Season 1: Episode 19

8K 749 492
                                    

Napakurap na lang ako nang mula sa likod noong asawa ni Tito Theo, may lumabas na dalawang batang lalaki doon sa tumpok ng mga zombies.

Ang isa ay wala nang balat sa mukha. Bungo na lang ang maaaninag sa kanya. Iyong isa naman ay may nakasaksak na kutsilyo sa noo. Pulang pula ang mukha niya dahil sa umaagos na dugo.

Dahil doon, patuloy na nagwala si Tito Theo. Hindi siya nagpatinag mula sa pagpigil sa kanya nina Ate Bianca at Kuya Nero. Hanggang sa tuluyan nang inihinto ni Kuya Seiya ang bus.

"Putangina! Bitawan niyo ako!" Basag na basag ang boses ni Tito Theo. Bagay na ni minsan ay hindi ko akalaing maririnig ko mula sa kanya.

"Tangina! Nandoon ang asawa ko pati ang dalawa kong anak! Palabasin niyo ako!" Nagtatangis ang mga mata niya. To back out is never evident on his eyes.

For what he said, I was dumbfounded.

I can't think clearly.

Sa nalaman ay nasaktan din ako para kay Tito Theo.

Right on his eyes were his family. He finally saw them pero wala na sila. Infected na sila. Masakit iyong makita para sa isang Padre de Pamilya.

When Kuya Seiya entered the scene, I was not ready when he grabbed Tito Theo from his collar. "Tanga ka ba? Lalabas ka doon para ano? Para magpakamatay?"

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ni Tito Theo. The corners of his lips are turning down when he tried to let go from Kuya Seiya's tight grip.

"Sagutin mo ako! Tanga ka ba para sayangin ang buhay mo ngayong nandito ka na . . . ngayong umaalagwa na tayo patungo sa pinakahuling Quarantine ng Pilipinas?!"

Lahat kami natahimik. Ate Bianca is staring at Tito Theo with a ton of sympathy on her eyes. Ganoon rin si Kuya Nero.

But Tito Theo is firm with his decision. With his breaking voice, he told Kuya Seiya, "Si Hannah at ang mga anak namin ang buhay ko." Then his voice turned to be the weakest sound that I heard from him, "Sila lang ang buhay ko. Kapag nawala sila . . ." Humagulgol siya . . .

Napapikit ako.

Biglang kumirot ang puso ko.

Napalunok na lang ako habang patuloy na dinadama ang sakit na tumutusok sa dibdib ko.

"Kapag nawala sila . . . wala na rin ako. Kapag wala na sila, wala na akong rason para mabuhay." Hindi ko inaasahan noong malakas na naalis ni Tito Theo ang kamay ni Kuya Seiya mula sa collar ng uniporme niyang pang-Security Guard.

"Hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka sa lugar ko. Oo, sabihin na nating kapag sumama ako sa inyo," he wiped the tears using the back of his palm, pero patuloy lang din naman iyong binaha ng mga luha niya, "nakaligtas nga ako, pero masaya ba ako?"

He gave us a sad smile.

That damn smile will surely haunt me if this shit continues.

"Buhay nga ako pero para saan pa? Wala na ang mga anak ko. Wala na rin ang asawa ko. Sagutin mo ako," napakagat-labi si Tito Theo. Hanggang sa nanginig iyon. Hindi niya kayang pigilan ang paghagulgol niya, "pipiliin mo pa bang mabuhay kahit alam mo namang kapag napatuloy ka, hindi ka na magiging masaya? Hindi ka na kumpleto? Hindi ka na buo?"

Patuloy akong napapikit.

Ang sakit niyang pakinggan.

Hindi ko na kaya iyong kirot.

Nagmulat uli ako ng mga mata. I tried to blink my tears away.

"Tangina . . ." Napasandal siya doon sa metal na handle ng bus, "Tangina, hayaan niyo na lang ako. Pakiusap, hayaan niyo na lang akong lumabas."

His voice is begging.

His eyes are pleading for our permission.

And right now, I really can't think clearly. Nasasaktan ako. Ayokong mawala si Tito Theo. He practically saved me a ton of times. And him ending his life here is going to burn on my mind for the rest of my life.

"Tito Theo . . ." I mumbled. Nag-uunahan ang mga luha ko pababa sa mga pisngi ko.

Tito Theo only gave me a pained look. He is done. Fuck it. He is really done with this life. His face is mirroring the idea of an end. He is going to be firm with his decision. He will going to die tonight . . .

"Kuya," Humugot nang malalim na hininga si Kuya Seiya, "sigurado ka na ba diyan?" Katulad ko, halatang nasasaktan din siya. Halatang gusto niyang pigilan si Tito Theo.

But Tito Theo is really firm with his own decision. He nod at him. And it broke my heart into pieces.

I want to yell at him.

I want to curse him.

Putangina.

Pero naisip ko, he has his valid reasons. The only thing that matters the most for him is his family. Ramdam ko iyong kaba niya the whole time na nakasama ko siya. Alam kong itinatago niya lang iyon sa likod ng mga ngiti niya.

Alam ko.

Alam kong sa likod ng mga jokes niya, nadudurog siya sa pagdaan ng mga oras.

Alam ko, sa mga oras na pinapalakas niya ako, ganoon rin ang panghihina niya para sa asawa at mga anak niya.

At heto na nga siya.

The reality hits him hard. It was so hard that he decided to just come to the end of the rope. He wants to take the path of no return. The path where the painful ending will take place.

"Sige." Kuya Seiya finally said after a moment. "Kung iyan ang decision mo." Humugot pa siya nang mas malalim na hininga. Halatang taliwas siya para dito. "Sige, you can go."

Napalunok ako ng laway.

Patuloy na nagbatis ang mga luha ko hanggang sa unti-unting naglakad si Tito Theo patungo sa pintuan ng bus. He is not looking back. He is looking ahead of his death.

Gusto ko siyang higitin pabalik. Gusto ko siyang pabilikin. Gusto ko siyang igapos dito sa loob. Pero hindi ko magawa. Sa sakit ng nararamdaman ko ay para bang nakasemento na ang mga paa ko dito sa kinatatayuan ko. There is nothing I could do on that specific moment but to cry.

Hanggang sa nakalabas na si Tito Theo. Nanghihina ang mga tuhod ko noong makita na siyang unti-unting lumalakad sa infected niyang asawa at mga anak.

It was a painful view.

It was so dreadful that I am sure, it will forever do a torturing flashback on my mind.

Tito Theo hugged her wife. At hindi siya pumalag noong kinagat siya nito sa balikat. Patuloy lang siyang yumakap sa asawa niya hanggang sa iyong dalawang anak naman niya ang kumagat sa kanyang mga kamay.

Iyon ang oras kung saan para akong nawala sa sarili. I run towards the closed door of the bus. But Kuya Nero was so quick to stop me.

"Tito Theo!" I am yelling at top of my lungs as I cry hard.

Nagpumiglas ako kay Kuya Nero. I was hysterical when I saw how the other zombies made their way against Tito Theo. Ngayon, walang kalaban-laban na pinagtulungan siya ng mga zombies.

And I can't accept it.

I will never accept it.

"Palabasin niyo ako! Ililigtas ko si Tito Theo!"

"Bianca! Akin na iyong sleeping injection!"

"Here!"

"Tito Theo! Tito Theo! Putangina! Lumaban ka!"

"Fuck it!"

"Tito Theo--"

Naramdaman ko na lang na may tumusok sa leeg ko. Hanggang sa dilim na lang ang nakikita ko habang napapapikit. Before I knew it, I was asleep.

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now