Season 1: Episode 4

13.3K 1K 692
                                    

"Wait," biglang nag-salita si Kuya Nero.

We are about to began walking when he suddenly spoke. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Wala ni isang umiimik. Nakatingin lang kami sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya.

"Bakit wala kayong face mask?" Kuya Nero pointed her gaze at Tito Theo at saka doon sa kundoktor. Silang dalawa lang kasi talaga ang wala.

Thinking about that, bakit nga ba wala silang face mask?

Well, this is a thing on my generation. Dito sa taong 2054, chill lang ang lahat. Walang pangamba kasi nasolusyunan na lahat ng deadly viruses na mayroon ang mundo. Maski ang COVID-19 na minsan nang nagpahirap sa panahon ni Dad. Nasugpo na iyon ng mga scientists sa generation na ito.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit walang sumeryoso sa virus na ngayon ay ginagawang malaking sementeryo ang mundo. Akala namin, mawawala ito agad. Akala namin, hindi ito pangmatagalan. Kasi magagaling naman ang mga scientist, eh. Kaya karamihan ay hindi nag-atubiling mag-ingat. Karamihan ay hindi nag-face mask.

Pero hanggang akala lang pala talaga kami.

Huli na para mag-ingat.

Tapos na ang lahat bago pa kami kumilos.

And I hate it. I hate that I was born to this dumbest generation of people to ever exist on Earth.

"Nawala ko iyong sa akin." Napangiwi si Tito Theo. Pero ramdam kong nagsisinungaling lang siya. Hindi ko alam kung bakit!

"Ako, aaminin kong hindi ako nag-suot noon." Pag-amin naman noong kundoktor.

Napa-hugot na lang nang malalim na hininga si Kuya Nero bago siya dumukot sa bulsa ng pantalon niya. He shoved the two surgical masks away from his pocket. "Here, i-suot niyo."

Agad iyong kinuha ng kundoktor at ni Tito Theo. They are the quickest to put in on their faces.

"Airborne ang virus. It can easily be transmitted through air so we should be careful." Kuya Nero is eyeing us careful. "Also, don't touch anything. The virus is similar to deadly COVID-19. Hindi natin alam kung may virus na ba ng infected ang kung ano mang hahawakan natin. Manigurado na lang tayo."

Lahat kami ay tumango sa kanya.

He has a point.

This virus is close with COVID-19 but more deadly. With the mortality rate, it is nothing compared with that virus. Pero 'yung way of transmission, katulad na katulad lang.

"Let's move."

Those words of Kuya Finn are what it takes for us to finally drag our feet away from the bus. With the unsure hope of safety, we began to risk our lives with our eyes being blindfolded by the possibilities of our death later on.

***

Malapit nang magdilim. The sky is turning gray. Our eyes are starting to be succumbed by the approaching darkness. Ganoon na rin ang nagsisimulang pag-lamig ng paligid.

Aaminin ko, natatakot na ako.

Hindi ko alam kung natatakot ba ako para sa sarili kong buhay o para kay Orion. And I don't have the energy to figure it out.

Sa twenty minutes na paglalakad namin, wala ni isang aberya kaming naranasan. Wala talagang tao sa mga bahay na nadaanan namin. As in. Nagmistulang ghost town ang Barangay Inocencio which are used to be so crowded because of the growth of Trece Martires' economy.

Wala ni isang tunog kaming naririnig kung hindi ang paghampas ng hangin sa mga dahon. Ang pagtahol ng mga aso sa mga bahay na nadadaanan namin. At ang mga huni ng ibon na para bang nagpahihiwatig ng hindi maganda.

"Nasaan na kaya ang mga tao?" Hindi na napigilan ni Tito Theo ang magtanong.

"Baka nag-evacuate?" Sambit noong kundoktor. "Mahusay ang mayor ng Trece. Baka nagawan niya agad iyon ng paraan."

I really hope so . . .

"Yeah," Ate Alexis finally mumbled a word, "pero we are not sure. Philippines has already turned into a massive graveyard."

Tumigil siya at tumingin sa amin. Pinakita niya ang cell phone. I gasp. There, we saw how ruined the country is right now. Sa bawat pag-scroll niya ay puro iyong mga infected ang nakikita ko. Galing ang mga posts doon sa mga taong na-stuck sa mga bahay nila. Ang mga infected ay sinusubukan silang pasukin.

I let out a deep breath.

Just tell me how did the world easily turned from being the most progressive one to the most dreadful era to ever exist in the entire history of mankind?

It was just last week when the Philippines started to be listed to the first-world countries. Bakit ang bilis bumawi ng kaparalan?

"Wait . . ." Kuya Finn started to stop his feet. Siya ang nasa unahan naming lahat kaya napahinto rin kami. "May naririnig ba kayo?"

Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. Napapalunok ng laway, mas lalo akong kinabahan.

I blink.

And then when reality hits me, my mouth went agape.

There was a sound near us. A familiar sound of growling softly. At ang tunog na iyon . . . ang tunog na iyon ay narinig ko lang sa mga infected kanina.

"Malapit lang ang tunog sa atin." Ate Alexis mumbled. Walang halo ng takot sa kanyang boses. "Be ready."

"Pogi, dito ka sa likod ko." Tito Theo grab my arms. Ipinuwesto niya ako sa likod niya. Agad ko siyang sinunod.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Maingat. Para bang bilang na bilang namin ang galaw namin. And when we finally saw the sign of Jetti, we also saw a person. An infected one. Walking right at us with a slow pace. Para ba siyang pilay or something. Iyong tipong parang ang bigat ng mga paa niya. Iyong para bang may bakal na nakatali mula doon. On the other hand, his face is totally ruined. Halatang inihampas niya sa matigas na bagay ang ulo niya. Nakaluwa pa kasi ang isang mata niya.

"Don't freak out and stay far from him." Kuya Nero reminded us. Habang palapit kami nang palapit ay ganoon rin ang ginagawa naming paglayo sa direksyon ng infected. Sa bagal naman niya ay mas posible pa ang pagputi ng uwak kaysa sa malapitan niya kami.

"Relax, he is harmless." Ate Alexis added while sharping her gaze against him. "He won't hurt us."

It was a few seconds when we walked passed the infected man. Ngayon ay hinahabol niya pa rin kami. Iniaangat pa niya ang kanyang kamay na para bang inaabot kami.

Wala na kaming hinintay pang oras, agad na kaming napatakbo patungo sa gasoline station. Nagmamadali, mabilis na kumilos sina Kuya Nero at iyong kundoktor. Agad nilang nilagyan ng gasolina iyong dalawang container. Habang ako naman ay taeng tae na mapuno na agad iyon habang ibinabaling ang tingin sa paligid!

Hanggang sa . . .

Hanggang sa sunod-sunod akong makarinig ng mga pag-ungol na katulad na katulad ng ginagawa ng mga infected. Palakas iyon nang palakas. Kada-segundo, ramdam kong palapit sila nang palapit sa amin. Sa lakas noon, natatakot akong baka sila na iyong hinahanap namin kanina pa. Ang residente ng Barangay Inocencio. Na ngayon ay na-infect na ng virus.

"Babalik tayo sa Bus." Bumulong sa akin si Tito Theo. Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Pagkatapos nilang mapuno iyang dalawang container, gusto kong tumakbo ka papalayo dito nang hindi tumitingin sa likod mo. Maliwanag?"

Napapalunok ng laway, mabagal akong tumango.

Tito Theo, as if I have a choice?

The Last QuarantineWhere stories live. Discover now