiak namin." saad ko, nakangiti kaming nilingon ni lolo tsaka s'ya naupo sa harap namin.

"Hindi pa sila tumutungtong sa edad na bente, kahit na galitin n'yo sila ay wala kayong mapapala, dahil hindi pa lumalabas ang kapangyarihan na mayroon sila." tugon ni lolo tsaka sumimsim ng tsaa.

"Mukhang mas mahihirapan po kaming hanapin sila kung ganoong wala pa silang kapangyarihan." usal ni Harry, paano nga naman namin sila mahahanap kung gano'n?

"Kabiak n'yo sila mga apo, ramdam ng magkabiak ang isa't-isa. Hindi kailangang gamitin ang mga mata dahil mararamdaman n'yo sila." saad ni lolo, agad na nangunot ang noo ko,

Mararamdaman? dahil sa pagod ay wala na akong maalala buong araw, marami akong naramdaman ngunit hindi ko na maalala. Pwede kayang nakita na namin sila ngayong araw? o kaya naramdaman na namin ang presensya nila?

"Kailangan n'yo silang mahanap sa lalong madaling panahon. Bago pa man maganap ang araw ng paghahari ng kadiliman, kumpleto n'yo na ang mga naturang simbolo." dagdag ni lolo habang inililipat ang paningin sa pader kung saan matatagpuan ang nakaukit na malaking bilog sa bato kung saan nakapaloob ang apat na simbolo.

Ang hugis puso at club lang ang umiilaw. Ang spade at diamond ay nananatiling walang buhay.

"Bakit nga ho pala hindi umiilaw 'yang dalawang simbolo?" tanong ni Harry,

"Baka napundi?" tugon ko, sinamaan n'ya ako ng tingin kaya agad akong napatikom,

"Dahil hindi pa sumasapit ang ika-dalawampung kaarawan ng dalawang taong nagtataglay ng mga simbolong iyan." paliwanag ni lolo, marahan naman akong napatango.

Kung ganoon ay ika-dalawampung kaarawan na nila sa oras na umilaw ang mga simbolong iyan. Sa pamamagitan niyon ay malalaman namin kung sino ang may hawak ng isa sa mga simbolo. Makakaya naman siguro naming alamin kung sino-sino ang may birthday sa mismong araw na umilaw ang isa sa dalawang simbolong natitira.

"Ibig sabihin po ba ay kusang iilaw at makukumpleto ang mga simbolo?" tanong ni Harry,

"Kalahating pursyento ang liwanag na manggagaling sa mga simbolo sa oras na tumungtong sa ika-dalawampung karawan ang isa sa kanila." saad ni lolo na ipinagtaka ko, paano naman ang kalahating pursyento?

"Paano po makukumpleto ang liwanag ng simbolo?" tanong ko,

"Sa oras na mailapat ng taong itinalaga ang kamay n'ya sa simbolong pagmamay-ari n'ya, sa pamamagitan niyon ay makukumpleto ang lahat, walang dadanak na dugo kung magagawa n'yong hanapin ang dalawang natitirang tagapag-ligtas bago sumapit ang araw ng tagumpay na paghahari ng kadiliman sa mundo." mahabang paliwanag ni lolo habang naglalakad patungo sa bilog ng apat na simbolo.

"At kapag hindi namin sila kaagad nahanap bago ang dark apocalypse, ibig sabihin po ay dadanak ang dugo?" tanong ni Harry, bumuntong-hininga pa muna si lolo bago marahang humarap sa amin,

"Maraming buhay ang mawawala." tugon n'ya na ikina-kaba ko.

Ngunit hanggang ngayon ay pala-isipan sa akin kung bakit isa ako sa mga napiling maging parte ng LOS CUATRO SALVADORES.

I AM MY DEMONWhere stories live. Discover now