Season 2: Episode 3

7.6K 617 292
                                    

"We have no choice now but to take the stairs. We are not safe here. We can never be safe here." Santhy told me the moment the elevator started to move downward.

I only nod at him because I am still shocked.

Hindi ko alam pero kahit ilang beses na akong nakakita ng zombie ay hindi pa rin talaga ako masanay-sanay. Nanginginig pa rin talaga ako sa takot. Bagay na hindi ko mapigilan dahil wala naman talaga akong fighting instinct sa sistema ko.

"Now, here's the plan." Santhy told me as he continued to glance the red lights with the numbers of the floor we are currently at from moment to moment. We are at 22nd floor right now.

"The moment this door open, we need to effin go out of this elevator. Alright?"

Sa sinabi niya ay kinabahan lang ako.

Nagsimula lang akong mag-overthink. Paapaano kung zombies agad ang bumungad sa amin? Papaano kung nag-aabang lang pala sila sa pagbukas ng pinto?

Hindi ko na alam . . .

"Hey," Santhy came near me then he cupped my face. He is now staring at me as if he is willing to give all of his strength to me, "h'wag kang matakot. I am here. Po-protektahan kita. Hindi ko hahayaang mapahamak ka."

I swallowed hard.

"Okay?" His tone is begging me to just say yes.

Then I nod at him with my eyes blinking my tears.

"Good."

Right then, he held my hand. Pareho kaming humarap sa pintuan. Pareho kaming halos hindi na makahinga sa takot na baka kapahamakan lang ang bumungad sa amin sa pagbukas ng elevator na ito.

"Ayan na . . ." Santhy told me. Sa sinabi niya ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Orion. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ganoon na rin ang pagpapawis ng noo ko. I was holding my breath without me thinking about it.

Kasabay ng mahinang tunog ng artificial na bell ang pagbukas ng elevator. I was really about to close my eyes to welcome a tragic event when I realized that there was nothing but a plain white wall outside. Doon ay hinila ako ni Santhy.

Dahan-dahan kaming naglakad papalabas ng elevator.

Sa labas, walang makikita kung hindi mga pintuan ng iba't ibang office. Sobrang tahimik nito. Walang bahid ng kung anong gulo dito.

Bagay na kinakatakot ko.

This pandemic is only creating a paranoid girl out of my petrified system. I found myself looking forward to some chaotic events that I never thought I'd be a part of.

But for the first time, I was wrong.

There was really nothing on this floor. Nakababa kami sa hagdan nang ligtas. Nagawa naming makababa nang walang aberyang humaharang sa daan namin.

But just like a tornado, depressing commotion is always followed by a silence that screams safe haven.

21st floor was safe.

But the 20th one was never an ideal place for us to run for our lives to.

Ngayon, ilan ang mga zombies na nagtatakbuhan nang pabalik-balik sa daan. Hindi nila kami nakikita dahil sa dilim siguro ng kinatatayuan namin. Samantala, may mga zombie rin ang kinakalampag ang elevator na matatagpuan sa hindi kalayuan sa amin. I really thanked God na hindi kami dito bumaba. Kung hindi, paniguradong nasa tiyan na kami ng mga zombies na ito.

"We need to be quiet." Santhy whispered at me. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

I only nod at him. I can't find words to respond him. Kasi sa gulong nasa harapan namin ngayon, ang magsalita ay parang nakalimutan ko na rin.

"Kailangan nating bilisan. Kailangan nating tiyempuhan sila. Kailangan nating bumaba sa hagdan next to us nang hindi nila nakikita."

Nakakainis na ang hagdan ay nasa tabi lang talaga namin. Kung walang pandemic ngayon, I could just passed it by like a whirlwind. Iyong wala pang segundo ang gugugulin ko para lang malagpasan 'to.

Nakakairita na talaga.

"But the point is, hindi natin kayang bumaba doon the normal way. You see that?" Santhy pointed the lights from the bottom of the stairs.

"Makikita at makikita talaga nila tayo kahit ano pang bilis ang gawin natin. Worst case scenario, baka habulin lang nila tayo pababa. And that just means, we will be trapped by zombies on our way down. We can never let it happen if we really want to survive."

Huminga ako nang malalim. I tried to calm myself. "So, ano nang gagawin natin?"

"We need to go down from here. Like, jump from here."

"Are you crazy? Baka mabalian tayo." May pagdiin ang tono ko.

"This is a matter of high risk, high rewards now." Santhy is trying to motivate me when he said, "Don't worry. Ako ang unang tatalon. Sasambutin kita mula doon. I will make sure na hindi ka masasaktan."

Nagpakawala lang ako nang malalim na hininga.

At as if naman may choice ako? I was a nuisance to him, after all. The least that I can do now is to just agree with his decisions. Kasi sa mga puntong ito, siya na lang talaga ang pag-asa ko para maka-survive.

Tumango ako sa kanya. At wala na talaga siyang hinintay matapos iyon. Before I knew it, he is now hovering off the metal handle of the stairs. Then as quietly as he can, he jumped from there.

Actually, hindi naman gaanong mataas iyong tinalunan niya. Sakto lang. Pero ang kinakatakot ko lang talaga ay iyong mapatama ang mga paa niya sakto sa kanto ng hagdan. Kung mangyayari iyon, malaki ang chance na hindi na siya makalakad nang ayos.

It was now my turn. Nanginginig ako noong sumampa na ako papalayo sa hagdan. I am now on the edge with only my one hand supporting my balance as I hold the metal handle. The other hand is busy tightening my embrace with Orion.

"Go," Santhy mouthed with a smile on his face. Nakatingala siya sa akin. He is definitely trying to lighten the dull mood out of my system. And he is surprisingly succeeding.

Without me thinking about it, I started to jump. At saktong bumagsak ang katawan ko sa mga bisig ni Santhy. Halos maibuga ko talaga lahat ng hangin sa akin katawan noong magtama ang mga mata naming dalawa.

He smiled at me. "I told you, hindi ko hahayaang masaktan ka." Then he made me stand. I look away and just nod.

"Now, we should go ahead." Muli niyang kinuha ang kamay ko. At noong hinila niya ako pababa ay hindi ko sinasadyang mapatapilok mula sa hagdan.

Dahil doon, napatili ako.

Dahil doon, nanlaki pareho ang aming mga mata noong sunod-sunod na humuni ang mga zombies.

Hanggang sa namalayan na lang namin na ang paghiyaw nila ay papalapit na nang papalapit sa amin.

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now