Season 1: Episode 18

9.2K 764 565
                                    

Malamig ang paligid. Sa bawat paghampas sa akin ng hangin ay ganoon ang pangingilabot ko habang pinapakinggan iyong mga zombies sa loob ng kotse nila. Na-trap yata sila doon bago ma-infect ng virus.

"Shit." Nasabi ko na lang sasarili ko noong makita iyong isa na halos wala nang mukha. Nakasaksak sa buong mukha niya iyong malaking tupok ng salamin. Itim na rin ang kulay ng balat niya. Gusto ko na lang maduwal noong maamoy ko na ang masangsang niyang amoy. Bulok na bulok. Agad akong lumayo.

Naglibot pa ako. May mga kotse ang nakasabit sa edge ng tulay. May ilang mga tinutupok ng apoy. Mayroon ding nakasingit sa bakal na pula. Ganoon rin sa ilog na nasa baba nito. Punong-puno iyon ng mga kotse. May humuhuni mula doon, isang indikasyon na marami ring zombies ang nandoon ngayon.

Napangiwi na lang talaga ako.

Bakit biglang naging ganito ang mundo?

Bakit biglang ganito? Bakit kailangang maging ganito?

If this is God's way to filter the world, I might have to hate Him . . .

Humugot na lang ako nang malalim na hininga. Matapos ay naramdaman kong gumalaw si Orion mula sa cat backpack. Tila bang naramdaman niya ang panic ko.

Nagpasya na lang akong bumalik kina Tito Theo na ngayon ay busy sa pagpupulong kasama sina Kuya Nero.

"We really can't move these cars. Wala na tayong daan. Kailangan talaga nating maglakad for now." Ate Bianca told us.

"So, para mo na ring sinabi sa amin na mamamatay kami sooner or later?" Kuya Finn cut her off with a sharp tone.

"Finn, bro." Kuya Nero tried to calm him down. Pero padabog niyang sinalya palayo iyong kamay ni Kuya Nero.

"Can't you just calm down, kid?" Kuya Seiya snapped. Sa singkit niyang mata, nakaka-intimidate ang kanyang itsura. Para siyang manununtok na lang bigla, eh.

"Sinasabi lang ni Bianca ang posibilidad. Pero kung ititigil mo lang ang bibig mo sa kakangawa, malalaman mo sanang baka may sasakyan tayong madaanan habang naglalakad? Baka masakyan natin iyon papunta sa New Bilibid? Baka patigilin ka n'on sa kakangawa mo na parang sanggol na nagugutom?" Ate Bianca tried to stop him but he is to pissed off to care.

Sa mga sinabi niya ay nakakunot-noo lang si Kuya Finn. Ibinaling niya ang tingin sa malayo. Halatang napahiya.

"Now, this is the plan." Kuya Seiya began again. "We are going to walk for awhile." For a moment, I saw how he glared at Kuya Finn. "Kapag may nadaanan tayong sasakyan na ligtas, sasakyan natin iyon agad kaya 'wag kayong mabahala. Marami kaming armas na dala. Mapo-protektahan namin kayo."

Lahat kami ay tumango sa kanya maliban kay Kuya Finn na patuloy pa ring nawawala sa mood.

"Now, we should move. Ilang oras na lang ay mag-uumaga na. Mahihirapan na tayo kapag umaraw na." Pagpapatuloy ni Kuya Seiya.

Kinuha muna nilang dalawa ni Ate Bianca iyong mga armas nila sa Police Patrol. Tinulungan sila nina Tito Theo at Kuya Nero. Matapos ay nagsimula na kaming maglakad. Pinagawa nila kami ng dalawang linya at sinabihang 'wag na 'wag hihiwalay sa kanila.

Ngayon, dahan-dahan kaming naglalakad habang nasa harap sina Ate Bianca at Kuya Seiya. Nakatutok ang baril nila sa harap. Handang patayin ang kung sino mang infected ang haharang sa daan namin.

It was a few moments of us walking carefully when all of a sudden, nagpaputok si Ate Bianca. Then we saw a man to fall down. Noong madaanan namin siya ay kitang-kita iyong laman loob at ribs niya. Halatang nilapa siya ng mga infected.

Naduwal si Venice na naglalakad sa tabi ko. Tumigil kami. I was patting her back as she continues puking.

"Okay ka lang?" I told her.

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now