Season 1: Episode 2

18K 1.3K 1.8K
                                    

If someone is to ask what the current situation of the bus is, it screams the combination of horror and chaos. Like the movies, kinikilabutan ako sa mga nangyayari ngayon.

Ang bus ay pagewang-gewang na umaandar dahil sa kalsada. Hinaharang kasi kami noong mga infected! Para pa silang nananadya dahil hindi sila isa-isa kung humarang kung hindi by group!

Kaya heto ang driver, binabangga na sila. Hanggang sa maging lubak ang kalsada dahil sa pag-gulong ng bus sa bangkay ng mga infected.

Swear, napapapikit na lang ako sa tuwing nararamdaman kong may ginugulungang tao ang sinasakyan namin.

Nakakakilabot ang nangyayari. Nakakakapanghina ng sikmura.

Ikaw ba naman ang makakita ng dugo sa buong paligid!

Gusto ko na lang masuka!

"Ilang oras ba bago tayo makarating sa New Bilibid Prison? Sa Muntinlupa pa iyon, 'di ba?" Tanong ng kundoktor. Lumapit siya sa amin. Iyong kamay niya ay nakakapit sa handle na nasa itaas ng upuan.

"Wait, let me search it po." The girl infront of me, wearing the uniform of CvSU, started to shove her phone away from her pocket.

" The girl infront of me, wearing the uniform of CvSU, started to shove her phone away from her pocket

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"One and a half hour po ang biyahe." She said after a second. "At depende pa po iyon kung walang conflict tayong makakasalubong along the way."

"Isang oras at kalahati," sambit ng kundoktor, para siyang naging lutang habang sinasabi iyon.

"May problema po ba?" Tanong noong kasama ng babae. Isa rin siyang college student.

"Wala . . ." Sagot ng kundoktor at matapos ay bigla siyang um-exit na para bang nababahala.

May problema nga siguro . . .

Huminga na lang ako nang malalim. Badtrip, ayoko ng ganito! Natatae ako sa kaba! Wala pa namang inidoro dito!

"Totoy, ayos ka lang ba?"

Natigil ako sa kagaguhang iniisip ko nang tumabi sa akin iyong gwardiya na sumagip ng buhay ko. Agad akong umayos ng upo at tumango sa kanya.

"Hindi pa po ako nakakapagpasalamat sa inyo--"

He cut me off. Tumaltak pa muna siya bago magsalita. "Wala iyon, pogi. 'Wag mo nang isipin iyon." Nakakatuwang sa ganitong sitwasyon namin ay nakukuha niya pa ring ngumiti.

"Naalala ko kasi sa iyo ang anak ko. Kasing-edad mo lang siguro siya." Napakurap ako nang magbago ang kanyang emosyon. For a moment, he looked hurt, "at sana, ligtas sila ngayon ng asawa ko."

Napalunok ako ng laway. "H'wag ho kayong mag-alala. May awa ho ang Diyos."

"Diyos?" He laughed sarcastically, "Oo, may awa nga Siya." Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig niya pero pinili ko na lang na 'wag pansinin iyon.

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now