Season 3: Epilogue

9.7K 611 1.1K
                                    

Napuno ng nakakabinging hiyawan ang buong paligid. Gulo ang namayani sa mga mata ko. Kamatayan ang siyang naging pangunahing tema ng mundo naming para bang isang bola ng kamalasan.

Right now, I can't move. And it pained me to see how Briela and Manuel fight for survival with my son. I hate the fact that I am just here-- on the ground, lying with my heart breaking with the idea of the possible conclusion of our lives.

"Santhy, 'wag kang lalayo sa amin!" Manuel demanded my son. His voice is rough, I can clearly feel how tired he is right now. Sinamahan pa iyon ng kumakaway na kamatayan sa daan namin. Para ba itong isang alon na ngayon ay inaanod kami nang walang kalaban-laban.

Briela is quiet. Gone are the days where words are living on her mouth. She seems mute as she fought with our almost but quite inevitable death. Ngayon ay abala siya sa paghampas ng bakal sa mga buhay na bangkay na lumalapit sa amin. Nasa likuran nila ako, animo ako isang inutil na walang dulot kung hindi ang maging pabigat.

On the other side, there is my son. He is holding the knife I got from a zombie earlier. Looking like a professional assassin, he keeps on killing the zombies one at a time. Malayo na siya sa batang pinalaki ko. Ang batang kaunting pitik lang sa noo ay iiyak na.

When our eyes met, I sense a lot of sadness from him. But he chose to smile the pain. Para bang sinasabi niya sa akin ang magpakatatag-- ang gumising lang dahil isasalba nila ako laban sa nalalabi kong kamatayan.

That specific moment, I can't speak. I can't move, more so speak. I am just here, shedding tears with my body leaving the command of my brain. Kahit anong pilit kasing iutos ng utak ko sa katawan kong gumalaw, hindi ko magawa. Para bang naputol na sa utak ko lahat ng nakakonektang ugat mula sa katawan ko.

Napapikit ako sa inis.

Gusto kong tumulong-- gustong-gusto ko pero mukhang tadhana ay tutol dito. Mukhang hindi na talaga virus ang kalaban namin dito kung hindi ang aming tadhana. Mukhang nagkampihan na ang tadhana at ang kamatayan. Pinagtulungan nila kami, iyon ang dahilan kung bakit ngayon ay mukhang kailangan ko na nga talagang tanggapin na dito na natatapos ang lahat.

"Aray!"

Manuel!

Agad akong nagbaling ng tingin sa kanya. At hindi ko kinaya ang mga nakita. Right now, zombies are digging their teeth on his body. Ang isa ay kinakagat ang kanyang balikat, ang dalawa naman ay pinuntirya ang kanyang tiyan na ngayon ay nabubutas na.

Doon ay nanlaki ang mga mata ni Briela. Agad niyang tinulungan ang kasamahan. Ngunit huli na ang lahat, maski kasi siya ay napagtulungan na rin ng hindi mabilang na mga buhay na bangkay.

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang si Santhy naman ang naging puntirya nila. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumayo. Gusto kong pumatay. Pero wala akong nagawa nang sa isang iglap, pinagtulungan nila ang anak ko.

Binaha ng mainit na luha ang mga mata ko habang pinapanood na mahirapan ang anak ko sa mismong harap ko. Tapyas na ang bahagi ng mukha ni Santhy na ngayon ay magkahalong umiiyak at humihingi ng tulong sa akin. Haggang sa halos atakihin ako sa puso nang mawalan na siya ng malay. They are eating his internal part when he perished just before my widened eyes.

And that view . . .

That view gave me enough power to move my mouth. To yell so loud that it could break my throat.

"Santhy!" I shouted with my sob growing along with my heart breaking at the thoughts of my dead son.

But . . .

"Dad, gising! Gising!"

Nagmulat ako ng mga mata. Halos masilaw ako sa unang bumungad sa akin. Puting mga ilaw at pader. Ilang segundo ang ginawa kong pagkurap bago tuluyang makita ang nagaalalang mukha ng anak ko.

"Santhy . . . Anak." I said with my breathless voice.

At tuluyan na akong napaluha nang bigla niya akong yakapin. He is now sobbing like a kid. He is telling me how grateful he is that I finally woke up. That he is so scared for my life and that he thought that I was already gone.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Hindi ko iyon ininda dahil abala ako sa pagbura ng mga senaryong naranasan ko mula sa masamang panaginip kanina lang.

"Sabi sa 'yo, Manuel. Hindi pa ako mabu-byuda." Agad akong nagbaling ng tingin sa harap namin. Doon ay nakita ko si Briela, hindi na siya naka-uniform. Nakasuot na siya ng puting t-shirt.

"See!" She gestured her hand on my direction for which Manuel only laugh at.

"Mabuti naman at nagising ka na, Sir." Lumapit sa amin si Manuel. "Alalang-alala kami sa iyo."

"Mas lalo naman ako, Sir! Ayoko pa namang ma-byuda, huy!"

Napailing na lang ako habang natatawa. Matapos ay nilubayan na ako ng anak ko. Ang I blinked when I saw who is sleeping on my feet.

It was our persian cat, Orion.

"Where did you found him?" I asked Santhy. Hindi maitago ang saya sa mukha ko.

"Sa Muntinlupa, Dad. Sumama kasi akong mag-disinfect doon. I accidentally found him." Santhy told me while smiling. "By the way, nakakuha na sila ng cure laban sa virus dad."

And thinking about that . . .

"Teka nga . . . Paano niyo ako naisalba laban sa virus? As far as I can remember, I got bitten by a zombie."

"Pinutol namin ang braso mo, Sir." Manuel told me. He is eyeing me carefully.

Napakurap ako. Doon ko lang napagtanto na wala na nga talaga akong kaliwang braso. And from that specific moment, I am confused. Magiging malungkot ba ako dahil kulang na ang katawan ko o magiging masaya dahil buhay pa ako? I should probably choose the latter.

I decided to just heave a sigh.

"Mabuti na lang talaga at tapos na ang lahat." Isa pang malalim na hininga ang pinakawalan ko. "Mabuti na lang talaga at ligtas na tayo . . ."

It was followed by a weird silence. Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa biglang hawakan ni Santhy ang mukha ko. He cupped both of my cheeks. He made me equal my gaze at him. He is giving me an assuring smile that's so contagious.

That moment, I was calm.

But not until he speaks . . .

"Tangina ka, iyon ang akala mo." Santhy told me. Nanlaki ang mga mata ko noong sinundan niya iyon ng nakakabinging pagtawa.

At napaawang ang bibig ko noong magsimulang balutin ng kilabot ang buong pagkatao ko. Everything inside this peaceful room started to be ruined. Para ba akong nasa loob ng isang mundong may oras na mabilis kung gumalaw.

Before I knew it, I opened my eyes. Wala pa rin ang isa kong braso.

There, I realized that it was also just a dream.

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko sa nakita mula sa harap ko. It was Santhy, Briela and Manuel. Infected na rin silang tatlo. Hindi mabilang na mga buhay na bangkay ang nasa likod nila.

They are coming to eat me alive.

Hindi ako naging handa noong dumamba sa akin ang anak ko. Naramdaman ko ang kanyang ngipin sa aking leeg. At sinamahan na siya ng iba pang mga buhay na bangkay.

More than the pain that their teeth are giving me, what pained me more is the idea me perishing with the teeth of my loving son. Wala akong magawa. Hinayaan ko na lang silang pagtulungan ako dahil wala na rin namang silbi kung mabubuhay pa ako. Wala na ang anak ko. Tapos na ang misyon ko noong oras na makita kong buhay na bangkay na rin siya.

This is it.

The year 2054 is the point where everything will come to a painful conclusion. Death is coming to everyone. No one is safe. Demons are winning. Human race will finally be erased to the vast darkness of the infinite space.

And before I can even hug my son one last time, my eyes was welcomed by the darkness. And then I started to crave for flesh. I felt my body to lighten. And then I yell for no reason up until I joined the other zombies to run towards that speficific place where humans are shouting and begging for their lives.

END

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now