CELL 8: Preparation

117 6 1
                                    

SIONREEX'S POV.

"So anong tutug-togin natin sa gaganaping acquiantance party?" tanong ni Luiwen habang papasok kami ng Gymnasium.

Marami ng mga players at members ng iba't-ibang club ang narito para mag practice. Kabilang na doon ang Dance Troupe, UWA choir, at ang Cheer Squad nila Winzey. I miss that girl so much.

"Don't Matter? pwede na siguro 'yon." tugon ni Ishvar habang papaupo sa bench.

"Don't Matter? sinong kumanta?" tanong ni Tres.

"By Akon?" tugon ko, tumango si Luiwen kaya kinuha ko agad ang gitara.

"Nobody wanna see us together but it don't matter, no cause I got you..." kanta ko habang tinitipa ang gitara, nakisabay naman sila habang ipinapadyak ang paa, "Ganoon ba?" tanong ko, binigay ko kay Luiwen ang gitara ng sumenyas s'yang kukunin ito.

"Lagyan natin ng konting astig." aniya.

Napatango kami tsaka sya pinanood, nagpatuloy sya sa paghahanap ng akmang tono ng mahagip ng mga mata ko si Winzey.

Hindi ko maiwasang mapatunganga sa ganda nya at ng katawan nya. Hindi sa pinagnanasaan ko iyon kundi iyon talaga ang totoo. Masiyahin s'yang babae at talagang ubod ng bait. Sa estado ng relasyon namin ngayon ay hindi ko na alam kung magkarelasyon pa ba talaga kami.

Nagpatuloy ako sa pagtitig sa kan'ya ng agad na naagaw ng isang pamilyar na babae ang atensyon ko. Tumatakbo sya habang idinidribble ang bola, kasali nga pala sya sa basketball Tsh! Weirdy.

Pinakatutokan ko ang paglalaro n'ya. Kahanga-hanga ang pagiging ligtas ng galaw n'ya. Halos kalahati ng basketball girls ay bisexual at lesbians, hindi na ako magtataka kung tomboy ang babaeng 'to.

"Boys, doon kayo sa red bench." narinig ko ang boses ng gay organizer, malapit kami sa entrada kaya maririnig namin ang kung sino mang papasok.

"Come on." anyaya ng isa sa mga lalaking papasok sa gym, ramdam kong natigilan sa pagtipa ang mga kasamahan ko.

"Sino 'yang mga 'yan?" tanong ni Tres.

Kung hindi ako nagkakamali ay maaaring tutog-tog rin sila. May nakasabit na gitara sa balikat ang ilan. Ang ilan ay mayabang na naglalakad habang tinitilian at nginingitian ng maraming babae. Pansin kong nakatingin si Winzey sa lalaking nangunguna sa grupo nila, mas gwapo parin ako.

"Excuse me?" pag-agaw ng pansin ni Ishvar sa Organizer, lumingon naman agad ito, "Can I ask you if who are they?" tanong n'ya, agad na ngumiti ang organizer.

"They are the Intensity, ikalawang bersiyon ng sinaunang mga myembro ng Eclipse. Tutog-tog rin sila mamayang gabi." tugon nito.

"Okay, thankyou." pagpapasalamat ni Ishvar tsaka naglakad palayo ang organizer.

"May kaagaw pala tayo sa crowd." sambit ko ng mapansing nasa kanila parin ang mata ng mga babae.

"Mukhang may kaagaw ka rin kay Winzey." usal ni Luiwen kaya agad kong nilingon si Winzey, nasa banda na 'yon ang paningin n'ya.

Nakakatawang todo rin sa paghawi ng buhok ang miyembro ng banda na 'yon. Talagang gwapong-gwapo sa sarili, Tsh halatang di marunong tumugtog ang mga 'to.

"Pero mukhang wala kang kaagaw sa Weirdy mo." biglang sambit ni Tres, napalingon ako sa gawi kung nasaan ang babaeng 'yon, patuloy parin s'ya sa pagdidribble at pagshoot ng bola, sa lahat ng babaeng nasa loob ng gymnasium ay sya lang ang hindi pumansin sa Intensity.

"Kase nga tomboy 'yan." sambit ko, wala akong ibang nagawa kundi pakatitigan ang maya't-mayang pagdribble at pagshoot n'ya ng bola.

Naka kulay orange na jersey shorts sya, ang pangitaas na jersey nya ay may nakapaloob na puting tshirt. Hanggang itaas na likod ang buhok n'ya dahil nakatali ito. Makinis ang kulay krema n'yang balat, sakto ang katawan at nasa 5'5 ang height.

I AM MY DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon